Chapter 13

9.6K 416 29
                                    

NANG MULING bumalik ang malay ni Anria ay bigla na lang siyang napabangon ng maalala ang ahas.

May mga kamay na bigla na lang humawak sa kanyang mga balikat para muli siyang ihiga sa papag. Si Sanji ang nakita niya pagbaling niya ng kanyang mukha sa kanan niya.

"Everything is alright now. 'Yung python na nakita mo napatay na ng mga tauhan ni Daddy. Kaya kumalma ka na."

Nayakap niya ang sarili. Hanggang ngayon ay pinanginginigan pa rin siya ng katawan maalala lang ang malaking ahas na iyon.

"'Y-Yung ahas ang pumatay at kumain sa mga manok," nanginginig pa niyang sabi.

Umupo si Sanji sa gilid ng papag at mataman siyang tinitigan. "Tama ka. 'Yung ahas nga. Be thankful dahil hindi ka napahamak. That's too close, Anria."

Hindi guni-guni lang ang nakikitang concern ni Anria sa mukha ni Sanji. Nag-alala talaga ito sa kanya. Muli na naman tuloy nag-iinit ang bawat sulok ng kanyang mga mata.

"Salamat dumating ka kanina. Hindi ko na talaga alam 'yung gagawin ko. Ang mga paa ko hindi ko maigalaw sa kinatatayuan ko parang naka-glue na sa semento sa sobrang takot. T-Tapos pakiramdam ko kapag isang maling galaw ko lang susunggaban din ako noong ahas."

Sanji sigh. "Bakit ka kasi pumunta pa roon?"

"Pinagagalitan mo ba ako?" aniya kahit na wala naman iyon sa tono ng boses ni Sanji.

"Hindi sa ganoon. I'm just asking. Nang maalimpungatan ako kanina, hindi na rin naman ako nakatulog kaya bumangon na ako. Sabi ni Inang Rodora lumabas ka nga raw. Then, Ka Abo, told me na may bakas ng dinaanan ng ahas papunta sa kuwadra ng mga baka galing sa kulungan ng mga manok kaya pumunta ako sa kuwadra ng mga baka."

Napapikit siya ng mariin ng maalala na naman ang ahas. Sa tuwina'y para siyang binabangungot dahil sa alalahaning iyon. Kahit sino ay tiyak na matatakot.

Napamulat lang ng mga mata si Anria ng maramdaman ang mainit na palad na dumadampi sa mukha niya. Sanji wipe her tears away without any hesitation.

"So alin ang mas nakakatakot? 'Yung ahas o 'yung higad?" Tanong pa nito na may nakakalokong ngiti sa sulok ng mga labi.

Tinabig niya ang kamay nito dahil sa klase ng tanong nito. Umupo na rin siya. Ngayon ay magkaharap na sila. "Parehas. Kahit na maliit 'yung higad ay hindi pa rin mawawala 'yung takot ko roon."

"Sabagay. Kung makatili ka kasi sa higad ay parang wala ng bukas. Habang doon sa python kanina ay ni hindi ka makagalaw."

"Nagsalita ang bigla na lang namutla kanina ng makita 'yung ahas," pasaring niya.

"Nabigla lang ako. Unlike you ni hindi nga makagalaw sa kinatatayuan mo."

"Sanji Marquez, 'wag mo akong simulan sa kagaganyan mo. Magyayabang ka na naman."

"Masyado ka kasing layas kaya kung ano-ano'ng nangyayari sa iyo. Ano naman kaya sa susunod? Siguraduhin mo lang na hindi mo ako idadamay."

"Ang dami mong alam." Bumaba na siya sa papag matapos palisin sa mata ang bakas ng luha. Kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam niya. Pero hindi pa rin maiaalis na muntikan na siya kanina sa kapahamakan dahil sa ahas na iyon.

"After lunch ay babalik na tayo sa bahay," ani Sanji na nakasunod sa kanyang paglabas sa silid.

Tumango siya. "Sige."

Nagpatiuna na si Sanji sa paglabas sa bahay nina Ka Abo. Nakasunod lang siya rito. As usual mga naglalaro na naman ang mga bata sa damuhan. 'Yung tipong balik na uli sa normal ang lahat dahil naayos na ang problema sa lugar na iyon.

Humarap si Sanji sa kanya kaya napaatras siya ng bahagya. Napatitig tuloy siya rito. This guy na sobrang snob sa school. 'Yung lalaking akala niya bukod sa pagiging perfect outside at pagiging famous sa lahat ng babae ay hindi niya makikitaan ng emosyon dahil sa pinapakita nitong image sa lahat, a snob type. Pero darating din pala 'yung time na makikita niya ito na magkaroon ng reaksiyon sa lahat ng bagay. Na marunong din pala itong mag-alala para sa ibang tao.

"Gusto mo bang i-try ang boodle fight para sa lunch? Hey," pukaw nito sa pagkatulala niya.

She blink twice. "B-Boodle fight? Ano iyon?" Wala siyang ideya sa sina-suggest nito para sa tanghalian nila.

Ganoon na lang ang pagsasalubong ng mga kilay nito? "Hindi mo alam?"

Umiling siya. Wala talaga siyang ideya sa boodle fight na iyon. "Bull fighting lang ang alam ko."

Napapalatak pa ito. "Kakain sa dahon ng saging kasama ang ibang tao."

"Ah," iyon siguro iyong napapanood niya sa ilang Filipino movies kapag nasa hiking or picnic. Sound nice. Hindi pa rin niya iyon nasusubukan kaya sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango. "Sige. Gusto kong i-try."

Pagkatango nito ay nagpatuloy na rin si Sanji sa paglalakad. Nilapitan nito si Ka Abo at nag-usap ang mga ito. Siya naman ay nakontento na lang sa panonood sa mga batang abala sa paglalaro ng luksong tinik.

Masaya talagang maging bata. Kahit ilang beses lang siyang nakasubok maglaro ng ganoong laro masaya pa rin siya at naranasan niya ang maging batang Pinoy kahit papaano.

"Hi, Ate Anria!" Kinawayan pa siya ni Andrea. Nagtatakbo pa ito palapit sa kanya, ganoon din ang dalawa nitong kalaro. "Nasabi mo po ba kay Señorito Sanji na ang guwapo niya?"

Nangingiting napailing siya. "Hindi pa. Pasensiya na nakalimutan ko kasi."

"Okay lang po. Mamaya mo na lang po sabihin," hirit pa nito.

Paano ba niya iyon sasabihin kay Sanji? Parang ang awkward masyado? Bahala na. Tumango siya. "Sige. Mamaya sasabihin ko sa kanya."

Tuwang-tuwa na naglaro na uli ang mga ito. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng mga bata. Napangiti tuloy siya.

Matapos nilang mananghalian ay bumalik na rin sila sa mansiyon sakay sa alagang kabayo ni Sanji.

Nauna itong bumaba sa kabayo para alalayan siya sa pagbaba niya. Iwinaksi rin niya sa isipan ang anumang nag-uumpisang maglaro sa kanyang isip against sa mga kinikilos ni Sanji kapag siya ang kasama. Hindi niya alam pero nag-uumpisa ng magbigay ng kahulugan ang kanyang munting isipan na hindi naman dapat.

"Sanji," tawag niya rito ng mauna itong maglakad. When he turned around, nagtatanong ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya "Ang guwapo mo—"

"Tss."

Sinimangutan niya ito. "Pinapasabi ng mga bata kina Ka Abo. Hindi ako."

"Oo na lang," anito na muling nagpatuloy sa paglalakad. May sumilay pang ngiti sa labi nito na hindi na nakita pa ni Anria.

At least tinupad pa rin niya ang pakiusap ng mga bata. Hindi na masama. Medyo nagpahuli siya sa pagpasok sa mansiyon kaya ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang babaeng bigla na lang yumakap kay Sanji. Speechless siya sa naabutang eksena.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now