Chapter 15

568 26 14
                                    

Anne's POV

"Stacy, na contact mo na ba yung mga taga iCAds?" I was walking back and forth in my office while waiting for them. I am really tensed because the day after tomorrow would be our presentation para sa international partner namin. Gahol na gahol na sa oras so everything is in rush.

"Yes ma'am papunta na raw po yung team. Nasend na po ni Ms. Mara sa akin yung materials na gagamitin para sa shoot, kaya lang po ma'am.. may problema po"

"What?" I raised my eyebrow, ano nanaman jusko!

"Ma'am wala pong tumanggap na supplier satin for the cloth and flowers, yung others po.. napakiusapan po yung hardware na kinukuhanan ng iCAds kaya po madedeliver nila later at 1am" napapikit nalang ako, where on earth are we going to find those things?!

"Ma'am.. naayos na po namin yung design, tignan niyo nalang po if okay sainyo para po mabago natin kaagad" Mara handed me the folder, street art/urban fashion kasi ang gustong sample ng partner para sa portfolio.

"Mural? How can we do this thing, Mara? Sobrang gahol na tayo sa oras!" Kanina pa ako naaaligaga, but before Mara speak, Vhong came out of no where, he's wearing school uniform again at pawis na pawis.

"Vhong, yung mural.. wala na bang ibang option, ayaw daw ni ma'am yon" saktong pagtingin ko kay Vhong, napakunot yung noo niya. He removed his eye glasses tapos ay nagpunas ng pawis.

"Ha? Kala ko ba approved na yan?" He took off his backpack at kinuha yung folder mesa, saglit niyang tinignan iyon. Ano kayang iniisip nito?

"Sige na, ako na.. kaya ko na yan.. sila Kian at Rodge, sa ibang gagamitin nalang." Siya gagawa? Teka? Wala bang pasok to?

"Yung ibang materials pati bulaklak, okay na?" tanong niya habang busy kakatipa sa cellphone niya.

"Yung tela pati flowers, wala. Baka ako nalang ang tumakbo sa divi at dangwa" napakamot ng ulo si Vhong tapos ay tumingin sa akin

"Ako nalang din dun ate.. dito ka nalang, baka may mga kailangan pang bilhin.. itext niyo ako agad ha" hinubad ni Vhong yung polo niya , he's wearing a plain white vneck shirt. Ay wow! Hehehe

"I'll go with you. Sasakyan ko na gamitin natin."

"Ms. Anne, traffic po kasi tska mas mapapadali po tayo kung magcocommute nalang."

Nagpalit muna ako ng damit sa office, sabi kasi ni Vhong, magpalit daw ako para mas kumportable.

"Ate Mara ikaw na lahat sa pamasahe ha, para mabilis tayo." Pagbaba ko ng office, naka ready na silang dalawa ni Vhong. Bumaba na kami sa office, sa mrt station nalang kami magpapahatid para mas mabilis.

"Ma'am, beep niyo po" Inabot sakin ni Mara yung card, tinignan ko si Vhong.. tinap niya lang yung card kaya ginaya ko nalang. I feel so tanga hahaha!

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now