Chapter 41

513 23 9
                                    

"Excuse me"

"Yes, Ma'am, what can I do for you?"

"Ahm.. tatanong ko lang kung nasaan si Vhong?"

"Ma'am, wala po si Dindin ngayon eh.. nasa ospital po" napakunot ang noo ng babae habang hinigpitan ang kapit niya sa bag na nakasukbit sa kanyang braso.

"What happened?" bakas sa boses ng babae ang pagaalala. Dahil sa tanong na iyon ay tinitigan na lamang siya ng crew na kaharap.

"I'm his sister, ate niya ako.. gusto ko lang malaman kung anong nangyari" nahalata ng babae ang pagaalinlangan ng kausap kaya napilitan itong magpakilala.

"Napaaway daw po, ma'am.."



Pagkatapos alamin ang detalye, agad nagtungo ang ate ni Vhong sa ospital na sinabi ng katrabaho niya. Magkahalong pag-aalala at galit ang nararamdaman niya. Pag dating sa lobby ng ospital ay agad itong nagtanong kung saan ang kwarto ng kapatid.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at marahang pumasok. Walang kasama si Vhong. Mas lalong nakaramdam ng pagkainis ang kanyang ate sa naabutan nito. Sandali niyang tinitigan ang kapatid, di siya nagsasalita o gumagawa man lang ng kahit anong ingay.

"A..ate?" agad niyang pinunasan ang pisngi nang tawagin siya ni Vhong. Umayos siya ng tayo pagkatapos ay tumitig sa kapatid nang walang kaemosyon-emosyon.

"Ano nanaman ang ginawa mo sa sarili mo, Vhong?" mahina pero punong puno ng autoridad ang boses niya.

"Pa..paano mo nalaman?" pinilit ni Vhong na umupo pero hirap na hirap siya gawa ng tama niya sa tagiliran.

"Is this what you want ha? Pinapabayaan kita.. pero ito ba? Vhong?" napayuko na lamang si Vhong dahil sa prisensya ng ate niya. Malaki ang tanda nito sakanya kaya mataas ang respeto niya rito.

Hindi magawang magsalita ni Vhong, di niya alam kung paano ipapaliwanag sa kapatid niya ang sinapit niya. Ayaw niyang palakihin pa kung anong nangyari. Pero kilala niya ang ate niya, hindi ito titigil hanggat hindi nito nakukuha ang sagot na gusto niyang makuha mula sa taong kinakausap nito.

"San ka nanaman dinala ng katangahan mo?" sambit ng ate ni Vhong, dahil don ay mas bumigat pa lalo ang sakit na nararamdaman niya. Sa pamilya nila, kahit noon pa ay wala silang ibang nakikita kungdi ang pagkakamali ni Vhong.

"Ate wag muna ngayon please" pagsusumamo ni Vhong sa kapatid. Naputol ang usapan nila nang biglang pumasok ang nurse, oras na kasi ng paginom ng gamot ni Vhong. Nanatili lang nakatayo sa tabi ng kama niya ang ate niya. Wala itong sinsabi at hindi niya rin ito nakikitaan ng kahit na anong reaksyon.

Pagkalabas ng nurse ay nagsimulang maglakad lakad ang ate niya sa kwarto, tila ay nagiinspeksyon ito, naupo ito sa couch na nasa gilid ng kama ni Vhong. Inilapag niya ang bag sa tabi tapos ay nagsimulang kalikutin ang telepono.

"Magpahinga ka na" sambit ng ate ni Vhong pero hindi niya tinatapunan ng tingin si Vhong, nanatili lang nakatuon ang atensyon nito sa kanyang telepono. Maya-maya lang ay unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Vhong. Isa sa mga epekto kasi ng gamot na ibinibigay kay Vhong ay aantukin siya.

Halos kalahating taon hindi nagkita si Vhong at ang kanyang ate, busy ito sa trabaho at sa kanyang pamilya pero kahit ganon ay nakikibalita parin siya sa mga nangyayari kay Vhong. Di man niya laging nakakausap si Vhong pero sa pamamagitan ni Alphonse ay kahit papaano ay nakukukumusta niya ang bunsong kapatid.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now