Chapter 26

537 20 15
                                    

Vhong's POV

"Hoy, Vhong! para kang gago dyan! tumatawa ka magisa.. ano ba yang pinapanuod mo dyan sa cellphone mo? scandal yan no?" kabubulong nitong si Paul, mahuhuli pa kami nito eh. Nakakainis, panira ng moment.

"NAVARRO!" agad kong sinara yung libro ko kung nasan yung cellphone ko, sinasabi ko na nga ba eh!

"Seems that you're busy with something, kindly answer problem number 3 please." patay kang bata ka! pinagtitinginan tuloy ako, masisipa ko tong si Paul eh! Tumayo na ako lumapit sa blackboard, napalunok ako sa haba ng problem. Jusko Lord!! help me! tinignan ko yung mga example ni sir pero wala ni-isa don ang kaparehas ng problem #3, so bahala na!

Sinulat ko na yung solution ko at hiniram ko yung calculator ng kaklase ko na nasa harap, di ako sigurado dito sa pinag gagawa ko pero.. sana tama. After ko magsagot ay pinatayo parin ako ni Sir Cristostomo sa gilid ng board.

"Matalino ka talagang bata ka, seat down!" phew! nakatsamba ako don! mabuti nalang at tama yung naisagot ko, kung di.. nako yari na talaga ang scholarship ko nito.


"Paul, hmm.. ano ba yung kailangan nating plates? nalista mo ba?" nakatambay kami ni Paul sa may central garden dahil hinihintay namin si Hailey.

"Eto o!" inabot ni Paul yung listahan sa akin, tinignan ko sa workbook yung problems.. sisiw naman nito. Kayang-kaya!

"Gagawin ko na nga mamaya"

"Lah, tol! iba na yan! may sakit ka ba?" akmang hahawakan ni Paul yung leeg ko pero tinabig ko yung kamay niya, para kasing gago!

"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao ano? grabe yung inspirasyon! umaapaw!!" di ko iniintindi si Paul, bahala siya sa buhay niya!

"Pangiti-ngiti lang yan pero.. kinikilig yan!" rinig kong sunod niyang sinabi, makauwi na nga!

"Hoy! di mo ba hihintayin si Hailey?"

"Paki-sabi nalang may gagawin kamo ako, nagmamadali din ako.. shift ko na sa cafe" palusot ko pero sa totoo lang ay parang sinisipag akong pumasok sa cafe, medyo marami din kasi akong pinagiipunan kaya nag oovertime ako kapag kaya ko or straight shift, sa sabado na yung launching nila Anne, syempre.. since part kami ng project, invited kami. Kailangan kong paghandaan yung isusuot ko don no, para di naman ako magmukhang ewan.

Anne's POV

Okay, 3 days from now.. launching na, everything is already settled.. from venue to food, lahat na.. masyado kong binusisi even the smallest detail because I wanted everything to be perfect. Napadalhan narin lahat ng guest ng invitations, sadly.. my parents could come sa event because they're in Maldives for their wedding anniversary.

I'm on my way now sa resto, magkikita kasi kami ng mga girls tonight to personally give them my invitations and the tokens para sa launching. Honestly, I didn't expect they could come because of their schedules, nung isang araw lang sila nag confirm and they even flew to the PI agad agad kaya nagulat rin ako.

Honestly, kinakabahan ako. Di ko alam kung anong mangyayari, di ako kinakabahan sa mismong event because we've already planned for this at plantsado na ang lahat, kinakabahan ako sa magiging reaction ng mga kaibigan ko kapag nakita nila ulit si Vhong. They knew nothing about what's happening between Vhong and I, wala akong pinagsasabihan simply because we're on the stage that we are slowly building trust to each other, wala pang kami pero alam namin parehas ni Vhong na we are enjoying each other's company.

I also make sure na wala akong ipopost na anything on social media about us, nagiingat ako don, hanggat maari ay sekreto pa ang lahat, even Vhong di rin siya nagpopost ng anything about us kaya I think he's also protecting what we have now.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now