Chapter 01

57.3K 997 115
                                    

"UNANG subject pa lang natin dito sa school pero bakit mukhang inaantok ka?" taas kilay na sita ni Lai sa kanya.

Speaking, napahikab tuloy si Anria. "Napuyat lang ako kagabi."

"At bakit?" usyuso ni Miyuki na lumingon pa sa kanya. Nakaupo ito sa unahan nila ni Lai.

"May ginawa lang ako." Binuklat-buklat niya ang notebook kahit na wala naman talaga roon ang kanyang atensiyon.

Mag-uusisa pa sana si Miyuki ng dumating na ang subject teacher nila. Hindi niya alam pero wala siya sa mood ng mga sandaling iyon. Tamad na tamad pa ang pakiramdam niya.

Sinulyapan niya si Miss Monique Dequina, ang subject teacher nila sa English. Hanga rin talaga siya rito dahil wala itong pagod sa pagsasalita sa unahan ng classroom. Kung siya ay kukuha ng kurso sa susunod na taon ay siguradong hindi ang Education ang kukunin niya. Ayaw niya iyong salita siya ng salita tapos ang mga estudayante naman ay hindi nakikinig sa kanya.

Napatingin tuloy siya kay Waynard na mukhang wala sa sinasabi ni Miss Dequina ang atensiyon kahit na nakatingin ito sa unahan. Napapailing tuloy na tumingin uli siya sa guro.

Isang buong school year na lang naman ang bubunuin niya. Pagkatapos niyon ay babalik na siya sa daddy at mommy niya na nasa Europe ngayon. Stay for good na ang mga ito sa London dahil naroon ang kabuhayan ng daddy niya, na namana pa nito sa lolo nito, ang ikta-iktaryang lupain na taniman ng ubas at pagawaan ng wine. Kasosyo ng ama niya sa trabaho ang kanyang Tito Philip, kapatid nito.

Kahit na nasa London ang kabuhayan ng magulang niya ay mas gusto pa rin niyang manatili rito sa Pilipinas kasama ng kanyang Lolo Ernesto at Lola Bebang sa mother side. Mas feel at home siya sa Pinas kaysa sa London. Hindi niya alam kung bakit. Kahit naman ang pinsan niya na si Darwin James Amelardo mas gusto pa rito sa Pinas manirahan kaysa ang sumunod sa Daddy Philip nito. Kaya nga hanga siya sa pinsan dahil nagawa nito ang gusto nito na makapag-stay sa bansa. Hindi niya katulad na hindi nanalo sa mga magulang niya. Napagbigyan na raw ng mga ito ang kagustuhan niyang mag High School sa Pilipinas, that's enough. Pahirapan pa nga bago pumayag ang mga magulang niya na mag-aaral siya sa Pilipinas ng high school. Against ang mga ito sa kagustuhan niya. Ngunit dahil sobrang mapilit siya kaya wala ring nagawa ang mga ito.

She's an only child, eighteen years old. Unica hija ng mga magulang niya. At dahil only child kaya gusto na rin siyang makasama ng mga ito kaya wala na rin siyang magawa kundi ang magpatalo sa desisyon ng mga ito. Kaya pagkatapos niya sa Senior High School ay babalik na rin siya sa London.

Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng dalawa niyang kaibigan. Kaya nga gusto ng mga ito na masulit ang oras at araw na magkakasama pa sila dahil tiyak daw na mami-miss siya ng mga ito. Kahit naman siya ay mami-miss din ang dalawa.
Kahit na mas kikay pa ang dalawa sa kanya ay hindi siya nakisabay. She's fine and too comfortable being a simple girl. Kahit nga ang maglagay ng kolorete sa mukha ay hindi niya ginagawa. Ang pinapadala ng mommy niya na mga imported na makeup at damit ay ang mga ito lang ang nakikinabang. At ang dalawa lang din na ito ang nakakaalam kung ano ba ang estado niya sa buhay. Hindi naman kasi niya ipinangangalandakan na sobrang yaman ng pamilya niya at heredera siya nina Concio Amelardo at Delia Amelardo. Kaya na nga nilang bilhin kahit buong school.

Ang tanging alam lang ng mga nakakakilala sa kanya ay tanging ang lolo at lola lang niya ang nag-aaruga sa kanya.

"Uy, Anria," untag ni Lai sa kanyang pananahimik. "Ang layo na naman ng narating ng utak mo."

Napabuntong-hininga siya. "'Wag mo na akong pansinsin, Lai."

Humirit pa si Miyuki. "Know what?"
Umiling siya. Kahit na nakikipag-tsismisan ito ay nasa unahan pa rin ang atensiyon nila.

"Si Sanji," kinikilig pa nitong sambit sa pangalan ng lalaki. The most popular guy on their campus. Paano ba namang hindi? Bukod sa mayamang pamilya ang pinanggalingan ni Sanji Marquez ay ubod pa ng guwapo. Sinalo na nga yata nito ang lahat ng biyaya ng Diyos ng magsaboy ito mula sa kalangitan.

Si Sanji Marquez ang lalaking hindi mo iisipin na puwede palang mag-exist sa mundo. At ito rin ang lalaking iniiwasan niyang makaharap.

Hindi naman sa ayaw niya rito ng sobra, ayaw lang niya sa mga lalaking agaw pansin sa lahat ng babae. Pakiramdam niya ay masyado rin itong perpekto. Nakakasilaw ang kaguwapuhan. Hindi ito iyong tipo na palangiti. He's a snob type. Kaya nagtataka siya na sa kabila ng pagiging snob-ero nito ay pinagkakaguluhan pa rin ito. Ang best buds lang nito na si Andrei Samaniego ang palagi nitong kasama at kinakausap. Hindi naman bading si Sanji. Wala lang yata itong type na babae sa Mary Academy. Still, sobrang dami ang nagpapantasya rito. At ni minsan ay hindi siya nakisabay sa mga iyon.

"Oh, ano'ng bago?"

"Ang guwapo niya. Nakita ko siya kanina," impit nitong anas.

Napasimangot tuloy siya. Kailan ba kasi papangit ang lalaki na iyon? Pati tuloy mga kaibigan niya ay baliw na baliw rito.

"Puwede ba, Lai, manahimik ka na lang muna kasi lagi mo na lang subject ang Sanji mo."

Nag-peace sign ito. "Okay, tatahimik na po."
Mas hate pa niya ang subject tungkol kay Sanji Marquez kaysa sa Math. Bukang bibig na kasi ito ng lahat, nakakairita na sa tainga. Imbes na mag-aral sa school ay mukhang si Sanji lang ang dahilan ng mga babae kaya pumapasok. Hindi raw kasi buo ang araw ng mga ito kapag hindi nasilayan si Sanji.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now