Chapter 69

555 24 10
                                    

Anne's POV

Today is Sunday, Yes! rest day for me and my babe. Last week super busy namin parehas kaya once lang kami nagkita. Busy siya sobra sa thesis niya because malapit na yung final defense nila. While ako, busy ako sa A&C because we are releasing a new line again. As much as possible we make sure na every season ay may bago kaming irerelease para di rin makalimutan ng tao. Sa ngayon, maingay ang A&C sa social media because of our super masipag na marketing team and I'm also hands on when it comes to promotional stuff. Nakakatuwa kasi unti-unti nang lumalaki ang market namin lalo na siguro kapag inilabas na namin yung line namin for pre-teens medyo madugo ang project na yun dahil we are makin it sure na okay siya for young girl's delicate skins kaya ginagawa talaga naming maayos yung formula.

"Teka.." nagscroll ako sa facebook when I came across to an album, It's my classmate's son's birthday. 1 year old na pala yun ang bilis naman. Tinignan ko lahat ng pictures sa album hanggang sa may makita akong ilang litrato na nagpakunot ng noo ko ng malala. It's Vhong! nagfe-facepaint siya dun sa party! Tinignan ko yung date, kahapon lang yung event pero bakit hindi ko alam?

Ang alam ko kahapon, whole day siya sa school dahil nga para dun sa thesis niya. Wala siyang nababanggit na raket sakin or whatsoever na event napupuntahan niya kaya nagulat ako. Iniisip kong mabuti kung may nabanggit ba siya sa akin noon baka hindi ko lang maalala pero wala talaga kahit anong isip ko! Naiirita nanaman ako!

"Babe.." sakto after I finished viewing the pictures ay dumating siya. He's still wearing a school uniform, sunday ngayon pero bakit nasa school siya? Di ko siya gaanong pinansin.

"Milktea and Fries for my baby" sabi niya at tska hinalikan ako sa pisngi.

"Baby?" since when he started calling me that?

"Ang alam ko ako ang tumatawag sa iyo nun ha?" I uttered, ngintian niya lang ako.

"Eto naman.. may dalaw ba babe ko? bakit parang ang sungit?" umayos ka Vhong, tatadyakan kita!


"Nasan ka kahapon?" tanong ko, halata sa mukha niya na nagulat siya. Mukhang may hindi talaga ako alam.


"Na..nasa school"


"Vhong, gusto mo ba mag-away nanaman tayo?" madiin kong tanong. Kumunot yung noo niya tapos ay nagbuntong hininga.

"Nagpacheck ako ng papers kahapon diba, alam mo naman yun? Sinabi ko sayo nung bago tayo maghiwalay nung nakaraang araw." Ayaw talagang umamin! nakakabwisit!


"Sige, magsinungaling ka pa! nakakainis!" natabig ko yung kamay niya kaya nabitawan niya yung milktea na dapat iaabot niya sa akin causing it to explode sa floor. Bukas na kasi iyon.

"Nung hapon, may event ako.. may naginvite sakin na magface-paint dun sa isang birthday party. Tatanggihan ko sana dahil pagod na ako kaso sayang naman. Pandagdag din sa pang apprentice ko yun" kwento niya habang pinupunasan yung sahig na basa.

This is the second time na nagawa 'to sa pagkain. Medyo naguilty ako pero mas nangibabaw nanaman yung inis ko.


"Vhong, pwede ba? palaging advance yang isip mo eh! puro ka thesis.. apprentice.. bullshit Vhong, ang tagal tagal pa non! Yun na ang lagi mong iniisip!" tumatalak na talaga ako ng todo pero siya tuloy lang sa paglilinis ng sahig.


"Pinaghahandaan ko lang naman ng mabuti.. para pag nandyan na.. di ako gaanong mahirapan."

"Future nanaman? Vhong pano tayo? yung present? Masyado kang nagpapalamon dyan eh! di mo na naiisip yung ngayon! Puro ka ganyan! Natututunan mo nanaman magsinungaling sakin!" eto nanaman ako, naiiyak sa sobrang gigil.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now