Chapter 63

551 18 4
                                    

Vhong's POV


"Here's your order, sir!" nginitian ako nung crew sabay abot sa akin nung tinake-out kong pagkain. Habang papalapit ako dun sa oras ng pakay ko para sa araw na to, mas dumadagdag ang kaba ko. Katatapos lang ng midterm exam namin ngayong araw kaya maaga akong makakauwi.




Kanina, chineckan na ang mga exams dahil madedetermine doon kung sino-sino ang mapapasama para sa scale model exhibit ng mga thesis. Hindi lahat ay pwedeng makasama doon. Tatlong factors ang titignan, dapat ay pasado ka sa preliminary oral defense, hanggang chapter 5 na ang nagagawa mo sa thesis mo na dapat ay nacheck-an na ng Thesis Adviser tapos ay dapat ay above 2.25 ang grade mo sa tatlong major exams ngayong midterms. Napakadugo dahil lahat kami ay aim na mapasama sa exhibit, kung baga isa ito sa crucial period para sa lahat ng graduating architecture students ng university. Kailangan na kailangan naming to dahil isa to sa magiging dahilan kung makakausad ba kami sa final defense.



Hindi lang ito basta exhibit dahil kailangan dito ay maayos ang ipapasa mong scale model ng proposed project mo, accurate ang measurements at pulido dapat ang gawa. Dagdag mo pa don ang computerized 3D model ng project. Last year, wala naman 3D pero dahil may additional subject and workshop kami nung summer ay isinama na rin nila ito.



Kailangan mapasama ang gawa mo dito dahil isang step ito na kailangan mong lagpasan bago ka umusad sa mid-defense. Ang mid-defense ay defense kung saan hindi nalang ang thesis adviser mo ang panel, ngayon ay kasama na niya ang subject professors. Sa final defense naman ay kasama na ang dean and professional panelist na kinabibilangan ng mga bigating arkitekto sa bansa na ang makakharap mo. Bawat level ng defense ay patindi din ng patindi.



"Miss, pwede ba kay Mr. Navarro?" tanong ko dun sa receptionist. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nairita siya sa tanong ko.





"Currently, he's on a meeting." Tipid na sagot ng receptionist sa akin. Tumango nalang ako. Pano kaya to?



Ahm.. miss, anong oras siya matatapos?" muli akong dumukwang sa may counter pero mas lalo atang nairita yung babaeng nasa harap ko.





"Why sir? May I know your agenda?" tanong nito.


"May.. may sasabihin lang ako.. kakausapin ko lang siya" medyo nahiya ako dahil pinagtitinginan ako nung ibang tao sa reception area sa lobby.


"Your i.d please" kita kong sumenyas siya dun sa dalawang lalaki na nakatayo sa may main door at agad naman silang lumapit at tumayo sa likod ko. Aalis na sana ako pero naisip kong nandito na rin naman ako. Inabot ko sakanya ang school I.D ko at kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Dindin?" napalingon ako nung may tumawag sa akin. Si Sir Reynold, ang head ng security department dito sa office ni Papa. Matagal na siyang nagtatrabaho dito, hindi pa ako pinapanganak ay nandito na siya. Nung makita niya ako ay niyakap niya ako bigla.



"Ang laki-laki mo na! binatang binata ka na, senorito. Grabe! Kumusta ka na ba?" pagka-kalas niya sa yakap niya sa akin ay napalingon siya sa dalawang guard sa likod ko.





"Umaano kayong dalawa dito? Hindi niyo ba kilala ang nasa harap niyo?"



"Bumalik na kayo dun sa mga pwesto niyo. Ms. Lily, akin na yung I.D ni sir. Okay na ako na ang bahala dito" inakbayan niya ako tapos ay naupo kami dun sa mga couch na malapit sa elevator.



"Mabuti at nagawi ka dito" bakas sa mukha niya na natutuwa siyang makita ako. Nang dahil don ay napangiti naman ako. Isa rin yun sa commendable kay Papa, yung mga tao niya ay maaayos.. lahat ay maayos magtrabaho siguro na rin dahil sa pagpapalakad ni Papa. Si Papa hindi lang siya boss, leader din siya. He leads his staff well kaya sinusunod nila si Papa dahil mahal nilang lahat ang trabaho nila. Mabait naman kasi yon, kahit sabihin mong siya ang Chairman.. Anytime ay maari mo siyang lapitan lalo na sa oras ng sobrang pangangailangan. Sometimes, Papa will really go out of his way to help his people. Isa yun sa mga dahilan kung bakit tumatagal din sila.






Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now