Chapter 20

564 21 9
                                    

Vhong's POV

"Pa.... I'm sorry..."

Umaga nanaman pala, pagdilat ng mata ko.. sikat na sikat na ang araw, ang haba ng tulog ko pero bakit ganon? Parang pagod na pagod pa rin ako. Tumingin ako sa relo, alas syete na ng umaga. May pasok pa pala ako sa cafe tapos mamayang hapon may ay papasok pa ako sa school. Mahabang araw nanaman para sa akin.

"Good morning!" Pag bukas ng pinto ay isang ngiti ang bumungad sa akin. Kasabay ng sinag ng araw na nagmumula sa pinto ang isang napakagandang mukha.

"Na..nandito ka pa?" Naupo ako sa kama ko. May dala-dala siyang dalawang supot sa magkabilang kamay niya.

"Tara, kain na tayo.. nagluto ako breakfast, bumili na rin ako ng pandesal" dumeretcho siya sa kusina. Naririnig ko ang mahinang pagkanta niya, anong meron?

"Vhong, anong gusto mo.. kape o hot choco?" Tanong niya sakin kaya tumayo na ako para lapitan siya.

Ang dami nanaman niyang hinanda. May rice na, may tinapay pa tapos nandon din yung cake na natira kahapon.

"Upo ka na, teka.. nakalimutan ko yung corned beef.. wait lang ha, initin ko lang saglit" may nakalimutan pa siya sa lagay na to? Ang dami na nito eh.

"Vhong, mag rice ka ha.. tska anong gusto mo, ham o cornedbeef? Tska eto.. mag egg ka" katulad kahapon, pinaglalagay niya ako ng pagkain sa plato. Pinagsalin niya rin ako ng juice.

"Sa..salamat"

"Bakit?" Tanong ko, para kasing naunuod tong si Anne ng tv habang pinapanuod niya ako kumain.

"Kumain ka na rin" inabot ko nalang sakanya yung pagkain.

"Vhong may pasok ka ba?" tignan mo tong babaeng to, punong puno pa yung bibig habang nagsasalita.

"magpapasa lang ako ng plates tska isang quiz" tumango-tango lang siya habang tuloy tuloy sa pagkain. Kahit kailan talaga!

"Hmm.. pwede bang wag ka munang pumasok sa cafe ngayon?" Natigilan ako sa tanong niya. Meron, sa cafe tapos mamaya sa school, magpapasa lang ako ng plates tska isang quiz" tumango-tango lang siya habang tuloy tuloy sa pagkain. Kahit kailan talaga!

"After mo dyan, maligo ka na ha?" tumayo siya at parang may tinawagan.

Mukhang importante dahil kinailangan niya pang lumabas. Anyway, tumawag rin ako sa cafe para magpaalam, good thing ay pinayagan naman ako. Di ko alam dito kay Anne kung saan kami pupunta. Baka magpapasama lang siya kay Uno, sabi niya kasi gusto niyang dumalaw ulit don. May ipapaayos daw siya.

Nahihiya ako, ang awkward dahil nakikita ni Anne yung sermonyas ko. Syenpre, kailangan pogi all the time haha! Pero lotion, sunblock sa face at pagwawax lang naman ng buhok ang ginagawa ko.

"Seryoso, Vhong? Matagal ka pa ba?" Tanong niya, kita ko siya sa may salamin.. tawang tawa, Anne?

"San ba tayo pupunta?" tinanong ko siya nang makasakay na kami sa kotse niya, nagoffer ako na ako na sana yung magdadrive kaso sabi niya, siya nalang daw kaya hinayaan ko nalang. 

"Pwede ba tayong magpunta kay Uno? kung okay lang sayo?" 

Ayoko pa sanang dumalaw muna don, ayokong pag dumadalaw ako ron ay malungkot ako. Pero nakita ko kung gaano kasabik si Anne nung tanungin niya ko. 

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon