Chapter 62

652 29 9
                                    

Disclaimer : Before reading this chapter, may just ask a little favor from you guys. I want you think deeper as you go along with this chapter. I just want you to set aside your stereotypes regarding this matter. Pwede kahit sandaling panahon lang, ialis niyo sa mga utak niyo yung mga nakagawian niyong iniisip pag nakakabasa kayo ng ganito. Please free your mind from the streotypes, buksan niyo mga isip niyo ha. If you can't, might as well skip this part. Thank you.





Anne's POV


It was past 8am pero nakaka dalawang bahay na agad si Vhong. He told me to stay nalang sa coffee shop he's doing his work but I insisted that I'll go with him. Ano pang point na sumama ako dito kung di ko siya sasamahan diba? Medyo mainit pero ayos lang, nageenjoy naman akong panuorin si Vhong na gawin yung mga ginagawa niya. He meticulously take pictures of every possible detail na isasama niya sa bawat building. From the structure itself down to the tiniest detail that catches his attention ay kinukunan niya ng litrato. He has measuring tape, bawat bagay na makita niyang pwedeng isama ay sinusukat niya tapos ay agad niyang nililista ito sa notebook na dala dala niya.



"Mahal, sumilong ka muna don at mainit na. Antayin mo nalang ako don" Vhong uttered while he's busy taking shots. Nasa likod niya kasi ako.


"Sige lang baby, ayos lang"


After namin dun sa isang bahay sumilong muna kami. Ang init na talaga. Vhong is so red at pawis na pawis na rin siya kaya ginawa ko, I slip some paper towel on his back and because of that, he smiled.

"Baby, water po" inabot ko sakanya yung tumbler na dala ko. Kahit anong init, lahat yon napapalitan ng kilig sa tuwing ngingitian ako ni Vhong dahil sa pagaasikaso ko sakanya. Kung kailangan kong magbilad sa araw, suportahan ko lang siya gagawin ko. This is the least that I can do for him.

"Baby, nangangati ka na ba? sabihin mo lang ha?" medyo nagaalala ako dahil baka sumpungin si Vhong ng hives niya.


Di ako mapalagay talaga kaya bumalik ako sa kwarto namin para kunin yung gamot ni Vhong. Prescribed meds niya to nung nakaraang nagpacheck up kami. Pwede niya tong inumin as preventive medicine kung alam niyang maiinitan o mabibilad siya sa araw.



"Dindin o" habang busy siya sa pagsusulat ng notes sinubo ko sakanya yung gamot niya. Maliit lang naman yon kaya okay lang.



Habang busy si Vhong may narinig akong kung ano mula sa isang grupo ng mga turista, from what I am hearing.. si Vhong ang tinutukoy nila. Hindi din naman kasi kalayuan ang pwesto nila sa kinatatayuan namin ni Vhong.



"Sige na bakla, lapitan mo na dali.. stolen shot kita" sambit nung isang babae na naka dilaw na dress. Turistang-turista lang ang peg!


"Girl, dalian mo! napakaharot mo! kapag yan umalis sayang din!" nakikinig lang ako sa paguusap nila. I even saw the other girl taking stolen pictures of Vhong, nakakaasar! Kaya ginawa ko, nilapitan ko si Vhong. Teka kayo!





"Baby... basa na likod mo" pinalitan ko yung paper towel sa likod niya kahit kakalagay ko lang naman nun haha! Akala niyo ha!



"Thank you mahal" after ko gawin yun ay nginitian ako ni Vhong sabay umakbay sa akin then we went to the next house.


"Tanga ka kasi! Ayan! Arte mo pa" talagang tinignan ko sila. Sorry kayo, akin lang to.


"Kilay mo mahal, umaabot nanaman sa Jupiter" Kahit kailan talaga di ko maitago yung ganitong reaksyon ko kay Vhong. Vhong has this "gift" magaling siyang makiramdam. Talent na niya atang matunungan kung ano man ang nasa paligid niya kahit na konting signals lang pero di naman siya assuming dahil most of the time ay tama siya. Tried and tested na. Magaling siyang bumasa ng ibang tao. Di ko alam kung dahil lang ba matalino siya at malalim magisip kaya niya nalalaman agad yon o talagang malakas langa ng pakiramdam niya.


Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now