Chapter 11: Clover?

5.5K 108 0
                                    

Elle's POV

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok dahil na rin sa napagusapan namin ni Jyxyll kahapon na magkikita kami sa lumang classroom kung saan ko siya nakita kahapon.

Nakarating ako ng campus at kokonti pa lamang ang mga estudyante. Naglakad ako papunta ng lumang classroom at nakita ko si Jyxyll na nakaupo sa sahig at nagbabasa.

"Hi" masayang bati ko

"Hi, good morning" balik na bati niya.

"Good morning din." Nginitian ko siya. Isinara niya ang libro at lumingon sakin. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagluha at pagkalungkot. Sa tingin ko'y di siya ganun nakatulog kagabi.

Hindi pa rin niya nakakalimutan.

"You can do it. I know you are a strong person." seryosong sambit ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Thank you." sagot ni Jyxzyll

* Fast Forward *

Natapos ang klase at napagpasyahan namin ni Jyxyll na tumambay muna sa ilalim nang puno sa may field. Umupo kami at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Haven at ang tropa nito.

"Elle?"

Ilang araw ko ng napapansin na lagi silang nagmamadali ng mga kaibigan niya.

"Elle"

Hindi ko alam pero lagi silang tahimik at kung seryoso sila lagi mas seryoso sila ngayon.Minsan naiisip ko, may problema kaya sila?

"Elle!"  Sigaw ni Jyxyll

"Ayyyy!" Gulat na sambit ko

"Kanina pa kita tinatawag pero di mo ako pinapansin,ang lalim ng iniisip mo ." Sambit niya

"Sorry may naalala lang." sambit ko. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mamalayan namin na madilim na.

"Tara na?" Sambit niya

"Tara." sagot ko

"Hatid na kita." Sambit niyang muli

"Hindi na lalayo ka pa. Tsaka may pupuntahan pa ako." malumanay na sambit ko

"Ganun ba? Sige kita na lang ulit tayo bukas" sambit niya

"Sige, ingat." paalam ko. Kumaway siya sakin at umalis na.

Oo nga pala kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama si Clovee at Clover. Hindi ko rin alam ang dahilan. Ilang araw na silang wala.

Flashback...

Nasa tambayan kami ni Clovee at Clover ,break time namin .Dito na kami kumain dahil ayaw namin sa cafeteria. Nasa kalagitnaan kami ng pag~uusap ng tumunoh ng sabay ang cellphone nila.Agad nila itong tiningnan.

Biglang nagbago ang nakangit nilang ekspresyon ng seryoso. Pero nawala agad iyon ng tumingin sila sakin

"Elle, sorry may emergency sa bahay, alis na kami sorry" nqkangiting sabi ni Clovee

"Ha? Ganun ba sige." sambit ko

"Sige, pakisabi na lang sa professor natin " sambit naman ni Clover

"Sige, bye. Text kayo sakin ha?" Paalam ko sa kanila

Kumaway sila sakin at tumango

End Of Flashback

Simula nung araw na yun di na sila pumasok pero kinabukasan ng nangyari yun ay nagtext sila sakin pareho.

Ang sabi "Pasensya na at iniwan ka namin nagka~emergency lang,"  text yan ni Clover

"Sorry, Elle for leaving you,babawi kami next time" text naman yan ni Clovee

Yan yung huling text nila sakin. Hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na text uli galing sa kanila. Kaya yun si Jyxyll yung lagi kong kasama.

I hope they are fine.

Nakarating ako sa part~time job ko at inituon ko na muna yung atensyon ko dito. Nang matapos ang aking part~time job ay napagpasyahan kong pumunta muna sa park.

Umupo ako sa swing. Wala ng katao~tao rito kasi 12 o'clock na ng gabi.

Ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi dito masyadong maliwanag kasi dalawa lang ung lamp. Tumingin ako sa langit at kitang~kita ko ang mga bituin. Ang ganda at ang peaceful.

Sana ganito lagi...

Nagtagal pa ako ng ilang minuto at nagpasya ng umuwi. Naglakad lang ako dahil malapit na naman. sa aking paglalakad ay may napadaang isang sasakyan.

"Clover?" Bulong na sambit ko

Namamalikmata ata ako.S i Clover ba yung nakita ko? Pero saan siya galing? At tsaka base sa ekspresyon ng mukha niya parang may iniinda siyang sakit. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong nakita ang ekspresyon niya kahit na ang bilis ng daan nung sasakyan.

Hmmm.

Si Clover nga ba yun? Tanungin ko na lang siya pag nagkita na kami.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakarating na ng bahay. Naglinis na ako at humiga na. Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako kung siya nga iyong nakita ko.

Clover, ikaw nga ba yung nakita ko? Pero anong ginagawa mo sa ganitong oras ng gabi?

Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata.

Clo~











Author's Note

Thank you for reading my story and sorry for the typos ang wrong grammars...

Sorry for late updating...

Enjoy...

                                                           ~13.1

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now