Chapter 14

575 20 18
                                    

Cont. Vhong's POV

Papunta ako ngayon sa office nila Anne, bigla kasing nagtext si Billy, ang sabi niya nagpapatawag daw ng meeting si Anne at urgent daw. Di na sana ako pupunta pero sabi ni Billy ay kailangan daw ako don dahil may additional para sa project.

"Tol!!" napalingon ako nang may tumawag sa akin, nagaabang na kasi ako ng jeep dito sa tapat ng school.

Ui, Hailey!!" nginitian ko siya pero ang loka, ginulo nanaman ang buhok ko!

"Uii!! Gagi ka! May meeting pa ako!!" sinumangutan ko siya habang inaayos ko yung buhok ko pero binelatan lang ako!!

"Grabe namang irap yan! Papunta na sa ulap!" Ang goodvibes talaga nitong babaeng to, pero minsan medyo nakakailang dahil meron mga di maiiwasang tignan kami.

"Grabe fans mo tol, makairap eh!" biro niya sa akin, nilibre pa ako ng dirty ice cream habang naghihintay kami ng jeep.

"Jeep ka ngayon, Hale?" tanong ko sakanya, kanina pa rin kasi siya nakatayo dito.

"Hindi, bagong bigay allowance" kasing cool niya yung ice cream na kinakain namin.

"Adik ka! Tumawag ka na ng grab!" Minsan di ko rin maintindihan tong babaeng to eh, actually minsan parang di siya babae dahil kung saan saan nagpupunta!

"Uii, Vhong.. may chika ako sayo!" ngayon naman ay para siyang chismosang kapitbahay kung makabulong.

"Alam mo ba.. usap usapan ka sa building namin" lumapit pa talaga siya sa akin, kala mo totoong totoo eh!

"Nyenye tol, wag ka nga!" lumayo ako ng bahagya sakanya, para kasing tanga!

"Sira! Di ako nagbibiro! Narinig ko sa c.r! Yung isa pa nga hinahanap ka sa facebook, tawang tawa nga ako kasi di ka daw nila mahanap! Kakaiba rin kasi pangalan mo dun eh! Dindin?! San galing yon?!"

"Lul, Ferdinand kasi.. kaya Dindin!" Pati nickname ko pinakikielamanan nitong babaeng to

"Ewan ko sayo, dami mong alam! Basta ako binabalaan kita ha! Napakaraming hitad sa F.A, magiingat ka! Medyo pogi ka pa naman!" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumawa siya ng malakas, napatingin tuloy sa amin yung mga ibang nagaabang.

"Sus, ala naman silang mapapala sa akin" pero nakita ko nanaman ang pagikot ng mata niya haha!

"Hay nako, ayan nanaman ang patron ng mga pa-humble! O siya! Oo na.. sige na tol, uwi na ko.. ingat ka!" Nagpaalam na siya sa akin nung dumating na yung grab na binook niya.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now