Chapter 25: Practice

4.2K 87 0
                                    

Elle's POV

Naglalakad na ako papunta ng music room. Kaninang 7 am ay tumawag si Trexx at sinabing 'di muna siya makaka-contact sa'kin dahil magiging busy siya sa mga dadating na araw. At sinabi niya rin na ayaw niya akong abalahin dahil nagpe-prepare kami para sa foundation.

Sabi pa niya "wag mo akong mamimiss agad ha?"

"Hindi ko alam na nakakataas pala ng pagka-assuming ang pagpunta ng London" sagot ko naman sa kanya.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya. Hindi ko sinabi sa kanya na kakanta ako ulit. Gusto kong ipaalam sa kanya kapag araw na ng foundation day.

Nakarating ako ng music room at pumasok na. Nakita ko si Haven sa loob. Nakaupo siya roon at hawak ang isang gitara. Narinig niya ata ang pagbukas ng pinto kaya napalingon siya sakin.

"Good morning." bati ko sa kanya. Hindi na ako nagexpect na babati siya pabalik pero nagulat ako ng binate niya rin ako.

"Morning" sambit nito. Umupo ako sa upuan sa harapan niya pero 'di ganun kalapit.

"May kanta ka na bang napili?" tanong ko

"Yeah. It's 'You and Me' by Lifehouse and 'Statue' by Lil Eddie" Pinatugtog niya yung kantang napili niya. Nang matapos ay nagsalita ako

"I think okay na yan. Yung sakin kasi isa pa lang napipili ko sorry." sambit ko

"It's fine. What is it?" tanong niya

"'A Thousand Years' by Christina Perry." sambit ko. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa kantang napili ko. Nagpractice lang kami ng nagpractice buong umaga. 'Di na namin namalayan na lunch time na pala.

"Let's continue the practice after lunch." sambit niya

"Sige." Sambit ko. Uminom ako ng tubig. Nagdala ako ng tubig kasi naisip ko na matutuyo ang lalamunan ko kakakanta.

"Gusto mo uminom?" sambit ko. Habang ibinibigay sa kanya yung isang bote ng tubig.Tinanggap niya ito.

"Thank you" sambit niya at binuksan ang inumin. Nagligpit na ako ng mga gamit at inihanda na ang sarili sa pag-alis.

"Alis na ako, Kain lang akong lunch." Tumingin ako sa kanya

"Do you want to eat lunch with me?" tanong niya sabay tingin sa akin. Para akong nabilaukan sa sinabi niya.

"A-ah e-eh" nauutal kong sabi

"It's ok if you don't want to." sambit niya sabay iwas ng tingin. Na-guilty naman ako sa sinabi niya.

"Sige" pagsang-ayon ko. Napalingon siya sakin. Naglakad kami palabas ng music room.

"Where do you want to eat?" tanong niya sakin

"Kahit saan" sambit ko

"Do you want to eat outside?" tanong niyang muli. Pansin ko lang. Parang ang daldal niya ngayon.

"Sige" pangsang-ayon ko at tumango siya. Dumeretso kami sa parking lot. Sumakay kami sa kotse niya. Tahimik lang kami sa loob.

"A-ahh Haven." pagtawag ko

"Why?" sambit nito pero nakatingin parin sa daan

"Bakit ka pumayag na tumugtog ng gitara?" tanong ko. Mukha namang nagulat siya kasi napatingin siay sakin. Di niya siguro ini-expect na tatanungin ko yun.

"It's for the kids in the orphanage and it's because of you, nerd." Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.

"Ahhh" nasabi ko na lang

"Were here." sambit ni Haven. Napatingin ako sa labas at nakita ang isang mamahaling restaurant. Lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa loob.

"Good day Ma'am, Sir. Table for two?" tanong nung babae

"Yes" sambit ni Haven

"This way Sir, Ma'am." Sinundan namin yung babae at nagupo na kami ng makarating sa table namin. Binigyan kami ng menu nung waiter at pumili na kami ng pagkain. Binigay nami ang order namin at umalis na yung waiter.

Ang awkward ng atmosphere sa paligid naming dalawa. Walang nagsasalita at 'di ako makatingin sa kanya.

"You have a really good voice, Aze." biglang sambit ni Haven. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

What the?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now