Chapter 52

463 23 5
                                    

Cont. Anne's POV

"Baby, where are you?" tinext ko na si Vhong, may usapan kasi kami na manunuod ng movie.

Today is sunday, free day niya. We agreed na dito nalang siya pumunta sa bahay tapos from here, we'll use my car para pumunta sa mall. 11am ang usapan namin, pero 10:30 na ay wala pa rin siya.

After 5 minutes of waiting again, I received a text from him saying na mauna na ako sa mall at susunod nalang siya. I got slightly annoyed pero sige, mauuna nalang ako para makabili na rin ako ng tickets at snacks namin dahil maglalunch na rin naman.

12pm yung ticket na nabili ko, I bought fries, milktea and popcorn tapos ay tinext ko na si Vhong.

I'm waiting for almost half an hour already! 11:30 na pero wala pa rin si Vhong! Nagsimula nang pumasok yung mga tao sa loob ng sinehan pero ako, nanatiling nakatayo sa labas, naghihintay at nagmumukhang tanga.

"Hello? Nasan ka na ba?!" Bulyaw ko sa telepono

"Ma..mahal..eto na... malapit na yung jeep sa entrace ng mall.. mabilis lang to, tatakbo na ko" halos di ko na maintindihan yung sinasabi niya dahil sa ingay kaya binaba ko na.

Hanggang sa nakita ko si Vhong, patakbong papalapit sa akin. Why is he wearing school uniform? Pagtakbo niya ay may naka bunguan pa siyang tao kaya nalaglag yung mga dala-dala niyang papel. I hurredly went to him and helped him pick up his things. Sumabog yung dala niyang mga papel kaya nagpulot pa kami kasama yung nakabungguan niya. Pag kuha ko nung isang bundle, nakita kong namumula iyon sa red remarks, kung ano anong nakasulat pero di ko gaanong nakita.

Napatingin ako kay Vhong habang nagpupulot kami. He's sweating so hard at medyo magulo din ang buhok niya. Pagkatapos namin magpulot ay agad siyang tumayo, kamuntik pa kaming magkauntugan dahil sa sobrang taranta niya.

"Hey?! Are you okay?" Hinawakan ko siya sa braso, he took off his polo at walang kaabog-abog na ipinunas yon sa noo at mukha niya tapos ay mabilis na isiniksik sa bag niya. He didn't answer me, instead he just smiled and held my hand.

"San ka ba galing?" I asked. I know it's kindda obvious where he came from pero gusto ko lang tanungin talaga.

"Sa school mahal" sagot niya na nagpakunot ng noo ko. School on a Sunday? Hindi na ako nag follow up question pa dahil magsisimula na yung movie, baka maingayan yung mga katabi namin.

Wala pang 30 minutes na nagra-run yung movie, paglingon ko kay Vhong ay nakatulog na siya habang nakaakbay sa akin. Naka nga-nga pa! Sa inis ko kumalas ako sa akbay niya pero parang di naman niya naramdaman dahil tulog na tulog pa rin siya.

Patapos na yung movie nung sikuhin ko siya and because of that, he woke up. After ng end credits ay dali-dali akong tumayo at lumabas ng sinehan, hindi ko na siya hinintay. Naiiyak ako sa gigil.

Sinundan niya ako hanggang sa makarating kami sa Jollibee. Balak ko talagang umorder ng food namin don dahil namimiss ko na ang Jollibee kaya dun namin napagusapan na mag lunch, para maiba naman. Lagi nalang kasi kaming sa resto kumakain kapag lumalabas kami, madalang kami mag fastfood. Bihirang-bihira.

Nakapila na ako pero hinawakan niya yung kamay ko, kaya ginawa ko.. nilayasan ko siya at naghanap ako ng mauupuan. I texted him na iuwi niya na ako pero nasa may counter na siya non so he just ordered a take out.

Pagdating namin sa parking agad akong sumakay sa may driver'seat, habang si Vhong ay sumakay sa passenger seat sa tabi ko.

"Mahal sorry.." hahawakan niya sana yung kamay ko pero mabilis kong binawi iyon sakanya.

Will it be the same? (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz