Chapter 42

568 18 22
                                    

Vhong's POV

"Annieka" Marahan kong gising kay Anne, pero hindi niya ako narinig dahil tulog na tulog siya. Nakatulog siyang nakadukdok nanaman sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Dahan dahan akong umupo, napakasakit pa rin ng katawan ko hanggang ngayon. Hinawi ko yung mga hibla ng buhok na tumatabon sa mukha niya.

"Napakaganda mo talaga" kung tatanungin niyo ako kung nakakita na ba ako ng anghel sasabihin kong oo, dalawa pa nga sila eh. Ang anak ko at si Annieka.

Habang pinapanuod ko siyang matulog, di ko maiwasang mapaisip. Muli, sinusubok nanaman kami ng tadhana pero kung ang makasama siya ang kapalit ng lahat ng suntok, sipa at sakit ng katawan.. lahat nang iyon ay kayang kaya kong saluhin.

"Annieka.." muli kong hinawakan ang ulo niya. Panigurado akong nahihirapan siya sa pwesto niya ngayon.

"Vho..Vhong?" Bigla siyang naaligaga nang makita niya ako.

"A..anong gusto mo? May masakit ba sayo? Ano?" Umiling lang ako. Kitang kita ko sa mga mata niyang napapagod na siya, di lang physical pero alam kong pagod na siya sa sitwasyon naming dalawa.

"Matulog ka na dun sa couch" nginitian ko siya pero nagulat ako nung bigla niya akong hinalikan sa noo.

"I'm okay, Vhong.." nanikip bigla ang lalamunan ko, ayokong umiyak sa harapan niya.

"Nakausap mo na ba ulit ang daddy mo?" Dahil sa tanong ko na iyon ay unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Dindin, wag mo munang isipin yon." Sagot niya sakin. Inabot ko yung kamay niya, pinagmasdan ko ang mga kamay naming magkahawak. Hanggang kailan kaya namin makakayang kapitan ang kung ano man ang pinaglalaban naming dalawa?

"Anne, kung ano man ang magiging desisyon mo.. tatanggapin ko. Alam ko, mahal na mahal mo yung daddy mo.. yung pamilya mo"

"Ha? A..anong sinasabi mo?"


"Mahal na mahal kita, Annieka.. kaya binibigay ko sayo yung kalayaan mong mag desisyon para sa sarili mo"

"Vhong, ayoko ng mga sinasabi mo." nagsimula nanaman siyang umiyak.


"Hindi ko gustong ako ang piliin mo, ayokong ipagpalit mo sila sa akin"

"Kung isang araw, dadarating yung pagkakaton na mawawala ka ulit sa buhay ko, maiintindihan ko yun, Annieka. Sa lahat lahat ng pagmamahal, pagiintindi, pagpapatawad na binibigay mo sa akin, wala akong ibang maibibigay sayo kungdi ang hayaan kang maging masaya ka"

"Pero masaya ako sayo, Dindin.." hinaplos niya yung pisngi ko.

"Yung masaya na walang pagaalinlangan, Annieka"

"Vhong.. listen to me please.. di ba sabi mo.. Hindi natin sila kailangan labanan.. ang kailangan lang natin gawin ay ang ipaintindi sakanila kung ano man ang meron tayo. I don't have to choose between you and my family kasi pwede naman natin unti-unting ipaintidi sa bawat isa ang mga bagay bagay hindi ba? Kahit matagalan pa yon, Vhong.. wala akong pake, ayokong may mawala. Ayokong mawala ka, Vhong.. Mahal kita, Dindin ko" kamuntik na akong tumayo sa huling salitang sinabi ni Anne.


"Ma..mahal mo ako?!" tanong ko habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko.

"I love you and you mean so much to me, Vhong. Always" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga naririnig ko mula kay Anne ngayon.

"Di..di ka na takot?" muli ko siyang tinanong pero bago niya sagutin ang tanong ko ay binigyan niya ako ng isang mahinang tawa.

"Basta't kasama kita. Hindi"


"Mahal mo na ako ibig sabihin.."


"Napakarami namang tanong ng boyfriend ko! Ang kulit kulit!!!" Hinalikan niya ako sa pisngi. Lord, mamamatay na ba ako?

"Bo..boyfriend? Ako? Boyfriend mo? Teka.. ahhh-aray!" Napahawak ako sa tagiliran ko, di ako makapaniwala.

"O! Masasaktan ka pa sa kakulitan mo e! Oo nga! Mahal kita, tayo na..ulit. I love you I love you I love you! I... love youuu! Okay na?" Habang sinasabi niya yun ay hinalikan niya ako sa noo, sa magkabilang pisngi at ang huli.. sa labi.

"Annieka!!" Tinaas ko yung dalawang kamay ko, kaya nag lean ulit siya at niyakap ako.

"Ayy.. ako ang daming kiss tas sa akin hug lang?" Sambit niya sabay pout. Kung di lang ako nakaratay sa kamang to, baka di lang yan magawa ko. Joke! Behave na po ako haha! Baka mabuhat ko tong babaeng to, yun ang ibig kong sabihin 😅

"Di nga, Annieka? Baka naawa ka lang sa akin ha?" Muli ko siyang tinanong pero nabatukan ako.

"Isa pang tanong mo, single ka na in the next hour"

"Joke lang! Mahal na mahal kita, Annieka" at iyon na nga po, Annieka leaned again kaya... Pinakamasarap na sampung segundo ng buhay ako after 5 years. Ibang iba pala kapag puro pagmamahal lang ang nararamdaman mo.

Matagal ko nang sinabi ni Anne na liligawan ko siya ulit pero ang sabi niya di na raw kailangan pero gusto ko kasi, paghirapan ko ulit siya. Gusto ko, this time gagawin ko na yung alam ko na tama. Gusto ko ma-gain ko ulit yung tiwala niya at this time, sisiguraduhin kong magiging deserving na ako para sa tiwalang yon. Ngayon na sinagot niya na ako, ang sarap pala ulit. Sa loob ng limang taon na sinarado ko yung puso kong magmahal, di ko akalain na yung taong magbubukas pala non ay yung taong nasa loob pa rin pala, yung taong kahit kailan ay di naman nawala sa puso ko.

"Huggy time!!" Muli kong inangat ang mga braso ko para yakapin si Anne. Pero...

"Oww..." Parehas kaming napabalikwas nang biglang bumukas ang pinto. Si Ate Maya 😅

"A..ate.." nakita kong napayuko si Anne tapos ay umayos ng tayo. I reached out for her and I held it tightly.

"I brought food, kumain kayo." Napangiti ako sa narinig ko, di talaga ako kayang tiisin ng ate ko.

Kumakain kami, parang wala kaming pinagdadaanan na kung ano. Ganito daw kapag bagong mag jowa, pero di naman kami bago ha? Cool off lang kaya yon! Haha joke lang!

"Annieka, kumain ka na... Kaya ko naman eh" ang kulit kasi si Anne, sinusubuan pa ako.

"Ako na kasi! Nahihirapan ka pa eh! Tignan mo tong oxygen mo, na-out of place na! Ang liit kasi ng ilong eh! Likot pa!" Biro niya sa akin. Medyo hard a! Naka oxygen pa kasi ako ngayon dahil makirot pa rin yun tagiliran ko kapag humihinga ako ng malalim.

"Ate? San ka?" Tanong ko, bigla kasing tumayo si Ate.

"Ahhm..I was just about to call the nurse, I'll ask them to cut off all your pain killers, parang di mo na kailangan eh" natawa ko, kilala ko kasi si Ate Maya, ganyan yan mag joke, may pagka sarcastic.

"Ate Maya!!! Hug!" Katulad ng kay Anne kanina, tinaas ko yung dalawang braso ko. Nung una ay tinignan pa ni Ate si Anne pero kalaunan ay niyakap na rin niya ako.

"Thank you, Ate Maya!!" Ako lang ang pwedeng tumatawag ng nickname na yon kay Ate, noon kasi di ko kayang bigkasin yung Mara, kaya naging Maya.

"Don't mention it" bulong niya tapos ay sinuklay yung buhok ko. Napatingin ako kay Anne, nakangiti lang siya habang pinapanuod kaming dalawa ni Ate.


E ano pa nga ba ang mahihiling ko sa pagkakataong ito? Basag man ang tuhod ko, putok man ang kaliwang kilay ko at may tama man ako sa tagiliran.. kasama ko naman yung dalawa sa pinaka importanteng babae sa buhay ko. Isa nalang talaga ang kulang. Soon, unti-unti ko na ulit mabubuo ang buhay ko.




A/N

Ayan! Short UD pero alam ko matutuwa kayo dito hahahahaha!!! Gusto niyo yan guys? Lol 😂

Thank you!

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now