Chapter 1

1.1K 16 3
                                    

Isang nakakatulig na ingay mula sa alarm clock ang hudyat ng pagsisimula ng araw niya. 

Alas singko ng umaga, halos wala pang araw. 

Isang buntong hininga nalang ang nagawa niya pagkadilat na pagkadilat ng kanyang mga mata. 

Panibagong araw.

Panibagong pakikipagsapalaran

Panibagong pagsubok

at Panibagong pagkakataon

"Good Morning, Vhong!" Bati niya sa sarili nang tuluyang makatayo, naging kagawian na niya ang humarap sa salamin pagkagising. Konting hawi ng buhok at hawak sa baba, dyan na nagsisimula ang araw niya. 

"Napaka-pogi mo talaga!" pagpupuri niya sarili tapos ay natawa ng bahagya. Nagtungo na siya sa may kalan para magpainit ng tubig tapos ay naupo habang naghihintay. 

Araw ng lunes ngayon, panibagong linggo nanaman para sakin, ano kayang mangyayari nanaman ngayon? sana ay yung maganda-ganda naman Medyo napaaga ang gising ko ngayon at matagal tagal na rin nung huli kong naunahan ang alarm clock ko. 

"Ang dami naman" yan nalang ang nasabi ko nung nakita ko yung planner ko. Hay!

  Ang isang kamay ko ay abala sa pagsubo ng lugaw at ang isa naman ay abala sa pag scroll ng cellphone. Stalker mode nanaman ako, tuwing umaga habang nagaalmusal ako ay naglalaan ako ng kaunting oras para dito. 

"Singapore?" tinignan ko pa yung mga ibang litrato nila, oo nga! nasa singapore sila. 

"Ang saya naman" nilock ko na yung screen ko pagkatapos kong isyusohin yung mga litrato at nagpatuloy na ako sa pagkain. 

Kakatapos ko lang maligo nang biglang magvibrate yung cellphone ko, sino nanaman kaya ito? 

"Mr. Navarro, kindly drop off to my office today. Asap" Si Rex pala, professor ko. Ano nanaman kaya ang sasabihin niya? Ay bahala nga siya!

"Good Morning pogi!" bati sakin ni Aling Delia, sumagot ako tapos ay nginitian ko nalang rin siya at nilock ko yung pinto ng unit ko. Mukhang maaga akong makakapasok sa school ngayon ha?  

Alas sais pasado nung nakarating ako sa school, salamat naman at wala gaanong traffic ngayon. Kaninang nasa biyahe ako, iniisip ko na kung ano kaya yung sasabihin ni Sir Rex sa akin, medyo matagal narin kasi nung huli niya akong pinapunta sa office niya. Inayos ko muna yung polo ko bago ako pumasok, wala pang ibang tao dito sa faculty kaya mas lalo iyon nakadagdag sa kaba ko. Dumeretcho na ako sa office niya, nandon na siya.. nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Napatigil siya sa paginom nung nakita niya akong nasa labas ng pintuan niya. 

"Bakante tong upuan, baka gusto mong maupo" seryosong saad niya at nagpatuloy sa paghigop ng kapeng iniinom niya. 

"Kumusta ka na?" nanlaki yung mata ko sa narinig ko, medyo unsual yon pag dating kay Sir Rex. 

"A..ayos naman po sir" kinuha ko yung panyo ko sa likod ng pantalon ko, bakit ganon? umaga palang at ang lamig lamig dito sa office pero bakit pinagpapawisan ako.

"Nagalmusal ka ba?" tanong niya ulit. Bakit ba ang weirdo ni Sir ngayon?

"Ah...o..opo, sir"

"E bakit pautal-utal ka?" this time ay medyo natawa na siya kaya nabawasan ang kaba ko kahit papano. 

"Pag-aaral mo, kumusta?" 

"Ayos naman po sir, di ko naman po napapabayaan" 

"Mabuti naman kung ganon, oo nga pala.. kaya kita ipinatawag ay para ipakita sayo to. Reviewhin mo, mamaya sa shop nalang natin to pag-usapan." Kinuha ko yung folder na iniabot niya sa akin. 

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now