Chapter 55 (totoo na to 😂)

496 20 4
                                    

3rd Person's POV

Alas syete nang umaga nang makarating si Vhong sa opisina ng kanyang boss. Araw ng lunes ngayon kaya mahaba-haba pa ang araw niya dahil pagtapos niyang magmaneho ay papasok pa siya sa café. Habang naghihintay si Vhong ay umiinom siya ng taho at kasabay naman non ang pakikipagkwentuhan niya sa mamang nagbebenta ng taho. Maaga siyang nagising pero konti lang ang nakain niya kaninang almusal kaya naisipan niyang bumili ng taho. Sa palagian niyang pagbili ay naging suki na tuloy siya ng mamang nagbebenta.

Ilang minuto lang ay bumaba na ang kanyang boss kasunod ang mga bodyguards nito na sumakay sa kabilang sasakyan. Nagulat si Vhong dahil hindi naka-amerikana ang boss. Nakasuot ito ng skyblue na polo shirt at puting shorts at puting rubbershoes.

"Boss, taho po oh!" Alok ni Vhong, sandaling tinignan siya ng boss at tska tumingin ito sa mamang nagtitinda pagtapos nun ay kinuha nito ang baso ng taho na inalok ni Vhong sabay pasok sa loob ng sasakyan.

"Good morning po, boss. Saan po tayo ngayon?" prenteng tanong ni Vhong, ngunit nakarinig lang siya ng isang mahinang palatak mula sa likuran.

"I think Meghan already told you the schedule for the whole week? Wala ka bang planner at di mo narerecord ang mga dapat mong gawin?" tanong nito sakanya kaya agad niyang kinuha ang planner sa loob ng bag sa kanyang tabi.

"Aiishh! Sorry po boss, oo nga po pala, sa Wack-Wack po pala tayo ngayong araw" napatingin ang boss sakanya sa rear mirror ng sasakyan kaya nginitian na lamang niya ang boss at nagsimula nang magmaneho.

"Priorities and organized schedules, Mr. Navarro, it's a must!" Pahabol ng boss, hindi na lamang nagsalita si Vhong.

Halos wala pang isang oras ay nakararing na sila sa Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong, well nakapunta na naman si Vhong sa lugar na ito noon kaya hindi na bago sakanya ang ganitong lugar at isa pa, he has been into numerous posh country clubs sa bansa pati na rin sa ibang bansa. Kadalasan rin silang nasa Entrada, isang mamahaling private country club sa Utah, USA kung saan member ang kanyang mga magulang. Kaya siguradong alam niya kung paano kumilos sa ganitong lugar although medyo na-amaze din siya pagpasok.

"Mr. Sakimoto! Good Morning!" Bati ng boss niya sa isang lalaking matangkad na hapon. Nakasunod naman si Vhong bitbit ang cart bag ng boss. Napatingin siya sa hapon na kausap ng kanyang boss, in return ay nginitian siya nito.

"O, dito ka nalang.. hindi mo naman ako kailangan sundan. Magikot ka kung gusto mo. Bumalik ka bago mag alas dose." Bulong sakanya ng boss. Tumango na lamang si Vhong. Bitbit niya ang kanyang bag kaya may pagkakataon siyang magaral at gumawa ng kung ano habang naghihintay sa among naglalaro.

Paalis na sana siya para maghanap ng ibang pwesto nang biglang may tumawag sakanyang isang pamilyar na boses. Nanlaki ang kanyang mata dahil hindi niya sukat akalain na makikita niya sa pagkakataon na iyon ang taong tumawag sakanya.

Palapit na sana any lalaki ngunit biglang tinawag si Vhong ng kanyang boss. Natataranta niya itong nilapitan habang ang lalaki ay nakamasid lang sakanya. Tinawag ni Vhong ang waiter at tska umorder ng inutos ng kanyang boss. Pagkatapos nun ay paalis na sana siya ulit nang bigla siyang tawagin nito.

"Vhong?" Halos hindi makapagsalita ang lalaki, halatang nagulat ito sa pangyayari.

"A..anong ginagawa mo dito?" tanong nito sakanya.

"Nagtatrabaho" tipid na sagot ni Vhong tapos ay iniligpit na ang kanyang mga gamit, isinilid niya ang mga ito sa loob ng kanyang bag.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now