Encounter ✨♥️

567 28 5
                                    


"Hello po" paglingon ko, may humawak sa akin na isang batang lalaki. Nakangiti siya at parang ang saya-saya niya nung makita niya ako.

"Halika po" nagpatuloy siya sa paghawak sa kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Nasa isang napakagandang hardin kami, maraming mga batang naglalaro... nagtatakbuhan, naghahabulan, nagtatawanan.. parang ang saya-saya nilang lahat. Ibinaba ko ang tingin ko sa batang nakahawak sa kamay ko.

Napatitig ako sa mga mata niya, pamilyar yung mukha niya at sa tuwing nakikita niya akong nakatingin sakanya, ngumingiti siya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Napatitig ako sa mga mata niya, pamilyar yung mukha niya at sa tuwing nakikita niya akong nakatingin sakanya, ngumingiti siya. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa mapadpad kami sa isang malaking puno, sa puno na iyon ay may treehouse. Hindi ito kataasan kaya madali lang akyatin

Pagpasok namin sa loob ay excited na excited yung bata na pumunta sa harap ng isang shelf, pinapanuod ko lang siya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Pagpasok namin sa loob ay excited na excited yung bata na pumunta sa harap ng isang shelf, pinapanuod ko lang siya. Ang liksi-liksi niya at mukha talaga siyang isang masiyahing bata.


"Tignan niyo po ito o" pinakita niya sakin ang isang de-remote control na eroplanong laruan. Kilala ko ang laruan na yon. Inusisa ko yung mga nakalagay sa shelf, lahat ng nakikita ko ay pamilyar. Paglingon ko ay wala na ang bata dahil nakababa na pala siya ng treehouse. Sinundan ko siya at naupo lang ako sa damuhan habang pinapanuod ko siyang masayang-masayang pinaglalaruan ang eroplano niya.


"Ang galing po diba?" nilapitan niya ako at nginitian.



"Ang ganda naman ng laruan mo" sambit ko, muli kong nakita ang matamis niyang ngiti na sinundan ng isang halakhak.



"Bigay po ito ng papa ko e kaya po maganda po talaga ito" Sa puntong iyon ay niyakap ko siya. Yung yakap na matagal ko nang inaasam.


"Uno?" tinawag ko siya, nginitian niya ulit ako.



"Akala ko po hindi niyo po ako makikilala eh" umupo siya sa tabi ko, pinatong niya ang kamay niya sa tuhod ko habang hawak hawak niya parin yung eroplano.


Will it be the same? (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang