Chapter 43

556 23 11
                                    

Anne's POV

"Here's your order ma'am" nilapag nung crew yung mga inorder ko. After he left ay tinignan ko ang mga yon, ang dami ko atang binili nanaman. Ang sasarap ng mga pagkain sa harap ko pero medyo wala akong ganang kumain. Kahit medyo okay na si Vhong, he's still in pain. Ayoko na nakikita siyang nahihirapan ng ganon. Actually, di naman talaga ako lalabas para kumain dahil okay na ako sa mga pagkain sa caffeteria sa ospital pero dumating si Nanay, sabi niya siya muna daw ang magbabantay muna kay Vhong besides, tulog naman siya kaya okay lang na sumaglit ako para kumain ng masarap.

Tinignan ko yung relo ko, kailangan ko na bilisan kumain kasi baka magising na si Vhong baka hanapin ako non. Inuna ko muna kainin yung pasta, infairness masarap pero di ko talaga maiwasang maisip si Vhong. 😔 Umorder ako ng pasta tska cake, baka gusto ni Vhong papakainin ko siya mamaya pag gising niya.

Habang kumakain ako, nagulat ako nang biglang may magsalita.

"May I?" Si Ate Mara pala. Saglit ko siyang tinignan at marahang tumango, pagkatango ko ay umupo siya sa harapan ko. Ilang saglit lang ay dumating na rin ang order niya.

"Mi..Miss Mara" nahihiyang sambit ko, di siya nagsasalita, inayos niya yung pagkain sa harapan namin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain.

"Who's with Vhong?" Tignan niya ako ng diretcho habang nagtatanong siya.

"A..ay si Nanay po, sumaglit lang po ako dito para kumain, mabilis lang po to.. baka kasi magising na po si Vhong" yung heartbeat ko, feeling ko yung parang hinahabol sa sobrang bilis.

"It's okay.. take your time, Anne." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, dahil bukod don ay medyo malambing din ang pagkakasabi niya.

"Here, kuha ka.. I heard masarap to" inilapit niya sakin yung basket of potato wedges, oorder sana ako nito pero di ko tinuloy dahil marami na akong naorder. Kumuha ako ng kaunti dahil nahiya akong tanggihan si Ate Amara.

"Thank you po, Ms. Mara" medyo binagalan ko kumain, di ko kasi alam kung maauna ba ako umakyat o sasabayan ko siya. It will be direspectful on my part naman siguro if iiwan ko siya dito na magisa.

"Kumusta si Vhong? Anong sabi ng mga doctor? Di ba nagpapasaway?" Medyo nag lag ako sa tanong niya, bukod sa nahihiya ako sakanya ay ngayon nalang niya ulit ako kinausap na hindi siya nagsusungit, tho seryoso ng boses niya talaga.

"Okay naman po, controlled na naman po yung pain niya sa tagiliran.. medyo nahihirapan lang po ako pakainin siya dahil mahina po talaga kumain lalo na po ngayon na masama ang pakiramdam niya" habang sinasabi ko yun ay tumatango tango lang siya.

"Don't worry, I'll talk to him. Ahhmm, Annieka.."

"Po? Miss Amara?"

"Ate Mara nalang. You used to call me that before right?" Di ko maiwasang mapangiti, di ko nalang gaano ipinahalata.

"A..Ate Mara.. kunin ko nalang po itong moment na to, ako na po yung humingi ng sorry sa nagawa ng daddy ko kay Vhong.. sorry po" kita ako ang pagbuntong hininga niya.

"Pasensya ka na rin kung nasakatan kita. Nadala lang ako" pinunasan ko yung pisngi ko, naiiyak ako kasi natutuwa ako. Mabait naman talaga si Ate Mara sa akin kahit noon pa.

Natatandaan ko, sinusundo nila ako ni Vhong minsan pag saturday noong grade six kami ni Vhong tapos mag mo-mall kami, binibilhan niya rin ako ng damit at accessories. Tapos minsan naman after tutor namin ni Vhong, pumupunta siya after then maga-icecream kami.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now