Chapter 50

532 22 8
                                    

Vhong's POV

"Tol, mabuti nalang at pumayag ka sa inaalok ko, wag ka magalala, mabait yun si Boss, pati.. galingan mo lang tiyak ay magkakabonus ka don." Sambit ni Macky sa akin. Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung tama ba tong gagawin ko pero buo na ang loob ko.

Alas cinco ng umaga nang matapos ako mag handa, maaga daw kasing aalis si "Boss" kaya dapat ay maaga kaming makapunta sa opisina. Sasamahan ako ni Macky sa office para pormal na irekomenda ako ng personal sa boss niya, bagay na nagpanatag ng kaunti sa loob ko.

"O tol, kapag pumayag si Boss na ngayon ang start mo, ayusin mo ha. Pero sigurado akong ngayon ka na magsisimula dahil kailangan na niya ng driver talaga, isa pa..nasabi ko nanaman sakanya iyon."


Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa opisina nila. Isang pamilyar na lugar para sa akin. Matagal na pero parang wala naman gaanong nagbago sa istraktura ng lugar na ito. Same old building, simple yet elegant. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang lugar na to, may maganda at maaliwalas sa lobby. The big wide windowa make this place an "energy-conserving" building, sa laki ng mga salamin ay hindi na kailangan pa ang maraming ilaw kapag daytime. Isang bagay na naobserbahan ko noon pa man at yun din sana ang gusto kong isa sa mga magiging tatak ko kapag naging lehitimong arkitekto na ako in the future.

Kinakabahan ako pero sa tuwing maiisip ko kung bakit ko ba ito gagawin ay lumalakas ang loob ko. Bago kami pumasok ng office ni "Boss" ay hinawakan ko saglit ang dibdib ko. Sa tuwing kinakabahan ako, dito ako humuhugot ng lakas ng loob. Sa anak ko.


"Boss, magandang umaga po" bati ni Macky sa isang mamang nakaupo sakanyang office chair. Nakasuot lang ito ng puting plain tshirt at hindi mo aakalain na ito pala si "Boss" sa simple ng kanyang suot.

Pagharap niya ay kitang kita ko ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Nakangiti ito pero unti-unti iyo nawala nang makita niya ako.


"Boss, ito po yung sinasabi ko sainyong kaibigan ko na rerelyebo ho sa akin, si Vhong" napalunok ako nang muli niya akong tignan. Napakaseryoso ng mukha niya.

"Ahh ganon ba? Magandang umaga, ijo" inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at nakipagkamay sa akin. Agad din naman akong nakipagkamay sakanya.

"Michael, maari mo nang iwan ang kaibigan mo. Ayos na siya dito" muli akong napalunok sa sinabi niya na iyon.

"Sige ho Boss, uuwi na po ako. Mabait po iyang si Vhong, makakaasa po kayong maingat at responsable iyan" tinapik ni Macky ang balikat ko tska umalis na. Eto na Vhong, ikaw nalang magisa. Magpakalalaki ka na.

"Ayaw kitang ipahiya sa kaibigan mo pero di ko alam kung saan mo kinukuha yang tapang at kapal ng mukha mong humarap sa akin ngayon" sambit niya, nanatili lang akong nakayuko. Ayokong sumagot pa.

"Sir.. i..isang pagkakataon lang ho ang hihingin ko" halos mautal na ako, mas bastos naman kasi kung hindi talaga ako magsasalita.


"Pagkakataon ha? Napakalaking salita niyan, bata."


"Pero sige.. tignan natin kung hanggang saan ka. Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin niyang sinasabi mo"

Naging mabilis lang ang paguusap namin, hindi ko alam kung anong mangyayari pero atleast pumayag siya sa akin. Pagkakataon ko na talaga ito.

Papunta kami sa Tarlac ngayon para sa isang business meeting. Dalawa lang kami sa loob ng sasakyan, actually..convoy kami, ang sasakyan sa likod namin ay sakay non ang mga body guard niya. Ganito pa rin pala siya.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now