Chapter 3

516 15 9
                                    

8am ang first class ko today, Architectural Design 7 at si Sir Rex ang prof ko dito. Maaga palang ay nasa room na karamihan ng mga kaklase ko para tapusin yung mga plates na pinapapasa niya sa araw na yon. May pagka perfectionist si Sir Rex kaya ang gusto niya, pulido ang mga plates na pinapasa sakanya. Nag overtime ako sa cafe hanggang 1am dahil tinapos ko na rin yung plate ko. 

"Pre, tapos ka na?" tinanong ako ni Paul na kasalukuyang busy sa pagrerender ng plate niya. Ang ganda ng ginagwa niya. 

"Ahh oo, tinapos ko na kahapon sa cafe." Nilabas ko yung plate ko. Di ako masyadong satisfied sa gawa ko dahil nga di ako makapagkulay ng maayos gawa ng ubos na yung watercolor ko. 

"Vhong, ayos ka lang?" nagulat ako sa tanong sakin ni Paul hanggang sa mapansin ko na nakatingin pala siya sa plate ko.

Ha? Ba..bakit?"

"Pre, anong nangyari sayo? Bat ganyan yan?" yung tanong niya sakin parang gulat na gulat pa siya. 

"Bakit ang putla niyan? Nakailang patong ka ba?" Napatingin din ako sa gawa ko, di masyadong vibrant yung pagkakarender ko. 

"Ki..kinapos kasi ako" 

Maya-maya ay dumating na si Sir Rex, kahit kailan talaga ay napaka seryoso niya. Di pa siya nakakaupo ay tumahimik na ang buong klase, ganyan kalakas ang prisensya niya. 

"Pass your plates, and start doing plate #5 now." Kinakabahan ako dahil alam kong di maayos yung ginawa ko. Ayokong ayoko sa lahat ay yung nagpapasa ng hindi ako confident. 

Kumuha na ako ng masterboard at nagsimula na akong magsketch, plate 5 namin ngayon ay tungkol sa landscape, magcoconceptualize kami ng garden based sa specification at details na nasa worksheet. 

"Pre oh, share tayo. Ito nalang muna gamitin natin, naiwan ko kasi yung extra ko sa dorm." Inalok sakin ni Paul yung watercolor niya. Well di naman ito yung unang beses na nagshare si Paul sa akin ng gamit niya, kapag kinakapos ako ay siya ang sumasalba sa akin. 

"Dami ko nang utang sayo, babawi ako pre" nagsimula na kami sa ginagawa namin hanngang sa bigla akong tinawag ni Sir Rex

"Navarro, come here" shet! Sabi ko na nga ba e! 

"I'll giving you until 5pm, repeat this plate and throw away this rubbish" putcha! Sakit non ha! Pinagpuyatan ko yon pero ganon lang, kinuha ko yon at naupo na ako. Ganyan si Sir Rex, di lang sa akin pero sa aming lahat. Gusto niya kasing lahat ng gagawin namin sa subject niya ay pulido, bahala nang mapahiya ka sa klase niya pero ipapaulit niya yon sayo. Rinig kong nagbulungan yung mga kaklase ko, ito kasi yung unang beses na napatapon yung pinasa ko. 

"Ayos lang yan, pre.. mamayang vacant.. gawin natin yan" nginitian ako ni Paul at nagpatuloy na sa ginagawa niya.

"Atleast 50% of today's plate should be done now, then all the rendering can be done at home. Worsheets will also to be passed today, write your solutions on a separate paper." Grabe naman si Sir, 50% agad? Pagkatapos ko ayusin yung sketch ay nagsimula na ako dun sa problem sa worksheet, medyo madali to. Simple lang. 

After class, lumabas ako para kunin yung gamit ko sa locker. Di kasi ako masyadong nagdadala ng gamit sa mga ibang subject, yung mga kailangan lang talaga. Pagbalik ko sa desk ko, may kakaiba akong nakita.. isang toblerone na chocolate. 

"It's okay, Vhong! You still have time to make a new one, I know you can do it" aba talagang may note pa ha? Kanino kaya galing ito? Ikinibit balikat ko nalang iyon at inilagay ko nalang sa bag ko. Kung kanino man yon galing, thank you sayo. 

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now