Chapter 09

10.1K 407 22
                                    

MAY kalayuan nga ang tinutukoy na lugar ni Sanji. Ilang taniman din kasi ang dinaanan nila para marating ang farm ng mga hayop. Sa bahaging iyon ng hacienda ay may ilang kumpol ng kabahayan na yari sa pawid at kawayan. Mga tauhan din ng hacienda ang mga nakatira roon na siyang nangangalaga sa mga hayop.

Maayos naman silang nakarating sa lugar. Ang mga tuhod naman niya ay halos nanginginig pa ng makatapak sa lupa kaya naman muntikan pa siyang mapasubsob sa lupa kung hindi siya naagapan ni Sanji.

"Relax, dahil buhay ka pa," he even smirk.

Inis na inirapan niya ito bago dumistansiya rito. May nilapitan itong matanda. Dahil medyo nainis dito kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan. Panaka-naka niyang sinusulyapan si Sanji habang seryosong nakikipag-usap sa matanda.

“Mukhang may nakapasok na ibang hayop sa kulungan dahil ngayon lang ito nangyari, Señorito. Kaya kahit ang mga bata rito sa amin ay hindi basta-basta pinapalayo kahit araw at baka nasa paligid lang iyon,” paliwanag ng matanda.

“Ano’ng hayop naman ang puwedeng gumawa ng ganoon sa mga manok?" Clueless ding tanong ni Sanji.

“Siguro ahas?" Bulalas niya kaya napatingin sa kanya ang lahat. Pati mga batang naglalaro ng chinese garter at habulan ay napatingin sa kanya. Si Sanji senenyasan na lumapit siya rito. Umiling siya. Suggestion lang naman ‘yung sa kanya.

Lumapit na lang siya sa mga batang naglalaro ng chinese garter. Noong bata pa siya ay hindi niya halos na-enjoy ang larong iyon dahil na rin lumaki siya sa poder ng mga magulang sa London. Wala naman siyang makalaro ng ganoon doon kaya kapag nagbabakasyon lang sila sa Pilipinas saka lang siya nakakapaglaro.

“Hello,” magiliw pa niyang bati sa mga bata na edad walo siguro. Tatlong babae ang mga iyon.

‘Yung tatlong bata ay mga nagsilapitan sa isa’t isa at nagbulungan pa.

“Baka asawa ni Señorito kasi nakaangkas din siya kay Far Away.”

Asawa? Saan naman galing iyon? Mga bata talaga. Naiiling tuloy siya sa isip niya. Nginitian niya ang mga ito at medyo tumungo pa.

“Anria ang pangalan ko. Alalay ni Señorito Sanji,” pakilala niya sa sarili.

“Alalay?” Tanong ng isa.

Tumango siya. “Oo. Parang katulong ganoon. Hindi nga lang ako naglilinis ng mansiyon. Binabantayan ko lang si Señorito Sanji.”

Lumabi ang may maikling buhok na batang babae. “Eh, ang ganda mo naman po yata para maging alalay ni Señorito Sanji? Sigurado po ba kayo na alalay lang kayo?”

“Oo nga po tama si Ivonney masyado po kayong maganda para maging alalay. Kasi po nakapunta na ako sa mansiyon at hindi naman magaganda ang katulong doon,” segunda ng batang may hawak sa lastiko.

Naniniwala na talaga siya na hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Sa isip ay napatawa siya. “Kayo talaga,” sabi na lang niya.

“Pero, Ate Anria, sigurado po ba kayo na hindi kayo asawa ni Señorito Sanji?” Hirit pa ng isa na tatahi-tahimik lang kanina.

Umiling siya. “Hindi.”

Nakahinga ito ng maluwag. “Hay. Buti naman po at may pag-asa pa ako kay Señorito Sanji.”

Natawa siya sa sinabi ng bata. “’Wag kang mag-alala hindi kita aagawan ng magiging asawa mo.” Ginulo pa niya ang buhok ng bata.

“Feeling kasi ni Andrea siya po si Cinderella at si Señorito Sanji ang prince charming niya.”

“’Wag ka ngang maingay, Mary Jhoy,” saway rito ni Andrea. “Baka marinig ni Señorito Sanji.”

“Anria!”

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now