Chapter 12

518 22 5
                                    

Vhong's POV

Pag alis nila ni Anne, tinext ko si Billy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pag alis nila ni Anne, tinext ko si Billy. Sigurado akong siya ang nagbigay ng address ko kay Anne pero, nangako yun sa akin at alam niya kung bakit ganon nalang ang pakiusap ko sakanya alam na alam niya kung saan ako nagmumula. 

Pagdating ko sa greenlake, nandon na si Billy, nakaupo sa likod ng pick up niya. Nang lapitan ko siya, may katabi siyang ilang beer na nasa lata. 

"Maluwag pa dito, baka gusto mong umupo" di niya ako tinatapunan ng tingin pero umurong siya ng kaunti at nagbukas ng beer, ang isa ay iniabot niya sa akin. 

"Kuys, diba nangako ka?" narinig ko ang pagbuntong hininga niya. 

"Vhong, natatandaan mo ba nung first year highschool tayo? medyo mataba pa ako nun diba? pero gustong gusto kong sumali sa basketball team.. di ako matanggap sa try outs kasi ang bagal ko daw tumakbo kaya pinagtatawanan nila ako pero.. may isang batang lumapit sa akin.. matangkad at sobrang cool. Tinulungan niya akong makatayo after kong madapa sa court tapos binalikan niya yung mga umaaway sa akin" 

Medyo naguguluhan ako sa sinasabi ni Billy, kami kasi.. di naman masyadong gawain pagusapan yung mga nangyari noon.. di namin trip. Ngayon nalang kami ulit nagusap ng ganito ni Billy simula nung bumalik siya. 

"Alam mo yung batang yon.. napakatapang.. kayang kaya niyang dalhin yung sarili niya." 

"Kuys" sambit ko pero nagpatuloy parin siya

"Ginawa ko yon kasi.. nakikita ko kung paano ka niya pahirapan, kung paano ka niya insultuhin.. tol alam ko nasasaktan ka, masakit din para sa akin na makita kang ganon. Vhong.. ipagtanggol mo naman yung sarili mo. Inisip ko na yun lang yung paraan, baka siguro.. pag nakita niya kung ano ka na ngayon.. baka sakali.." 

"Ang laki laki ng kasalanan ko sakanya kuys, kahit makita niya pa lahat.. kahit malaman niya pa ang totoo.. di mabubura ng lahat ng yon yung nagawa ko." tinungga ko lahat ng beer na hawak ko, sana ganon lang kadaling lunurin lahat ng sakit... sana ganon lang kadaling mawala lahat ng lungkot, iinuman mo lang.. mahuhugasan na lahat. 

"Ang tagal tagal mo nang bitbit yan Vhong, limang taon na.. limang taon ng buhay mo.. wala kang ibang ginawa kungdi dalhin lahat yan. Ang tagal tagal na kuys, palayain mo na yung sarili mo." inakbayan niya ako. Sa tatlong taon na nawala si Billy, ngayon ko nalang ulit naramdaman na may kakampi ako.

"Di naman pwedeng ako lang ang nakakaalam ng tunay na ikaw, di pwedeng ako lang yung nakakaalam kung anong mundo ang ginagalawan mo ngayon.. May kasalanan ka sakanya pero kuys.. pinagbayaran mo na yun.. pinagbabayaran mo pa hanggang ngayon." 

Lahat ng sakit.. lahat ng lungkot.. sa isang iglap.. lahat yon bumalik. Akala ko, kapag kinulong ko yung sarili ko sa mas maliit na mundo, mas kaunti nalang yung sakit, akala ko mas matutulungan akong bumangon. Pero hindi pala.. dahil mas lalo lang nun nasugatan ang pagkatao ko. 

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now