Chapter 54

576 22 12
                                    

Anne's POV


"Oh, Anne? uuwi ka na ba?" tanong ni Manong Roger sa akin tapos ay tinignan ang oras sa kanyang relo tska ibinaling ulit ang tingin sa akin.


"Manong.. can I ask you something?" nagaalangan pa ako pero kanina pa talaga ako di matahimik.


"Ano ba iyon?"


"Pano po ba malalaman kung may babae yung lalaki?" sa puntong iyon, hindi ko alam kung tama ba na nagtanong ako.


"Bakit? nambababae ba si Vhong?" seryosong tanong niya sa akin.


"Hi..hindi po.. nagtatanong lang po ako.."


"Nagdududa ka no? bakit ano bang nangyari?" nakasakay lang kaming tatlo nila King sa sasakyan ko. Hindi pa kami umaalis. Well, pinagkakakatiwalaan ko naman sila lalo na si Manong dahil parang tatay na ang turing ko sakanya.


"Wala po.. kasi... parang nawawalan na siya ng oras sa akin tapos.. parang less na po yung effort then..minsan parang ang cold na po.. tska dati di naman po yun naiirita kapag may tinatanong ako" mahabang paliwanag ko. Rinig ko naman ang pag palatak ni Manong





"Nako! mga ganyan e.. " magsasalita pa sana si King pero siniko siya ni Manong





"Baka naman pagod lang.. alam mo naman na ang daming ginagwa nung boyfriend mo, tska isa pa.. sabi nitong si King, nagmamaneho din. Tska nagaaral pa.. intindihin mo nalang siguro muna, Annieka" May point naman si Manong Roger pero basta! ewan ko ba! may something na di ako mapakali.





"E di naman po kasi siya dating ganon. Kahit anong pagod nun pag kinakausap niya ako, he's the most gentle and patient pero ngayon po... napapadalas yung pagiging iritable niya lalo na kapag tinatanong ko sakanya yung isang trabaho niya."





"Manong, lalaki ka.. alam mong ayaw natin na nahuhuli sa sarili nating bibig.. alam mo yon, magkakaipitan!" sabat ni King, agad naman siyang sinamaan ulit ng tingin ni Manong Roger.


"Manahimik ka nga! Di ka nakakatulong!" Singhal ni Manong Roger kay King, pero nang dahil sa sinabi ni King ay medyo nadagdagan nanaman ang iniisip ko.


"Alam mo dyan, Miss Annieka.. minsan kailangan ng alak para lumabas ang tunay na kulay"


"Gago ka talaga eh no? Anong alak ang pinagsasabi mo dyan?" Napailing nalang si Manong at nagsimula nang paandarin ang kotse.





Pagkadating ko sa bahay, I texted Vhong kung nasaan ba siya although alam ko naman ang schedule niya, may drive siya ngayon pero ang di ko alam kung saan dahil hindi naman niya sinasabi sa akin at hindi ko rin naman tinatanong.

I sent few text messages pero ni-isa don ay wala siyang nireplyan. Maybe he's busy, ang sabi niya sa akin nung nakaraan ay nakakahiya daw sa boss niya kung makikita siya nitong nagse-cellphone. Pero di talaga ako mapakali, I decided to call him dahil di talaga ako matatahimik hanggat di ko siya nakakausap.

After few rings ay sinagot niya rin sa wakas! pero mas kinakunot ng noo ko ang boses na bumungad sa akin.


"Hello?"


"Hello po?" isang boses ng babae ang sumagot





"Who's this? Where's Vhong? Bakit na sa iyo ang phone niya?" mataray kong tanong





Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now