Chapter 73

572 21 8
                                    

3rd Person's POV



Alas onse ng gabi nang tuluyan nang makapagpahinga si Aki sa kanyang condo unit pagkatapos ng isang napakahabang araw ay sa wakas maipapahinga na rin niya ang kanyang pagod na katawan.





"Just in.. business tycoon, William Curtis-Smith and driver got into car collision along Congressional Avenue in Quezon City.. Roy Mañalac, reporting.."





"Yes.. Michael.. just this evening at rougly about 8 o'clock, a Toyota Rav4 collided with an eight-wheeler truck along congressional avenue here in Quezon City, Mr. Curtis-Smith and his driver were immediately brought to St. Lukes Medical Center. Police Officer Justiniano Lopez said that it took a while for the rescue team to take Mr. Smith's driver's out of the vehicle.."





Hindi pa nanatapos ang news report, dali-daling kinuha ni Aki ang kanyang telepono upang tawagan ang kanyang kapatid, Si Dindin.





"The subscriber cannot be reached.. pls try again later.."





"Tangina... Vhong..." nanlalamig ang mga kamay ni Aki habang paulit-ulit na tinatawagan ang telepono ng kanyang bunsong kapatid ngunit hindi ito sumasagot.


Dali-daling kinuha ni Aki ang susi ng kanyang sasakyan para puntahan ang sinasabing ospital sa balita. Halos paliparin niya ang sasakyan papunta sa ospital at dali-daling tumakbo papunta sa emergency room.

Natigalgalan si Aki nang makita ang kapatid na naliligo sa sarili nitong dugo habang pinapalibutan ng mga nurse at doctor.








"To..tol.." dahan-dahang lumapit si Aki sa kapatid ngunit pinigilan siya ng isang lalaking nurse. Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan niya ang nangyayari sa kanyang kapatid. Ang isang nurse ay hawak-hawak ang isang telang halos kulay pula na nakaimpit sa ulo ni Dindin, ang isa naman ay nagpapump ng ambu bag. Nagkakagulo ang lahat, nanginig ang katawan ni Aki nang makita niya ang isang tipak ng basag na salamin na nakatarak sa bandang balikat ni Vhong.








Hindi mawari ni Aki kung ano ang kanyang magiging reaksyon sa kanyang nakikita. Parang tumigil saglit ang kanyang mundo at tanging ang kapatid niya lang ang kanyang nakikita.





"Nurse.. yung kapatid ko.." nakatulala na si Aki habang tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakita niya kasi kung paano ipinasok ng doktor ang tubo sa bibig ni Vhong na halos ikinataas ng dibdib nito, kasabay nun ang patuloy na pagdaloy ng dugo sa iba't ibang parte ng katawan ni Vhong. Napakaraming nagaassist sa kanyang kapatid, lahat ay mabilis ang kilos..





"Dok.. BP falling.." sigaw ng isang nurse kaya't lalong nagkagulo.



"Dindin..." hindi na napilan ng nurse si Aki na mabilis na nakatakbo papunta kay Vhong, hinawakan ang duguang braso nito.


"Sir.. kami na po ang bahala dito, please.." pakiusap ng isa pang nurse na lalaki habang tinataboy si Aki palabas ng E.R






Napaupo nalang si Aki sa sahig sa labas ng E.R habang sinasabunutan ang sarili ng dahil sa sobrang pagaalala.

Ilang minuto lang ay may pamilyar siyang mga mukhang nakita, si Annieka at ang Nanay nito na kapwa hindi maipita ang mga mukha. Balisang tinignan ni Aki si Annieka habang patuloy siyang umiiyak.





"Ku...kuya Aki.." lumuhod si Annieka sa harap ni Aki


"A..anong ginagawa mo dito?" Umiiyak na tanong ni Annieka kay Aki.. Ang mga mata nito ay punong-puno ng pagaalala. Walang ibang naisagot si Aki kungdi ang isang marahang iling. Doon palang ay kinutuban na siya ng masama.


Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now