Chapter 22

606 18 10
                                    

Vhong's POV

"Tol, nice one! Ikaw nanaman ang highest! Hahabol ka ba talaga ng laude?" Katatapos lang namin mag quiz kay Sir Lagdameo, sayang di ko na perfect yung exam, nakalimutan ko kasi yung isang formula pala ang dapat gamitin don.

"Paul, pwede?" Ang aga aga kasi, napakarami nanamang satsat nito ni Paul.

"Asus! Pa-humble nanaman! Anyway, nagyaya pala si Hailey.. raket daw!" Napakunot yung noo ko, raket? Bakit di sa akin nagsabi ng direkta yung babaeng yon? Anong trip nanaman kaya?

"Nga pala, Vhong... Nagapply ka na ba ulit ng scholarahip? Diba pasahan na ng application?" Hay! Oo nga pala!

Kailangan ko pa nga pala idaan yung form ko sa dean's office. Matagal kasi ang processo non, kailangan ngayon palang ay mag-apply na ulit kahit na for next sem pa. Badtrip kasi, kinapos pa GWA ko gawa ng pag-quatro ni Sir Rex sakin nung prelims kaya wala akong scholarship this sem. Saang kamay ng diyos ko nanaman kukunin tong matrikulang to kapag di ako naapprove ulit? Todo kayod tuloy ako sa trabaho at sa acads, bawal papatay-patay! Kayod dapat!

"Kuya Vhong, eto pala yung bayad ko. Salamat! Ang taas ng grades ko, ang galing mo mag draft talaga!" Si Mico yon, lower year.. 2nd yr na siya, nagpadraft siya sakin para dun sa isang subject nila.. pero syempre, di ko ginawa lahat. Ganito ang kalakaran dito, pag kailangan mo ng tulong sa plates.. marami kang pwedeng lapitan.

"Ui! Salamat! Sige bro!" Inabot niya sakin yung 500 na bayad niya para sa dalawang plates, tig 250 isa.. grabe! Ang hirap talaga kitain ng pera, yang 500 na yan.. isang gabi ko pinagpuyatan, mabuti nalang di gaanong mahirap. Chicken lang 😂

Sakto, may pambili na ako ng extrang gamit.. yung mga tanggap kong plates, nilalaan ko yung bayad nung mga yon para sa pambili ng mga materials sa school, raket lang yon.. meaning extra, so kapag meron.. bumibili na ako ng gamit ko para may reserba ako.

Dumaan muna ako sa bookstore para bumili ng isang set ng watercolor at dalawang pack ng vellum board. Nakita ko nanaman yung drafting table na pinagiipunan ko.. malapit na, konti nalang, mabibili ko na rin yon!

Mamaya pang 7pm ang start ng shift ko sa cafe, 11 am palang.. makakapag pahinga pa ako. Sa tenement nalang ako kakain, baka may lutong bago sila Aling Delia.

Buti nalang walang gaanong traffic, di masyadong haggard pauwi. Nagtataka ako, pagdaan ko sa may tindahan.. yung mga tambay don, parang iba makatingin.. lahat nakangiti na ewan! Ang aga pa pero parang putok na putok na yung mga alak sa mga systema nila.

Palapit ako sa unit ko pero bigla akong kinabahan ng makita kong bukas yung pinto, pati screen ay nakabukas.. unti-unti akong lumapit, hanggang sa maaninang ko yung walis! Parang may nagwawalis! Nanakawan ako? pero nagawa pang mag-walis ng magnanakaw? Tangina!



"Ui, Vhong.. nandyan ka na pala!" Pagdating ko sa pinto, nakita ko si Anne.. nasa loob ng unit ko, may hawak na walis tambo. Napatingin ako sa nakasabit na uniform ko sa labas, tumutulo-tulo pa..

"A..anong ginagawa mo dito?" Pagpasok ko, naglilinis nga sila.. oo sila! Kasama niya si Kuya King na kasalukuyang nag ba-vacuum ng screen ng bintana.

"A..anong meron?" Binaba ko yung bag ko sa may kama, pero agad yun kinuha ni anne at sinabit dun sa may hook sa tabi ng cabinet.

"Wag mo nga ipatong tong bag mo sa kama! Nausukan na to e, tas ilalagay mo sa hinihigaan mo? Dito mo ilagay ha, matibay yang hook na ginawa ni King.. tapos ito namang storage tube mo, dito mo lalagay okay?" Inayos niya ulit yung bedsheet tapos yung mga unan.

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon