Chapter 40

638 20 13
                                    

"Dad, Kuya.. please.. stop" umiiyak na pakiusap ni Annieka, pero di siya pinakinggan ng Daddy at Kuya niya. Ilang suntok na rin ang sinasalo ni Vhong mula sakanila.


"You still have the audacity to show your fucking face here huh?!" This time sinapak ulit si Vhong ng kuya ni Anne, dahilan para muli siyang bumagsak sa lupa. Tumalsik ang eye glasses niya sa lakas ng suntok at nadurog ito.


"TAMA NA!! TAMA NA!!" sumigaw si Annieka ng napakalakas habang iyak pa rin ng iyak


"Dindin!" tumakbo si Annieka napaupo sa kalsada. Awang awa siya kay Vhong. Wala itong ginawa kungdi saluhin lang lahat.


"Ayokong ayoko nang makikita yang pagmumukha mo, di lang yan ang aabutin mo. Tandaan mo yan." Binalibag ng tatay ni Anne ang gate at padabog itong pumasok sa loob kasunod ang Kuya ni Anne.


"U..uwi na ako, A..anniek.a.. tita.. pa..pasensya na po.. sorry po" tigas na paumanhin ni Vhong sa mommy ni Anne tapos ay iika-ikang naglakad palayo sa bahay.


"Ma..sorry" maging ang mommy ni Anne ay umiiyak din pero tumango lang ito, hudyat na okay lang sakanya na sundan ni Anne si Vhong.


"Din.." hinabol ni Anne si Vhong na kasalukayang naglalakad sa madilim na kalye sa kanilang subdivision.


"Vhong.. dadalhin kita sa ospital.. please?" hinawakan ni Annieka ang mukha nito pero isang iling at mahinang ngiti lang ang itinugon ni Vhong sakanya.


"Pa..paliwanag mo sakanila, wag mo kong intindihin, Annieka.. ayos lang ako" sambit ni Vhong habang nakahawak ito sa kanyang tagiliran.

Muling natigilan si Anne, nagkasya nalamg siya sa panunuod kay Vhong habang unti-unti itong naglalakad papalayo sakanya. Muli, wala siyang nagawa, wala siyang sinabi. Sa isa pang pagkakataon ay natulala nanaman siya. Gulong gulo sa mga pangyayari. Kanina ay sobrang saya nila ni Vhong kasama ang mga bata sa orphanage, sa isang iglap ay nagbago ang lahat.


"Jusko! Ijo! Anong nangyari sa iyo?" sambit ng taxi driver na pinara ni Vhong sa labas ng subdivision. Halos alas diyes na ng gabi, wala ng katao-tao.


"Ku..kuya pahatid nalang po dito" binigay ni Vhong ang calling card niya sa driver dahil halos wala na siyang lakas para magsalita pa.


"Gusto mo sa ospital kita dalhin?" Bakas sa boses ng driver na nagaalala rin ito sa kalagayan ng pasahero niya.


"Hindi na po, ayos lang po ako"


Ilang minuto lang ay nakarating na si Vhong sa tenement, sarado na ang tindahan ni Aling Delia at sakto namang walang mga tambay. Iika-ikang naglakad ulit si Vhong. Nahihirapan siyang maglakad gawa ng mga gasgas niya sa tuhod. Naka-shorts lang kasi siya kaya talagang nasugatan ng husto ang magkabilang tuhod niya.

Hirap na hirap siyang umakyat sa hagdanan, bukod sa madilim na ay nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Bawat hakbang ay parang lumulutang sa ere ang pakiramdam niya. Pagpasok ni Vhong sa kwarto ay agad siyang kumuha ng palanggana at bimpo. Nanghihina siya pero tiniis nalang niya ang sakit ng katawan.

Gasgas sa magkabilang tuhod, braso at siko. Marahang pinunasan ni Vhong ang dugong nagmumula sa kaliwang kilay niya. Halos mag kulay pula na ang bimpo sa dami ng dugong lumalabas dito dahil may pagkamalalim ang sugat niya sa kilay.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now