Chapter 64

545 26 7
                                    

"Magandang gabi po, Chairman" bati ng gwardia sakanya pagkababang- pagkababa niya sa sasakyan. Agad naman niyang tinugunan ito ng isang marahang tango at isang tipid na ngiti.

Saglit siyang naupo sa isang mahabang sofa sa kanilang receiving area, pinagmasdan ang isang malaking litrato na nakasabit sa isang dingding. Napako ang tingin niya sa litrato ng isang batang lalaki na kung sa tantya ay hindi pa umabot ang taas nito sa bewang ng lalaking nasa likuran ng bata. Nakasuot ito ng amerikanang itim, kaparehas ng suot ng mga iba pang lalaki sa larawan. May matamis itong ngiti, may dimples sa magkabilang pisngi at bilugang mga mata.




"Ferdinand! Hey! Come here! Di ba sabi ko sayo wag kang tumakbo?"

"No no picture papa, dindin dont like" hindi pa gaanong makapagsalita ang bata dahil tatlong taong gulang pa lamang ito.

"Hindi pwede" mahinahong tugon ng lalaki

"Dindin don't wayk eh" nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ng bata ngunit bago pa to tuluyang umiyak ay agad siyang binuhat ng kanyang Papa.

"Stop crying. When you stop, I'll give you a reward. You want that?" Humilig ang bata sa balikat ng ama at tuluyan ng umiyak.

"Stop crying na.. I promise, we'll make this quick so you can sleep na ha?"

"Dad, matagal pa po ba? Pagod na po kasi si Dindin... Di pa po kasi ito nakakatulog tska naiinitan na po eh" habang buhat niya ang kanyang anak, nilapitan niya ang amang nakikipagusap sa kanilang family photograher.

"Ganon ba? O sige.. bilisan nalang natin para makatulog na yung bata, kawawa naman" sagot ng matanda.






Di maiwasang mapangiti ni Chairman nang saglit niyang maalala ang storya sa likod ng litratong iyon. Family picture nila kasama ang buong pamilya nila and that was 20 years ago pero hanggang ngayon ay maayos pa rin ang kulay ng nasabing litrato.

Pagkatapos niyang magmuni-muni ay umakyat na siya sa pangatlong palapag ng kanilang bahay kung nasaan ang mga kwarto. Saglit siyang napatigil sa hallway habang nakatingin sa isang pinto sa dulo. He went inside a small room, control booth yun ng lahat ng cctv cameras, routers at iba pang electrical stuff ng bahay. May isang maliit na vault doon na naglalaman ng lahat ng spare keys sa buong mansyon. Kinuha niya ang isang susi at marahang isinara ang vault.

Isang tahimik na kwarto ang tumambad sakanya. For how many years ay hindi niya nakita ang kwartong ito. Binubuksan lamang ito isa o dalawang beses sa isang linggo para linisin pagkatapos ay ila-lock ulit.



"Ferdinand" isang binatilyong lalaki ang nakahiga sa kama at mahimbing nang natutulog ngunit nang marinig nito ang pagtawag sakanya ay napabalikwas ito ng bahagya para harapin ang tumawag sakanya.

"Anong oras ka nanaman umuwi?"
Seryosong tanong niya sa anak.


"Ma..mga ten o'clock po, Papa"

"10 o'clock? Di ba 9pm ang curfew mo?"

"So..sorry po, di po namin namalayan ang oras"

"Kumusta results ng exam mo?"

"Hindi ba't itinuro ko sayo ito nung nakaraang gabi? Bakit hindi mo nasagutan ito?"

"Na..nakalimutan ko po yung formula papa. Sorry po"

"Dindin, 3rd year highschool ka na.. dapat yung mga ganito tinatandaan mo para pag nagcollege ka ay may idea ka na kahit papano"

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now