Chapter 17

9.4K 410 19
                                    

MAY ilang taon na rin simula ng masilayan ni Anria ang babaeng nakikita niya ngayon sa harap ng salamin. Kahit simple lang ang makeup na inilapat niya sa kanyang mukha ay hindi pa rin niyon maitatago ang ganda niya. Sa totoo lang ay ayaw niyang nakikita ang mukha ng babae sa salamin. Dahil ito ang Anria na lumaki na may gintong kutsara sa bibig. Ang babaeng pilit niyang itinatago sa kanyang katauhan.

Nang matapos ayusan ang sarili ay tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo sa may harap ng salamin. Pinagmasdan niya ang suot na dress na kasyang-kasya sa kanya. Umabot ang haba niyon hanggang sa may tuhod niya. Maging ang kulay itim na high heeled shoes ay tama lang para sa paa niya.

Nakarinig siya ng ilang katok sa pinto kaya napatingin siya sa wall clock na naroon. Past seven na. It must be Sanji. Huminga muna siya ng malalim bago ipinasyang lumapit sa may pintuan. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan at sumilip doon. Nakita niya si Sanji ngunit nakatalikod ito wearing his black tuxido.

Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Saka lang humarap si Sanji sa kanya. Ayaw niyang maging assuming pero 'yung hitsura kasi nito daig pa ang naengkanto ng makita ang kabuuan niya. Kahit naman siya ay medyo natulala rin dito dahil mukha ito ngayong prince charming. As in for real.

Nang makabawi si Sanji ay mabilis itong tumikhim. "Tara na?"

"O-Okay," tipid niyang sagot. Hahakbang na sana siya ng bigla namang ilahad ni Sanji ang kamay sa harapan niya. Napatitig tuloy siya roon. Ang awkward kung hahawak pa siya rito kaya medyo tinabig niya ang kamay nito. "Hindi na kailangan. Kaya ko namang maglakad."

"Ang taas ng suot mong heels baka mamaya gumulong ka pa pagbaba ng hagdan," anito na kinuha ang kamay niya at inilagay sa braso nito bago siya iginiya papunta sa may hagdanan.

Kahit higitin niya ang kamay ay hindi naman nito hinayaang mabawi niya. "Kaya kong maglakad na hindi gumugulong sa hagdan niyo," mariin niyang sabi.

"Just shut up, Anria."

"Ikaw ang mag-tigil. Akin na ang kamay ko."

Ngunit hindi na siya nito pinansin pa. And one of the most worst thing na nangyari sa kanya ay nang pagtinginan sila ng mga tao pagbaba nila sa grand staircase. May ilang photographer na walang tigil sa pagkuha sa kanila ng larawan. Napapayuko tuloy siya.

"N-No way," kanda utal na bulalas ni Ajani ng makita silang dalawa ni Sanji lalo na siya na agaw atensiyon din sa eleganteng kasuotan.

"What a cute couple."

Hindi kalayuan naman ay napapangiti pa ang mag-asawang Hinari at Alfredo Marquez habang nakatanaw sa kanila.

"Hindi ko alam na may nobya na ang anak niyo," sabi pa ng isang amiga ni Señora Hinari.

Ngumiti lang ang ina ni Sanji.

Kaunti na lang at matutunaw na si Anria sa atensiyong nakukuha. Kaliwa't kanan ang bulungan tungkol sa kanya.

"Relax. Hindi ka naman kakainin ng mga tao," bulong pa ni Sanji sa kanya ng makita ang pagkailang sa maganda niyang mukha.

Sasagutin sana niya ito ngunit siya namang lapit ni Ajani sa kanila para lang punahin siya.

"Oh, well, nagmukha kang tao ngayon. Effort much, huh?" Hindi nito hinintay na magsalita si Anria at mabilis na binalingan si Sanji. "Ang guwapo mo talaga kahit kailan."

"Matagal ko ng alam," malamig na tugon ni Sanji bago siya hinila papunta sa dereksiyon ng mga magulang nito.

Again and again lalong hindi maipinta ang todo effort sa pagpapagandang si Ajani. Masama mang maituturing ng Diyos ngunit hindi niya napigilang pagtawanan ito sa kanyang isip.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now