Chapter 49

525 22 10
                                    

3rd Person's POV

"Okay, 4-A.. listen up.. siguro naman by now ay aware na kayo what is this is all about"

Namutawi ang katahimikan sa buong silid, ang mga estudyante ay nanatiling tahimik. Alas onse kasi ng gabi kagabi ay nagpadala ng group message ang adviser nila Vhong, nagpapatawag ng meeting kinabukasan sa eskwelahan.

"Just yesterday, our curriculum was already updated dahil kahapon lang dumating yung new system para sa CADD 2 niyo"

Napakamot nalang ng ulo si Vhong, nakikita-kita na niya kung ano ang kakahinatnan ng paguusap na ito dahil last sem palang ay usap-usapan na ang paga-upgrade ng system na ginagamit nila para sa kanilang CADD subject o yung Computer Aided Design and Drafting for Architecture.

Ipinaliwanag sakanila ng adviser kung bakit at para saan ang pagbabago na ito sa kanilang curriculum.

"Since you are all on your way to CADD 2 guys, you are all required to take the advance class for this subject ngayong break. Wag kayong magalala dahil the lower years are also required to enroll sa introduction class ng CADD. So patas lang"

Tama nga ang kutob ni Vhong, kailangan nilang magenroll sa isang special class. Pinamigay na ng adviser ang isang papel na naglalaman ng breakdown ng expenses para dito. Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante, kasing laki ng magagastos nila para sa subject na iyon.

5k para sa modules, 7k para software at 8k para sa 15-day class sa university.

"Sir, is this a pre-requisite class po ba? I mean sir, mandatory po ba to or kung sino lang po ang gusto?" tanong ng isang kaklase ni Vhong.

"Fortunately/Unfortunately, yes. You are all required to enroll to this class in order for you to enroll to CADD2 in the second sem. The school president, together with the board and of course, Dean Rosario all agreed to this matter. You need this guys.. para sa ganon  sa mismong CADD2 ay gamay niyo na at di na kayo mahihirapan. We are in the advance stage of technology and the University is preparing all of you to be globally competitive and efficient architects in the future. So I think, I just made my self clear here and I think I've explained everything. The enrollment will be on Monday. Thank you"

Pagkaalis ng adviser nila ay siyang bulalas naman ng mga hinaing at violent reactions ng mga estudyante, pero karamihan sa kanila ay ang iniisip lang ang bakasyon na mababawasan pa ng ilang araw. Samantalang ang iilan naman, ang iniisip ay ang malaking gastos na paparating, kabilang na don si Vhong. Karamihan ng nagaaral sa unibersidad na iyon ay may kaya sa buhay at hindi naman pinoproblema ang pera pero marami pa rin naman ang gaya ni Vhong na working student na malaking issue talaga ang finances.

"Tol, itext mo ako kung anong oras tayo mageenroll ha?" Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin si Vhong sa kapirasong papel na ipinamigay sakanila.

"Ha?" Tanong niya kay Paul nang matauhan.

"May extra ka ba?" Nagaalalang tanong ni Paul kay Vhong, tingin palang kasi ni Vhong kay Paul ay alam na agad nito ang iniisip ng kaibigan.

"Ti..titignan ko pa.." bulong ni Vhong

"Basta kung kailangan mo ng tulong ha.. alam mo nanaman iyon." Tinapik ni Paul ang balikat ni Vhong.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now