Chapter 67

584 27 13
                                    

Umaga palang ay abala na si Annieka sa paga-ayos ng grocery na binili niya para kay Vhong. Napagkasunduan kasi nila na sa si Anne nalang ang magaasikaso ng grocery at house supplies ni Vhong, bibigyan na lamang siya nito ng budget every 2-3 weeks para don. Si Annieka ang nag suggest non, bagamat nahihiya si Vhong sakanya, sinabi nalang nito na magbibigay nalang siya ng budget. Annieka volunteered because she knew how busy Vhong is everyday.

"Nanay, ano po ang menu natin for this week? Nagrerequest po si Vhong ng sopas eh tska ng beef steak. Yung sopas nalang po siguro kaunti lang para di rin po mapanis" Tinutulungan ni Nanay Bing si Annieka sa pagluluto ng mga lutong pagkain na i-stock ni Vhong sakanyang ref.

"O sige, eto naisip ko.. beef salpicao tapos may sides na buttered corn, sinigang na baboy, baked mac, pork adobo tska meatballs in cream.. tapos idadagdag ko yang sinabi mo. Tig kakaunti lang ito, good for 1 week lang dahil baka mapanisan nanaman si Vhong" paliwanag ng matanda kay Anne habang naghihiwa ito ng rekado para sa mga lulutuin niya.

"Ang dami mo nanamang biniling prutas, baka di nanaman yan kainin ni Vhong. Alam mo naman yung batang yon" nakita kasi ni Nanay Bing na inaayos ni Anne yung mga prutas sa basket.

"Ire-remind ko nalang po siya to eat fruits atleast sa umaga or sa gabi. Kukulitin ko nalang po para kumain" Ngayon naman ay yung mga breakfast items ang inaayos ni Annieka tulad ng cereals, granola bars, spreads, loaf bread, gatas at yogurt.

Sa linggong ito ay may kalakihan ang binigay na budget ni Vhong sakanya, nakisuyo kasi si Vhong na damihan na ang grocery dahil sawang sawa na daw siya sa mga pagkain sa labas at bukod don ay namimiss na niya ang luto ni Nanay Bing.

"O, magluluto ka?" tanong ni Nanay Bing kay Anne, naglabas kasi si Anne ng ibang gamit at tinabihan ng tayo si Nanay Bing sa may counter.

"Lulutuan ko lang po si Vhong ng Tuna Pasta. Wala po kasi siyang pasok ngayon, sabi niya nasa tenement lang daw po siya" napangiti nalang si Nanay Bing. Sa isip ng matanda, parehas na parehas si Annieka at ang kanyang Mimi sa pagaasikaso. Parehas silang detalyado, lalo na sa pagkain.

Habang nagluluto si Anne ay naisipan niyang tawagan ang kasintahan. Maaga pa kaya hindi siya sigurado kung gising na ba ito. Nakailang ring din ang telepono ni Vhong, ibaba na sana ni Anne pero bigla itong sinagot ni Vhong at halatang kakagising lamang nito base sa kanyang boses.

"Good morning, babe.. did I wake you up?" malambing na bati ni Anne kay Vhong.

"Hmm.. oo.. pero ayos lang. Good morning, mahal ko!" dahil don ay napangiti si Annieka at bahagyang kinilig sa bati sakanya ni Vhong.

"Kumain ka na?" tanong nito kay Anne

"Opo.. kanina pa, nakapag-grocery and palengke na kami nila nanay, prepare lang naming yung food mo then I'll go there na."

"Ang sweet talaga ng mahal ko. Kaya love na love ko si Annieka ko eh" this time ay nagbebaby talk na si Vhong, kaya't lalong kinilig si Anne.

"I love you too, Baby Dindin ko.. eat ka na ng breakfast.. may food ka pa ba dyan? Oo nga pala the last time I check, may cereals and bread ka pa dyan.. yun nalang kanin mo ha? Mag cereal ka then bread lagyan mo nalang ng spread tapos ano baby.. mag boil or fry ka kaya ng egg?" natawa naman si Vhong sa pinagsasabi ni Anne

"Hay nako, ang mahal ko naman.. masyado mo akong pinapakain ng kung ano-ano eh.. isa lang naman gusto kong kainin.. at alam kong alam mo na yon" biglang tumawa ng malakas si Vhong

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now