Chapter 30

545 20 30
                                    

Anne's POV

"Stacy.. can you please get the folders for our pop-up stores" I've been busy since yesterday, I had a meeting with our marketing department because we are opening our first pop-up stall. Maganda ang sales ng botique namin and they told me na a lot of customers are looking for it kahit nasa a&c botique sila so we're planning to build more stalls, yun palang muna dahil pinagaaralan pa namin yung lugar sa turnout sales kami mag babase kung magpapagawa kami ng mas malaking store.

"Here ma'am.." I was busy reading emails ng biglang tumunog yung cellphone ko. It's from an unknown number, di ko na sana papansinin iyon but naka 3 missed call na siya, di ko gawaing sumagot ng tawag without a prior text but iba ang kutob ko this time.

"He..hello?"

"Ms. Anne?" medyo pamilyar yung boses nung tao sa kabilang linya.

"Yes, who's this?"

"Si Hailey po ito.."

Anne: Oh Hailey, napatawag ka?

Hailey: Ms. Anne.. ano po kasi.. pasensya na po sa istorbo.. wala lang po kasi kaming alam ni Paul na pwedeng tawagan. Si Vhong po kasi...

Anne: ba..bakit anong nangyari?

Hailey: Nawalan po kasi siya ng malaya kanina after class po nila, hanggang ngayon di parin po nagigising

Anne: Ha?? A..ano kamo? Nasan kayo?!

Hailey: Nandito po kami sa clinic ng school ngayon, kami pong dalawa ni Paul

Anne: Si..sige papunta na ako.. mabilis lang to, pupunta na ko ha? Wag niyo muna siya iiwan.. wait for me please.

After I hang up the call, I hurredly went down.. God! Anong ginawa mo Vhong? Pagbaba ko sa parking, si Kuya Roger at King buti nalang at malapit sa sasakyan ko nakatambay. Parehas silang nagulat nang makita nila ako.

"Kuya Roger, sa school po tayo ni Vhong" sandali silang natigilan, maski ako ay natameme rin ng bahagya.

"Bilisan natin" tinawagan ko ulit si Hailey, medyo traffic kasi

"Ano Hailey? Kumusta si Vhong? Gising na ba?" Nagaalala na ako, di ko na inintindi na may iba pala akong kasama sa sasakyan.

"Hindi pa po, Ms. Anne.."

After almost 40 minutes ay nakarating na ako sa school ni Vhong, I handed them my i.d and King's I.D sinama ko kasi siya kung sakaling may kailangan pang ibang gawin kay Vhong.

Pagpasok ko sa clinic, sinalubong ako ni Hailey. Pinagtitinginan kami ng mga staff at estudyante na nandon. Then we went kung nasaan si Vhong.

"Vhong?" Agad akong pumunta sakanya.. tulog parin siya. Sinuklay ko yung buhok niya using my hand then the other one naman ay nakahawak sa braso niya. Sobrang init niya.

"Kailan pa ba may sakit si Vhong?" tanong ko kay Paul.

"Kahapon po napansin ko na medyo matamlay na siya tapos kanina po pumasok siya, naka jacket tas nung hinawakan ko po.. nilalagnat po pala.. sabi ko nga umuwi na siya dahil tapos na yung quiz at wala na rin naman gagawin pero ayaw po eh.. hanggang kanina, palabas po kami after ng second subject ayun po, hinawakan ako sabi niya teka lang daw tapos nawalan na po ng malay"

I held Vhong's hand while hinahaplos-haplos ko yung buhok niya.. Di parin siya nagigising. Nagpaalam na si Paul at Hailey dahil they both have classes pa raw, I told Paul na if ever hanapin ni Vhong ng mga professors nila ay sabihin nalang na may sakit si Vhong.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now