Chapter 24

9.3K 388 23
                                    

DAHIL magastos ang cosplay kaya sinabi niya sa kanyang ina na kasali siya sa ganoong event. Luluwas siya ng Maynila upang maghanap ng isusuot sa naturang event sa kanilang school.

"Hmmm. Sino ba ang character na gusto mong i-portray?" Her mother ask.

"Si Sakura po."

"Okay. Mag-ingat ka pagpunta mo sa Manila, ha? Magsama ka ng kaibigan mo para hindi ka solo," bilin pa nito.

"Sige po."

"Okay. Mag-iingat ka palagi. Magpapadala rin ako ng perang panggastos sa account mo. I love you, baby."

"I love you too, Mommy. Thank you po. Regards po kay Daddy."

Napangiti siya matapos makausap ang ina. Nakaramdam siya ng excitement sa nalalapit na pagpunta niya sa Maynila. Napalis lang ang ngiti niya ng muling tumunog ang kanyang cellphone. Number lang ang naka-register sa screen ng cellphone niya.

"Hello?" Sagot niya sa unknown caller.

"Anria."

Napalunok siya ng marinig ang tinig na iyon. That sexy voice. "Sanji?" Puso kalma!

Bahagya itong tumawa sa kabilang linya. "Hindi ka man lang nagdalawang isip kung sino ako, ha?"

Is he teasing her? Tumikhim siya para palisin ang bikig sa lalamunan. "Ikaw lang naman ang alam ko na may ganyang boses. Napatawag ka?" Kaswal niyang tanong.

"Mom invited you for dinner this coming Saturday. Sa hacienda."

"Ha?" Siya iniimbitahan? Nakakataba naman ng puso. Wrong timing lang dahil hindi siya puwede ng araw na iyon. "Salamat sa invitation. Pero hindi ako makakarating. I'm sorry."

Matagal bago ito muling nagsalita. "It's just a dinner, Anria," mariin nitong saad.

"Alam ko." Paano ba niya rito ipapaliwanag? Ayaw naman niyang sabihin na pupunta siya ng Maynila. Ni wala nga itong ideya sa pagsali niya sa cosplay. "Puwedeng next week?"

"No."

"Hindi kasi talaga ako puwede. May pupuntahan kaming importante ng Lolo at Lola ko. Kaya pakisabi na lang iyon sa Mommy mo. Okay lang naman sa akin na mag-dinner diyan pero hindi this week."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Sanji. "Okay. Sasabihin ko na lang kay Mommy."

"Sorry, Sanji."

"Bye."

Natitigan niya ang cellphone ng mawala na sa kabilang linya si Sanji. Napabuntong-hininga siya bago s-in-ave ang number nito sa kanyang cellphone. Hindi katulad noon na d-in-elete niya iyong number nito ng tawagan siya nito.


HUMINGA ng sobrang lalim si Anria ng makita ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Kung hindi siya gagalaw ay mapagkakamalan talaga siyang manika. A Japanese anime doll.

"Whoa! Grabe, Anria, ang ganda ng transformation mo. For sure panalo ka na sa cosplay event na 'yon." Nag-thumbs up pa si Lai sa kanya. "Cardcaptor Sakura. Oh, my freaking Sanji! Ang perfect mo."

"Correct! I can't believe this na magagawa mong gumanda ng ganyan kaganda. Mapagkakamalan ka ng lahat na maniquin."

"Tumigil na nga kayong dalawa," saway niya sa dalawang kaibigan na walang tigil sa papuri sa kanya. Napangiti siya. Ang ganda niya masyado. "Makikilala kaya nila ako?" Nag-aral din siya ng tamang pag-a-apply ng make-up sa mukha bago ang event na iyon.

"For sure hindi," sagot ni Miyuki. "Lalo na at sa mismong event pa lang malalaman kung sino-sino kayong mga kasali. I'm so excited!" Niyakap pa siya nito.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now