Chapter 06

13.3K 500 8
                                    

KAHIT NA gustuhin ni Sanji na sumakay sa kabayo niyang si Far Away, isang stallion horse na regalo pa sa kanya ng kanyang amang si Alfredo Marquez na nabili pa nito sa UAE, ay hindi naman niya magawa. He's too weak para magawa ang gusto. Hindi pa siya ganoon kagaling at kanormal kagaya ng dati.

Nasipa niya ang bato na nasa daan. If not because of her clumsiness malamang na normal ang takbo ng buhay niya ngayon.

"Walking disaster talaga," inis pa niyang sabi.

"Señorito Sanji, ipapasok ko na po ulit sa stable si Far Away," anang tauhan nila na siyang nag-aalaga sa kabayo niya.

"Sige po, Mang Gaspar."

Isang sulyap pa sa alagang kabayo bago iyon iginiya ni Mang Gaspar papasok ng kuwadra.

Kahit na minsan nakakainip din sa hacienda wala naman siyang choice kun'di ang manatili roon. Bukod sa malayo sa mga babaeng makita lang siya ay halos mahimatay na, mas peaceful pa rin sa lugar na iyon.

They own the Hacienda Marquez na minamanage ng mga magulang niya. Ikta-iktarya ang kanilang lupain na natataniman ng mga punong mangga, saging, niyog, palay at kung ano-ano pa na ini-export nila sa ibang bansa. May mga alaga rin silang hayop. Soon ay siya naman ang magpapatakbo kapag naka graduate na siya. Which is hinihintay niyang mangyari. Marami siyang plano para sa hacienda.

Napangiti siya. Mas pipiliin niyang manatili dito kaysa sa City.

"Sanji!"

Nalingunan niya si Andrei. "Naligaw ka," aniya ng makalapit ito.

Tumawa ito. "Mukhang nakalimutan mo na ngayon ko ihahatid 'yung PA mo?"

Ilang sandali rin siyang natahimik bago nagawang magsalita. "'Di ba, sabi ko na hindi ko kailangan ng kung sino man?"

Tinapik nito ang kanyang balikat. "Relax. And please lang Sanji hindi naman ito forever. Dalawang linggo lang siyang magtitiis sa iyo at dito sa hacienda ninyo. At katulad mo wala rin naman siyang choice. Dahil kung hindi mo siya pakikisamahan puwede siyang ma-expel sa school kung hindi niya magagawa ang task niya sa iyo. Kaya ikaw ang bahala. Kasalanan mo kapag hindi siya naka-graduate." Pananakot pa nito.

Sumasakit lang lalo ang ulo niya. Hindi na nga niya magawa ang gusto magkakaroon pa ng panibagong sakit ang ulo niya.

"Nasaan siya?"

Ngumiti si Andrei. "Naghihintay sa mansiyon niyo."

Walang imik na nagpatiuna siya sa paglalakad. Aminado siya na nasira na ang mood niya kaya naman ang isa nilang tauhan na babatiin sana siya ay itinikom na lang ang bibig. Ang dilim kasi ng aura niya. Maging ito ay natakot.

Pagpasok sa entrace door ay tuloy-tuloy lang siya sa paglakad sa may foyer. Hanggang sa marating niya ang living room kung saan naroon at komportableng nakaupo sa paborito niyang couch ang magiging PA niya. Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya kaya kinailangan pa niyang tumikhim para mapansin nito ang presensiya niya.

"Nandito na siya," ani Andrei na nilapitan ang babaeng nakaupo.

Pamilyar sa kanya ang pigura ng naturang babae. Nang tumayo ito at harapin siya ay ganoon na lang ang pagpigil niyang huminga.

PINAGMASDAN ni Anria ang bag na kinalalagyan ng kanyang mga gamit. Katulad nga ng sinabi ng adviser ni Sanji na wala siyang karapatan para tumanggi. Kaya heto siya ngayon at walang ibang pagpipilian kundi ang magpakaalila kay Sanji. Hiling lang niya na hindi ito matuluyan ng dahil na naman sa kanya. Sinabi rin niya sa lolo at lola niya ang nangyari kaya pinayagan siya ng mga ito sa pakiusap na iyon ng adviser ni Sanji. Sinabi rin niya na gusto rin niyang bumawi dahil sa nangyaring aksidente kung saan siya ang may kasalanan.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now