Chapter 18

473 23 15
                                    

"Vhong, punta ka na dito sa ospital. Kailangan ka ni Baby"

"Juskong bata ka, anong nangyari sayo?"

"Na..nasan po si Uno?"

Halos paliparin ko na yung sasakyan ko makarating lang ako kaagad sa ospital. Manhid na mahid na yung buong katawan ko. Lahat ng suntok, bali wala lahat yon.. Halos di ko maikilos ang katawan ko pero wala akong panahon para indahin iyon. Kailangan ako ng anak ko. Yun lang.

"Vhong kasi.. si Uno.. ano kanina nag cardiac arrest siya.. mahinang mahina ang puso niya. Yung temperature niya nag spike up kanina. Kaya ka namin pinatawag. Simula palang diba? Alam mo naman ang lagay ng anak mo, hindi ba? We're doing everything we can pero.. his little body has been enduring all the pain and baka hindi n niya kayanin."

Higit sa physical na nararamdaman ko sa sarili kong katawan, mas masakit parin yung mga naririnig ko. Lord, ako nalang po. Wag na yung anak ko.

"Di..diba po.. yung skin to skin natin.. diba kapag ginagawa po natin yun.. umaayos si baby?"

"Vhong.. kasi ano.."

"Doc.. baka po gusto lang ng anak ko na.. kargahin ko siya.. pwede po? Baka yun lang po eh.."  halos magmakaawa ako sa doctor.

Dinala nila ako sa loob ng NICU, katulad nung mga nakaarang araw.. hiniga nila si Uno sa dibdib ko nang makaupo ako sa rocking chair. Pinagmasdan ko siya.. may tubo na nakakabit sa labi niyang maliit halos kulay violet na. Ang nipis nipis ng balat niya na kita ko na pati maliliit niyang ugat.

Kung pwede ko lang saluhin ang lahat ng nakakabit sakanya, kung pwede ako nalang yung may tubo sa bibig at may kung ano anong nakatusok.. gagawin ko.

"Anak.. nandito na si Papa" hinaplos ko yung pisngi niya gamit yung isang daliri ko.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now