Chapter 47

570 21 10
                                    

3rd Person's POV

Wala pang araw ay nagising na si Anne. It's only 5 in the morning. Pagdilat niya ay nakita niyang may nakadantay sa sakanya. Si Vhong na tulog na tulog, nakapatong ang legs nito sakanya habang nakasiksik naman ang mukha sa bandang kili-kili ni Anne.

Tanging mahinang hilik lang ang naririnig ni Anne at di niya rin maiwasan na titigan ang kasintahan. She traced Vhong's face using her fingers, sa noo, sa pisngi, sa ilong.. hindi niya mapigilang hawakan ang mga mata nitong may mahahaba at makakapal na pilikmata. She touched Vhong's lips ay dahan dahan itong hinalikan ng saglit. Kahit kailan talaga ay tulog mantika ito.

Nagtataka si Anne dahil bago siya natulog kagabi ay si Peper ang katabi niya, pero ngayon ay naiba na. Di man lang niya namalayan ang paglipat ng boyfriend sa tabi niya. Dahan-dahan bumangon si Anne, pagkita niya sa couch ay nandon si Peper na tulog na tulog pa rin na malamang ay si Vhong ang naglagay.


"Aww poor baby" binuhat ni Anne si Peper at niyakap ito, dahil don ay nagtatahol si Peper. Tumakbo ito sa kinaroroonan ni Vhong at tska nagtatahol ulit ng walang patid.


"Did daddy put you there huh? poor boy!" tahol pa rin ng tahol ang aso, dahilan para magising si Vhong.


"Ang ingay ingay naman!" singhal niya at nagtakip ng unan sa ulo. Isinampa ni Anne si Peper sa kama kaya walang ginawa ang alaga kungdi guluhin ang natutulog nitong amo.


"Wake up na daw, daddy!!" this time ay si Anne naman ang nanggulo kay Vhong.


"Dindin!!! wake up na! sige ka.. kami nalang ni Peper.. let's go Peper.. iwan na natin yang daddy mo na antukin!" akmang aalis na sana si Anne pero hinila siya ni Vhong kaya napahiga rin siya sa kama.


"Kiss muna, prince charming!" biro ni Vhong kay Anne at tska ngumuso ito, pero wala siyang nakuha kungdi isang mahinang tampal sa bibig lang mula sa girlfriend.


"Kiss your face, come Peper! Let's go down!" Bubuhatin na sana ni Anne si Peper pero biglang..


"Arghhh!!! Aray!!!! Ughhh!!!" Sigaw ni Vhong na namimilipit na sa sakit habang nakahiga pa rin sa kama


"Babe? A..anong.. nasan yung gamot mo!!" Natatarantang saad ni Anne, maging si Peper ay napaatras din.


"VHONG YUNG GAMOT MO NASAAN!!?" sumisigaw na si Anne dahil sa sobrang pagkakataranta, hanggang ngayon pa rin kasi ay sumasakit-sakit pa rin ang tagiliran ni Vhong at niresentahan siya ng gamot para don. Halos maiyak na si Anne dahil hindi niya makita ang gamot ni Vhong.


"Vhong..te..teka lang...hahanapin ko" nilapitan ni Anne si Vhong para pakalmahin pero...











"Gotcha!" Sabay tawa ng malakas ni Vhong at dahil dun ay nasampal siya ni Anne na tuluyan nang naiyak.





"So..sorry babe!" Pinilit inaakap ni Vhong si Anne pero nagmamatigas ito.


"Nakakatawa ba yon ha?! Akala mo ata nakakatawa ka eh!" Iyak pa rin ng iyak si Anne kaya mas lalong naguilty si Vhong sa pang-gu-good time niya rito.


"Ayaw mo kasi ako pansinin" bulong ni Vhong


"Akala mo kasi magandang biro yon! Akala mo kasi nakakatuwa! Ikaw kaya! Alam mo naman yung sitwasyon mo tas lolokohin mo ako ng ganon! Sinong di matataranta?" Nilapitan ulit ni Vhong si Anne para yakapin. Bakas na bakas sa mukha ni Anne ang takot kaya ito naiyak.


Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon