Chapter 75

668 24 16
                                    

Cont Anne's POV

"Good morning po, Ms. Anne" bati sa akin ng isang nurse sa ICU, ika-4th day na ni Dindin dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. His vital signs are changing every now and then.

"Aki" gising ko. Naawa ako sa posisyon ni Aki dahil nakabaluktot siya, medyo may may kaiksian kasi yung couch dito sa holding area, hindi siya kasya. It's only 5 in the morning, maaga pa kaya lahat ng tao dito ay tulog pa. Hininaan ko nalang yung boses ko para hindi rin ako makaistorbo ng iba.

"Akyat ka na don, ako naman dito. Sige na" ganito kasi kami ni Aki, salitan kami sa pagbabantay. Until 10pm lang ako dahil ayaw nila akong payagan, baka raw makasama sa mga bata kapag nagpuyat ako.

Pagakyat ni Aki ay nagpunta na ako sa may viewing area. Nagpalit na ako ng hospital gown at bouffant cap para makapasok na ako sa loob. Ito na ang naging routine ko sa loob ng halos tatlong araw.

Pagpasok ko ay may lalaking nakatayo sa gilid ng kama ni Vhong, dahan-dahan ko silang nilapitan kaya't napagtanto kong kilala ko pala kung sino 'yon, ang Papa ni Vhong.

"Anak, malamig ba?" Rinig kong tanong niya kay Vhong habang pinupunasan niya ng towel sa braso at sa noo.

Nang makita niya ako ay bahagya siyang tumango, binaba niya ang mask niya at tska nginitian ako bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Maingat na maingat niyang pinupunasan si Vhong.

"Papa, a... kumusta po si Vhong?" Tanong ko

"Eh..eto nilalagnat kaya pinupunasan ko.. kanina pa nga ako dito eh.." hinalikan ko si Vhong sa noo, oo nga mainit siya.

"Papa, ako na po.." kukunin ko na sana yung towel pero ngumiti lang siya sa akin.

Kitang kita ko on how gentle he is with Vhong, bawat punas ay sobrang ingat na ingat siya. Maya-maya ay lumapit ang isang nurse sa amin, may dala siyang isang baso na may off-white na liquid.

"Nurse ano yan?" Tanong ni Papa

"Ahh... Feeding po ito ni patient sir" maingat na iniangat ng nurse ang manipis na tubo na nakakabit sa ilong ni Vhong at tska kumuha ng syringe na may tubig at dahan-dahan inineject iyon sakanya.

"Nurse.. pa.. para saan iyan?" Muling tanong ni Papa.

"Ayy sir, flushing po ito ng water.. just to clean out kung may natirang residue po sa NGT" matapos gawin nung nurse yung flushing na ginagawa niya ay maingat niyang isinunod yung laman ng baso sa tube ni Vhong. Tintignan ko lang iyon, base sa nakikita ko.. mukhang masakit siya kaso wala naman kahit na anong reaction si Vhong.

"Nurse.. ako nalang dyan.. paano ba iyan? Ituro mo nalang sa akin" kitang kita ko ang pagkagulat sa mata nung nurse, imagine.. isang napakalaki at makapangyarihang tao ang magpapaturo sayo.

"Ahh sir.. ano po.. hahawakan niyo lang po ito, shoulder level para po bumaba yung feeding sa tube, wag po masyado mataas." lumapit si Papa sa tabi nung nurse at siya na yung pinaghawak nung aparato pagkatapos niyang magsuot nung gloves.

"Medyo malapot po iyan sir, ayan po kasi ang order ni Doctora kaya po medyo matatagalan po kayo sa paghawak" tumango tango lang si Papa. All through out ng feeding, palipat-lipat yung tingin niya sa tube tapos ay titignan si Dindin kung may reaction ba ito.

"Papa.. sabihin niyo lang po kung nangangawit kayo ha" ilang minutes na yung nakakalipas pero pakalahati palang yung liquid dun sa malaking syringe.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now