Chapter 7

469 13 0
                                    

Vhong's POV

Tinext ako ni Billy, ang sabi niya sakin na 8am daw ang meeting namin kila Anne sa office niya sa Makati. Saturday ngayon kaya mamaya pang 5pm ang start ng klase ko hanggang 9:30 tapos nun ay diretcho ako sa cafe, ganon ang napili kong sched dahil sunday kinabukasan, ayos lang na umagahin ako sa shift ko dahil walang pasok. 

Namimili ako ng isusuot ko, mabuti nalang nung isang buwan ay namili ako ng mga longsleeves dahil kailangan ko rin yun sa school kapag nagpe-present kami ng case study dahil corporate attire ang isusuot don. Wala akong mapili dahil parang ang dark pala nitong mga bago kong longsleeves so naghanap ako ng iba, eto nalang.. polo shirt nalang tas lalagyan ko nalang ng coat, smart casual lang ang peg haha! 

Next ay tinignan ko yung bag na dadalhin ko, di bagay sa outfit ko yung backpack so eto nalang, yung messenger bag nalang tutal kasya naman dito yung laptop ko. Kinuha ko yung bagong sketchbook sa drawer at nilagay ko iyon sa bag kasama ng portfolio ko. Mabuti nalang malinis tong bag na to, kungdi nakakahiya naman. 

After kong maligo ay ginawa ko na yung mga ritual ko, syempre kailangan presentable naman ako pag humarap sakanila dahil seryoso ang isang to.  

"Gwapo mo talaga!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin pagkatapos kong ayusin yung buhok ko. Sinuot ko na yung eyeglasses ko. Pogi talaga eh! hehe! Syempre, sino lang ba pupuri satin kung di sarili lang natin di ba?

"Naks, pogi!" pagbaba ko sa tenement ay nandon na yung mga tambay don, naka pwesto na. 

"May presentation ka?" tanong sakin ni Junie, isa sa mga tambay. Sakanya kasi ako umoorder minsan ng wax sa buhok

"Wala tol, meeting" sagot ko

"Ge! Galingan mo ha!" Nakakatuwa rin yung mga taga don dahil simula nung natira ako sa tenement at naging kaibigan ko na sila ay palagi na silang bumabati sa akin tuwing nakikita nila ako. 

Habang naghihintay ako ng taxi, kinuha ko yung cellphone ko.. Ala pang text si Billy sa akin, nasan na kaya yon? sigurado galit parin yun sakin. Nagulat ako nang biglang may pumaradang isang magarang kotse sa harapan ko, isang Nissan GTR na itim. Biglang bumukas yung bintana, Si Billy pala. 

"Sakay na!" tawag niya sakin. 

"Ku..kuys?" seryoso siya sa pagmamaneho, ni di man lang ako tinitignan eh. 

"Akala ko dun nalang tayo magkikita" 

"Di ka pwedeng mausukan, baka bumaho ka kaya dinaanan na kita dito" nakahinga na ako ng maluwag, alam ko na okay na kami ni Billy. 

"Di ka na galit?" tanong ko 

"Matitiis ba kitang gago ka?" sabay natawa kaming parehas, ang sweet no? parang mag jowa lang. 

"Sorry Kuys.." 


"Wala yon, kalimutan na natin. Sorry din. Pero Vhong, seriously... do this not for me, not for Anne.. not for the company but do this for your self. Kaya mo to kuys, may talent ka.. pagkakataon mo na yon para ipakita sa kanila, besides.. this will secure your tuition next sem, diba? pag natapos natin to.. di mo na kailangan umextra pa kung saan saan, mas makakapagfocus ka sa pagaaral mo.. mas matutukan mo yung thesis mo, start na yon diba?" 


"Oo kuys, salamat!" 

"Teka.. parang ngayon ko lang nakita to ha? bago ba to?" iniligid ko yung tingin ko sa kotse niya, aba tinawanan lang ako!

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now