Chapter 70

590 28 11
                                    

3rd person's POV

Maagang nagising si Annieka because today is their 1st Anniversary. Annieka felt her emotions surging from her within. She sat on the bed, sandali niyang pinakatitigan ang kanyang lockscreen. It's Vhong's black and white picture. A stolen shot.

It's been a year since Vhong and her got back together again. Di niya maiwasang mapangiti nang maalala niya kung paano niya sinagot sa hospital si Vhong na kasalukuyang nakaratay sa kama dahil sa bugbog na tinamo nito mula sakanyang Daddy at Kapatid. Isang taon na rin ang nagdaan, isang taon na punong-puno ng pagsasakripisyo. She saw how Vhong changed, yung pagbabago na malayong malayo nung sila pa noon.

Supposed to be ay magse-celebrate sila ng anniversary nila sa Tagaytay ngunit hindi umubra dahil kinabukasan ay ang final defense ni Vhong para sakanyang thesis kaya't nakiusap ito na after nalang ng defense sila magcelebrate, bagay na naiintindihan naman ni Annieka ng mabuti. Napagdesisyunan na lamang nilang magluluto na lang si Annieka sa bahay ng dinner. May pasok kasi si Vhong sa isa niyang trabaho ngayong araw at kailangan niya rin maghanda para sa defense niya bukas.

Pagbangon niya ay may nakita siyang isang malaking canvas na nakasandal sa pader ng kanyang kwarto, nakabalot ito ng magara. Simple ngunit elegante ang dating. Imbes na ribbon ay bulaklak ang nakalagay sa harapan nito at may nakaipit na maliit na card sa gitna.


"Mahal, Happy Anniversary. Nagpapasalamat ako sa Diyos ng lubos dahil pinagbigyan niya ulit tayo. Mahal na mahal kita. Babawi ako sayo. -Dindin"

Bahagyang kinilig si Annieka sa kanyang nabasa. Yung card ay amoy na amoy ang pabango ni Vhong. Maingat niyang inalis ang bugkos ng bulaklak mula sa canvas. Gustuhin man niyang buksan na ito, ngunit naisip niyang hintayin na lamang si Vhong mamaya para sabay nilang buksan ang regalo nito sakanya.

May kalakihan nang canvas na iyon pero sa hula niya ay painting ito ni Vhong. From that thought, Annieka's heart was deeply touched. Despite of Vhong's busy schedule and heavy workload nagawa pa rin nitong regaluhan siya ng isang bagay na hinding-hindi mo mabibili sa kahit saan pa mang mamahaling tindahan sa mundo.

Pagkatapos magayos ni Annieka ng sarili ay bumaba na siya para mag-almusal. Maaga siyang gumising dahil marami pa siyang kailangan ayusin para sa anniversary dinner date nila ni Vhong. Nothing fancy, it's just a simple dinner date na pinagprisintahan na ni Annieka na siya nalang ang gagawa sa kadahilanan ngang busy si Vhong at ayaw naman niyang bigyan pa ito ng intindihin pa.

Nung isang gabi pa nagsimulang mag search si Annieka ng mga pwede niyang ihanda para sakanila ni Vhong. She decided that she'll make a 7-course meal pero syempre ay yung mga simple lang naman gawin. Kinuntsaba niya rin si King na maging waiter nila para sa gabing iyon. Si Manong Roger at Nanay Bing ay tinulungan siyang mag-ayos ng garden. Maging si Stacy rin ay tinulungan si Anne. Habang nagaayos si Annieka ay hindi niya malaman kung bakit bigla niyang na-miss ang kanyang mga kaibigan. Nung sila pa ni Ian, kahit nasa states siya ay tinutulungan pa siya ng mga ito tuwing sasapit ang anniversary nila. Hindi na niya nakausap ulit ang mga kaibigan simula nung launching ng A&C. Aminado naman siya na namimiss niya ang mga ito at nalulungkot rin naman siya kapag nakikita niya ang mga litrato ng mga kaibigan tuwing magkakasama sila.

Ilang beses na rin sinabihan ni Vhong si Annieka na kausapin na sila para magka-ayos ayos na ngunit si Anne ang may ayaw. Panigurado kasing may masasabi at masasabi ang mga iyon kapag nalaman nilang nagkabalikan sila ni Vhong, bagay na iniiwasan ni Anne.

"Mr. Navarro, bakit ganyan ang buhok mo? haharap ka sa mga kliente ko na ganyan ang ayos mo?" napahawak nalang si Vhong sa kanyang buhok nang sitahin siya ng kanyang boss. Galing pa kasi siya sa school at kamuntikanan na siyang malate. Alas otcho ng umaga siya pinapunta sa opisina ng kanyang boss.

Will it be the same? (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin