Chapter 76

622 25 13
                                    

3rd Person's POV



"Baby.. aalis lang ako ha? pupunta lang ako sa school mo kasi aayusin ko yung requirements mo for graduation tapos maglilinis na rin ako sa tenement. Alam ko naman na ayaw mo ng madumi. Babalik din ako agad" Anne kissed Vhong's forehead bago lumbas ng ICU.

Bago umalis ng ospital ay nagpaalam muna si Annieka kay Aki, sasamahan siya dapat nito ngunit tumanggi si Annieka dahil kaya naman niya at mas kailangan rin na maraming nagbabantay kay Vhong.

May sinend na picture si Paul kay Annieka kaya't umuwi muna siya sa tenement ni Vhong para kuhanin ang mga iyon.



Nasa labas na ng pinto si Annieka pero nagaalangan siyang buksan iyon. Dahan-dahan niyang sinusian ang doorknob at tska maingat itong pinihit. Maaga pa, wala pang alas-sais ng umaga kaya't napaka-tahimik pa rin ng paligid. Pagbukas ni Annieka ng pinto ay tumambad sakanya ang isang napakalinis na silid, mabango at maayos ito. Salungat sa inaasahan niya. Ang kama ni Vhong ay maayos na nakatiklop ang kumot pati na rin ang mga unan ay maayos na nakasalansan. Inilinga ni Annieka ang tingin sa paligid, maayos ang lahat pati ang palagiang magulo na lamesa ni Vhong.

Saglit na naupo si Annieka sa kama. Nakasabit sa itaas ang bag ni Vhong, maingat niya itong kinuha. Until now ay amoy na amoy pa rin ang pabango ni Vhong kaya nakaramdam si Annieka ng kurot sa kanyang dibdib.

Marahan niyang niyakap ang school bag ni Vhong at tska pumikit. Pinipigilan niyang maiyak pero sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay si Vhong ang yakap niya. Di rin naman niya maitatanggi na miss na miss na niya si Vhong dahil hindi na niya ito nakausap simula nung pinili niyang makipaghiwalay.



"Not now, Annieka" bulong niya sa sarili. Huminga muna siya ng malalim, nagpahid ng luha at tska tumayo para buksab ang bag ni Vhong.

"Grad Requirements" nakasulat sa isang brown envelope na nakalagay sa isa pang plastic envelope ss loob ng bag ni Vhong. Napangiti nalang si Annieka dahil kahit kailan talaga ay napaka-masinop ni Vhong sa kanyang gamit. Kinuha ni Annieka ang kanyang cellphone para tignan kung ano-ano ba ang mga kailangan at isa-isang chineck ang laman ng envelope. Kumpleto naman maliban sa isa, ang TOR ni Vhong kaya agad niya itong hinanap, sa desk, sa drafting table.. hanggang sa minabuti na niyang buksan ang cabinet ni Vhong. Sa ilalim ng mga damit ni Vhong ay may mga envelope rin pero lahat iyon ay may label naman kaya alam niyang wala roon ang kanyang hinahanap. Annieka kept on searching until she found something. Isang ziploc bag. Curious siya kaya minabuti niyang kunin iyon para tignan ang laman tapos ay nagpatuloy sa paghahanap sa cabinet pero wala ang TOR ni Vhong doon.



Hanggang sa maalala ni Annieka na ugali ni Vhong ang mag-ipit ng papel sa kanyang planner dahil ayaw niyang nalulukot ang mga papel lalo na kung importante iyon. Binuklat niya ang planner ni Vhong, hindi siya nagkamali ng kutob dahil naroroon nga ang TOR na hinahanap niya. Muli siyang napangiti nang makita ang mga grades ng kasintahan, matataas ang mga ito. Talagang alam niyang pinaghirapan iyon ni Vhong. Agad inilagay ni Annieka ang TOR sa loob ng envelope at tska tumayo na, inayos niya muna ang nagusot na kama at tska kinuha ang susi niya. Palabas na siya ng pintuan nang maalala ang ziploc bag na nakita niya kanina kaya binalikan niya ito.

Saglit na naupong muli si Annieka para usisain ang laman ng bag. May ilang piraso ng papel, mga reseta ng doktor at lahat ay nakapangalan kay Vhong. Binasa ni Annieka ang header ng reseta. Mula iyon sa isang psychiatrist. Nagsimula siyang maguluhan. Ang mga date ng reseta ay nagsimula 4 years ago hanggang sa pinaka-latest na last week lang ng buwan sa pangkasalukuyan. Isa-isa niyang kinuha ang mga natirang gamot para basahin kung ano ang mga iyon.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now