Chapter 34: Trip and Problem

3.8K 77 0
                                    

Elle's POV

Ngayon ang araw na pupunta kami ni Trexx ng London at excited na ako. Sinabi ko naman kina Clovee na mawawala ako ng isang linggo pero 'di man lang sila nagtaka kung bakit ako aalis. Pero okay lang din. Sinubukan kong sabihin kay Haven kaya lang ayaw ko naman isipin niya na gusto kong pigilan niya ako.

Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing sasabihin ko na wala siyang kinalaman sa akin?

"Are you excited?" tanong ni Trexx. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Oo naman." Sambit ko. Ginulo niya ang buhok ko. Sumakay na kami ng eroplano. Naguusap lang kami habang nasa himpapawid. Ang saya ko lang dahil kasama ko siya ulit ngayon. Hindi ko inakala na mangyayari ulit itong ganito na kasama ko siya.

Nang makababa ang eroplano namin ay agad kaming lumabas. Namangha ako sa ganda ng lugar kahit na airport pa lang ito. Sigurado ako na magiging masaya ang pag-stay ko dito. Pumunta kami sa house niya at ang masasabi ko lang ay maganda ito at malaki. Itinuro niya rin ang magiging kwarto ko.

Three days lang kami dito dahil hindi naman kami magtatagal. Bukas na ang graduation ni Trexx.

"Gusto mo bang mamasyal?" tanong ni Trexx. Mabilis akong tumango. Lumabas kami at namasyal. Manghang-mangha ako sa ganda ng lugar.

"Thank you sa pagsama mo sa akin." Sambit ni Trexx. Nginitian ko siya.

"Ang saya ko nga dahil nakasama ulit kita." Sambit ko at nginitian niya rin ako. Nakakita kami ng food stall kaya niyaya niya akong bumili. Nang matapos ay umupo kami sa isa sa bench. Tahimik kaming kumain.

"Aze." Tinawag ako ni Trexx. Lumingon ako at tinawanan niya ako. Inilapit niya ng kaunti ang mukha at pinunasan ang bibig ko.

"You're so cute." Sambit niya. Natawa naman ako ng sabihin niya iyon. 

"Salamat." Sambit ko. Tinuloy namin ang pagkain hanggang sa matapos kami. Saka kami naglakad muli.

"Nagpa-practice ka pa bang magviolin?" tanong ni Trexx ng mapadaan kami sa tindahan ng instruments. Umiling ako.

"Simula ng umalis ako ng orphanage hindi na ako nakakapag-practice. Mas naging focus kasi ako sa ibang bagay." Sambit ko. Hinila ako ni Trexx papasok sa loob ng tindahan. May sinabi siya sa nagtitinda pero hindi ko naintindihan. Pansamantalang umalis ang babae at pagbalik ay may dala ng violin.

Inabot iyon sa akin ng babae. Naguguluhan kong tiningnan si Trexx.

"Kunin mo." Nakangiting smabit niya sa akin. Tinanggap ko ang violin na nasa case pa niya. Binayaran ni Trexx ang violin habang 'di pa rin ako nakaka-recover. Lumabas kami na hila-hila niya ako.

"Trexx." Seryosong sambit ko.

"I know what you are thinking. Pero gusto kong ibigay sa iyo iyan, matagal na." sambit niya.

"Pero sobrang mahal ng ganitong violin." Sambit ko.

"Bumabawi lang ako sa lahat ng naliktaan kong birthday mo." Sambit niya. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya. Alam ko na gusto niya lang bumawi pero ayaw ko naman na gumagastos siya ng malaki na parang wala lang sa kanya.

"Just keep it, Aze. Please." Sambit niya. Bumuntong hininga ako at saka ngumiti sa kanya.

"Sige na nga." Pagsuko ko sa sinabi niya. Namasyal lang kami ng namasyal hanggang sa maggabi na. Umuwi kami at nag-dinner. Inilabas ko ang violin at tinitigan. Napangiti ako.

"Want me to play you something?" tanong ni Trexx. Tumango ako at iniabot sa kanya. Tinugtog niya ang kauna-unahang tinugtog niya sa akin noon sa orphanage. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumutugtog siya.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now