Chapter 22

10.1K 437 79
                                    

AUTOMATIC ang paghinto ni Anria sa paglalakad ng makilala ang magarang kotse na naka-park ngayon sa harap ng kanilang school.

"Oh, no," bulalas niya ng bumaba sa kotse ang kanyang pinsan na si Darwin James Amelardo.

Looking so hot and gorgeous kaya lahat ng nasa labas ng school ay napapatingin dito. Eye catcher din kasi ang pinsan niyang ito lalo na ng tanggalin nito ang suot na dark shades sa mata. May narinig pa siyang impit na tilian na hindi na niya pinagkaabalahan pang tingnan.

"Long time no see," nakangiti pa nitong sabi at ng tuluyang makalapit sa kanya ay niyakap pa siya.

Si Sanji naman na kalalabas lang sa gate ng school sakay ng kotse nitong Lamborghini ay napahinto pa sa naabutang eksena.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Kandautal niyang tanong. Hindi ito puwedeng makita ng kahit na sino. O kahit ang malaman na pinsan niya ito dahil ayaw niyang kumalat na mayaman siyang tao. She hate the idea kaya humiwalay siya rito.

"Gusto ng mga magulang mo na bisitahin kita kung okay ka ba rito."

"Okay lang ako. Sana sa bahay mo na lang ako hinintay." Pasimple pa niyang inilibot ang paningin para lang matigilan ng makita si Sanji na nakatingin sa direksiyon nila ni Darwin James. Binalingan niya ang pinsan. "Mauna ka na kaya sa bahay?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Sabay na tayo."

Paano ba niya rito ipapaliwanag na hindi maaari? Sigurado siya na mapapagalitan lang siya nito kapag nalaman nito ang dahilan. Na itinatago niya ang pagkatao niya.

"Mauna ka na."

"Para kang sira Anria. Iisa lang naman 'yung way natin pauwi sa bahay ng Lolo't Lola mo tapos ayaw mo pang sumabay?"

"K-Kasi—"

"Don't tell me you hide something? Boyfriend perhaps? Oh, common ayaw pa nina Tita na makipag-boyfriend ka. Lalo na kung dito sa Pilipinas."

Alam naman niya ang bagay na iyon at isa pa ay wala pa iyon sa kanyang isipan. Ang OA talaga nito minsan.

Iimik sana siya ang kaso bigla namang huminto sa tapat nila ang kotse ni Sanji. Bumaba ito at naglakad palapit sa kanila. Looking so serious habang nakatingin sa pinsan niya.

"Sino siya?" Tanong pa ni Sanji sa kanya habang ang tingin naman ay nasa pinsan niya.

Bakit ba wrong timing umeksena si Sanji? Kung makapagtanong pa ito animo boyfriend niya. Pambihira.

"Same here. Sino ka rin?" Ganting tanong ni Darwin James kay Sanji.

Medyo naalarma siya dahil sa klase ng titigan ng dalawa. Animo may kuryenteng nanunulay roon. Bahagya niyang hinila si DJ palayo kay Sanji.

Hindi sinagot ni Sanji ang balik tanong ni DJ sa halip ay tiningnan siya. Naghihintay na sagutin niya ang tanong nito. Lihim siyang napalunok.

"Siya ay aking—"

"Her fiancé," agaw ni DJ sa kanyang sasabihin. "So back off. Let's go, Anria." DJ grab her arm pagkuwan ay hinila na siya palapit sa kotse nito.

Sa sinabing iyon ng kanyang pinsan ay halos hindi niya magawang lingunin man lang kung ano'ng naging reaksiyon ni Sanji sa sinabi nito.

Pagkasakay ni DJ sa kotse ay agad nito iyong pinasibad at ng medyo makalayo na ay bumunghalit na ito ng tawa.

"Men! He really looked mad when I said I'm your fiancé," tumatawa nitong sabi.

"Baliw ka talaga," naiiling niyang sabi.

"Boyfriend mo ba iyon?"

Puwebe ba siyang tumawa sa sinabi nito? Napaka-ususero talaga nito.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon