Chapter 10

503 15 4
                                    

Umaga palang ay ramdam na ramdam na ang namumuong tensyon sa Opisina nila Billy. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang dilim ng aura sa loob ng opisina. Kung anong lamig ng panahon, ay siya namang init ng ulo ni Billy. Lalo pa itong nadagdagan nang makatanggap siya ng isang text mula kay Anne. Nakakunot ang noo ni Billy habang binabasa niya ang mahabang mensahe ni Anne na nagsusumbong kung ano ang nangyari kahapon sa photoshoot. Di malaman ni Billy ang magiging reaction niya nang mabasang halos si Vhong ang laman noon. 

"Mara!!" sigaw ni Billy sa telepono at nagkukumahog namang lumapit ang sekretarya sakanya. 

"Anong nangyari kahapon?" kung kanina ay galit ang boses ni Billy, ngayon ay malumanay na nang makaharap na ang mga tao niya. 

"Sir ganito po kasi yun, nagpapantal pantal po si Vhong kahapon gawa ng init kaya nagbabad muna po siya saglit sa dagat, pero break naman po iyon." paliwanag ng assistant ni Vhong na si Kian. 

"Tska sir, sandaling sandali lang po iyon. Di pa nga po tapos yung break umahon na si bossing, sakto lang na dumating si Ma'am Anne at hinahanap po siya" pagpapatuloy na kwento nito habang abalang abala si Billy na kontakin ang kaibigan. 

"Sige, bumalik na kayo sa trabaho" Nireplyan nalang ni Billy si Anne sa magalang na paraan at sinabing titignan at aaksyunan niya ang nangyari tapos ay humingi nalang siya ng paumanhin kahit medyo labag iyon sa kalooban niya dahil kinakailangan niyang kumilos at magdesisyon ng propesyonal

Nakakailang katok na si Billy sa unit ni Vhong pero wala paring nagbubukas ng pinto sakanya. Sarado ang bintana kaya hindi niya gaanong masilip kung may tao ba sa loob, nakailang text at tawag narin siya kay Vhong pero di nito sinasagot ang kahit isa rito. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto, bumungad sakanya ang kaibigang gulo gulo ang buhok at namumutla, naka jacket at parang hinang hina. Pagkabukas ni Vhong ng pinto ay agad itong nahiga sa kama. 

"Kuys, anong nangyare sayo?" umupo si Billy sa kama at kinapa ang noo at leeg ng kaibigan. 

"Ayos lang ako kuys, pasensya na di ko nasasagot mga tawag mo" paumanhin ni Vhong. Naawa naman si Billy sa lagay ng kaibigan kaya napahilamos nalang siya ng mukha. Gusto pa sana niyang tanungin si Vhong tungkol sa nangyari kahapon pero minabuti nalang niyang asikasuhin nalang ang kaibigan. 

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now