Chapter 31

552 20 10
                                    

DISCLAIMER
I apologize in advance for all the profanities that you can read in this chapter. Mas intense haha! para mas damang dama.

Nagising si Vhong sa mahinang kalampag, kahit medyo nahihilo pa siya ay pinilit niyang ibangon ang sarili para tignan kung ano iyon. Pagtayo niya ay napagtanto niyang sa kusina nagmumula ang ingay. Maliit lang ang tinitiran niya kaya imposibleng hindi siya magising dahil don. Pagbangon niya ay isang pigura ng babae ang nakita niya, medyo malabo pa ang mata dahil kagigising lang niya.

"OHSHIIT!" laking gulat ng babae paglingon nito at pagkakita niya kay Vhong.

"Bo..Vhong.. gising ka na pala" dali-daling binaba ni Anne ang hawak na frying pan at tska nilapitan niya si Vhong

"Nandito ka pa pala" bulong ni Vhong, nginitian siya ni Anne. Inalalayan ni Anne si Vhong at pinaupo sa kama.

"Mainit ka parin, pero mabuti nalang at di na katulad ng sa kahapon" kinapa ni Anne ang noo at leeg ni Vhong at tska inipitan ng thermometer sa kili-kili.

"Ka..kaya ko na.. pwede ka nang umuwi" pagkasabi ni Vhong nun ay tumunog na ang thermometer kaya kinuha na iyon ni Anne sakanya.

"38.1" sambit ni Anne, tumayo ito at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

"Inom ka muna o, kakagising mo lang kasi" inabutan ni Anne si Vhong ng tubig, kinuha ni Vhong ang baso pero nanatili lang siyang tahimik.

"Gutom ka na ba? maya-maya maluluto na tong sinaing.. wait lang ha" pinalitan ni Anne yung paper towel na nasa likod ni Vhong.

"Higa ka muna ulit, baka mahilo ka nanaman.. mamaya ka na bumangon kapag kakain na" muling inalalayan ni Anne si Vhong pahiga at tska nagtungo ulit sa kusina para tignan ang niluluto niya.

Habang nakahiga ay kinuha ni Vhong ang kanyang cellphone, may mangi-ilan ilan na text at mga notifications lang sa social media accounts niya ang nandon. Tinitignan niya ang mga notifs sa facebook niya ng may isang bagay ang nakapukaw sa atensyon niya, Isang comment mula sa isang taong di nanaman niya kilala.

"Congratulations, keep it up. Nice Work" napakunot ang noo ni Vhong dahil don. Nagcomment kasi siya sa isang post niya na ang tagal na. Picture yun nung nanalo siya sa mural contest na partner niya si Hailey.


"Vhong" agad siyang tumalikod, nakaharap sa pader nang marinig niya ang boses ni Anne.

"Vhong.." marahang hinawakan ni Anne ang braso niya, akala siguro ay tulog siya.

"Hmm"

"Ano.. kain ka na o.. para makainom ka na ng gamot" hinarap niya si Anne at sandaling tinitigan. Di parin siya umiimik, ni walang emosyon ang mukha ni Vhong. Blanko.

"Busog pa ko" ayan nalang ang nasabi niya tapos ay pumikit na.

"Wala ka bang gana?.. ganyan talaga eh kapag nilalagnat" nagulat si Vhong nang biglang ilagay ni Anne ang kanyang kamay sa noo niya.

"Kain na dali, baka tumaas nanaman lagnat mo.. para mainuman na natin ng gamot" hanggang ngayon ay malumanay parin siya kung kausapin ni Anne, bagay na medyo kinairita ni Vhong.

"Umuwi ka na" tumayo si Vhong para kunin ang twalyang naka-sabit

"Ma..maliligo ka?" tanong ulit ni Anne sakanya

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now