Chapter 32

8.7K 342 34
                                    

NAHUMINDIG si Anria ng basta na lang may nanabunot sa kanyang buhok ng papasok na siya sa kanilang classroom ng umagang iyon.

"Napakalandi mo talaga. Sinasabi ko na nga ba, eh. Nilalandi mo si Sanji!"

Sinubukan niyang itulak ang babaeng iyon ngunit ang higpit ng pagkakahila nito sa buhok niya.

"B-Bitiwan mo ako."

"Walang hiya ka talaga."

"Bitiwan mo si Anria!" Mabilis na hinila ni Waynard ang babaeng galit na galit kay Anria.

"'Wag kang makialam!" asik pa nito kay Waynard. "Ikaw," duro pa nito sa kanya. "Malandi ka!"

"Leave her alone kung ayaw mong i-report kita mismo sa principal," banta dito ni Waynard.

"May araw ka rin sa akin," anang babae bago umalis.

May pag-aalalang nilapitan siya ni Waynard. "Okay ka lang?"

Tumango siya. Kung hindi ito dumating baka naubos na ang buhok niya. "Salamat," aniya na hindi ito tinitingnan bago pumasok sa kanilang room. Hindi niya pinansin ang mga matang nakasunod sa kanya.

"Ang landi kasi."

Nagpatuloy ang bulong-bulungan at hayagang pagpaparinig sa kanya tungkol sa nangyari last Friday. Mas marami ang hindi naka-move on. Maging ang dalawa niyang kaibigan ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Inagaw mo sa akin si Sanji?" Mapait na tanong ni Miyuki na nakatikim ng batok kay Lai.

"Ang OA."

"'Wag ka ngang epal, Lai. Sinusubukan ko lang naman. So," baling muli ni Miyuki kay Anria. "Totoo pala talaga 'yung kumakalat na balita na hinalikan ka ni Sanji? Gosh, siya pa talaga 'yung humalik?"

Nagtaka siya sa reaction ng dalawang kaibigan. Hindi kasing lala noong kumalat ang balita na aksidenteng napahalik si Flory Jane kay Sanji.

"At saka bakit niya ginawa 'yon? Kayo na ba? Umamin ka nga. Tapos last week sabay kayong mag-lunch. May something ba sa inyong dalawa ni Sanji na hindi namin alam?" Kastigo ni Lai.

Umiling siya. "Hindi kami. H-Hindi ko rin alam kung bakit niya iyon ginawa." Kaila niya.

Mayamaya ay nangislap ang mga mata ni Miyuki. "Gosh, ano'ng feeling? Masarap ba?" Napakagat labi pa ito.

Napaubo siya sa klase ng tanong ng kaibigan. "Kailangan talaga itanong ninyo 'yan? Saka, bakit hindi kayo nagagalit sa akin?"

Ngumiti si Lai. "Bakit naman kami magagalit sa iyo? Ano ka ba? Okay lang sa amin basta 'wag sa maaarteng tulad ni Flory Jane. Hindi kami bitter. Ahm, slight lang." Tumawa ito.

"Pero grabe 'yung nanabunot sa iyo kanina, ha. Pasalamat siya at wala kami sa eksena dahil kung hindi baka umuwi siyang duguan. Bakit kasi ayaw mong ituro sa amin?" ani Miyuki na pinagkiskis pa ang mga palad.

"Bitter iyon kasi si Sanji mismo ang humalik sa iyo. Oh, my God, siguro tinamaan na 'yon sa iyo. Sayang lang kasi umuwi agad kami noong Friday. Hindi tuloy namin nasaksihan ni Miyuki ang live show ninyo ni Sanji. Nakuhanan ko sana ng video."

Ang awkward pag-usapan ng pangyayaring iyon kaya minabuti na lang niya na ayain ang mga ito sa Patty Burger para mag-snack.

Nang makabalik sa kanilang classroom ay sakto namang umi-ere ang student confession.

"OMG! We have a live confession on air," kinikilig na wika ng babaeng VJ. "Kahit isang oras ka pang mag-confess, feel free. Basta pa-selfie sa iyo." Tumili ito. Marahil ay pumayag ang magla-live confession. "Okay, the air is yours."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now