Chapter 04

12.3K 489 19
                                    

"SINASABI ko na nga ba na napakalandi ng babae na iyan."

"Sabihin mo sa akin na hindi ito totoong nangyayari!"

Bago pa siya lamunin ng kahihiyan ay mabilis na siyang umalis sa ibabaw ni Sanji. Agad niya itong tinulungan na makaupo.

"O-Okay ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. "Magsalita ka." 'Yung mukha niya halos ilapit na niya sa mukha nito makita lang ang magiging reaksiyon nito. He's really in pain.

Pinilit nitong imulat ang mata sa kabila ng sakit na nararamdaman. Ito ang sumalo ng buong bigat niya at dumaus-us pa sila pababa sa tatlong baitang na hagdan kaya siguradong nasaktan ito.

"You're such a walking disaster." Mariin itong napapikit kasabay ng pagngiwit nito. "My back. Damn."

Kagat ang labi na nahawakan niya ang likod nito na ikinaiktad nito.

"'Wag mo munang hawakan."

Kung siya lang ay hindi talaga niya alam ang gagawin. Windang na windang ang isip niya dahil sa nangyari. Mabuti na lang at may dumating agad na nurse na nag-check kay Sanji. Isinakay agad ito sa ambulansiya at isinugod sa ospital.

Nang dahil na naman sa kanya ay nasa ospital na naman ito.

Nanlalambot na napasandal siya sa wall. Siya na lang ang naiwan sa fire exit dahil lahat ay nagsisunuran kay Sanji. "Sanji," halos anas niya sa pangalan nito.

Pagbalik niya sa room ay tulalang nakaupo lang siya sa kanyang silya.

"Anria, ano'ng nangyari?" Bungad agad sa kanya ni Lai.

"Kasalanan ko na naman," anas niya. Napayuko siya. Kaya ayaw niyang lumalapit kay Sanji.

Tinapik siya ni Miyuki sa kanyang balikat. "Hush. Aksidente ang nangyari. Pray na lang natin na maging okay din agad si Sanji. Ikaw okay ka lang ba?"

"Okay lang ako."

Sana nga maging okay din agad ito. Hindi pa ito nakaka-recover tapos napahamak na naman. Malas nga talaga siguro kung maglalapit sila. Kaya kung maaari ay dapat niya itong iwasan.

Malungkot na napatingin siya sa may bintana.

Lord, hindi niyo naman po siguro siya pababayaan. Kayo na po muna ang bahala sa kanya.

HABANG NAGHIHINTAY si Anria na medyo maubos ang sasakyan sa kalsada ay napatingin siya sa isang shop.

"Furtune teller and Shop," basa niya sa sign board na naroon. Out of curiosity kaya imbis na tumawid ay dinala siya roon ng kanyang mga paa. Never in her entire life na nagpahula siya. Mukhang bago lang iyon sa lugar na iyon sa kabayanan dahil bago iyon sa kanyang paningin.

Bigla ay parang gusto niyang subukang magpahula. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago hinila ang pinto pabukas. Medyo napakislot siya ng tumunog ang door chime na nakasabit sa may pintuan. Gusto sana niyang magback-out ng makitang walang tao sa loob. Ngunit agad din namang may lumabas na matandang babae na maraming kolorete sa katawan. Pati mukha ay todo makeup. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin pero sa huli ay pinili niyang ngumiti.

"Magandang hapon po," magalang niyang bati rito.

Walang kangiti-ngiti sa mukha ng tumango ito. "Magpapahula ka ba, hija?"

Atubili ang naging pagtango niya. "G-Gusto ko lang pong subukan. Ako nga po pala si Anria" Naroon na siya kaya hindi na puwedeng umurong.

"Esmeralda," matipid nitong banggit sa pangalan nito. "Sumunod ka rito sa loob."

Inilibot muna niya ang tingin sa loob ng shop na simple lang naman ang ayos at may ilang paninda, bago sumunod sa matandang manghuhula na hindi lalampas ang edad sa sesenta y singko anyos.

Medyo may kadiliman ang loob ng silid. Tanging mga kandila lang ang nagsisilbing ilaw na sapat na para makita ang paligid na hindi naman kalakihan. Sa gitna ay may pabilog na mesa at magkatapat na upuan na yari sa ratan. Naupo siya sa tapat ng matanda. Inaasahan niya na may bolang kristal ngunit wala niyon sa lamesa. Wala ring baraha na kalimitan niyang makita sa mga napapanood sa TV.

"Akin na ang dalawa mong palad."

Nagulat man sa muling pagsasalita ng matanda ay hindi niya iyon ipinahalata rito. Umupo siya ng tuwid bago inabot dito ang mga palad niya. Mainit ang kamay nito na humawak sa kamay niya.

Sinuri nito ang palad niya. "Paalis ka ng bansa," anito na sinulyapan siya bago muling itinuon ang tingin sa palad niya. "Wala ka ring nobyo, hija."

"W-Wala po."

"Mag-ingat ka. Dahil nakikita ko sa palad mo na magmamahal ka at kabalakid niyon ay ang sakit na dudurog sa puso mo."

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya at ang pananayo ng mga balahibo niya sa katawan. Nahulaan nga nito ang pag-alis niya ng bansa ngunit kanino naman siya mai-in-love? Eh, wala nga siyang nagugustuhan na lalaki.

"At ang tao ring iyon ang makakapag-alis ng sakit na nilikha niya."

Nanginginig na binawi na niya ang mga kamay mula rito. "O-Okay na po 'yung hula niyo. Magkano po?" Tumayo na siya pagkasukbit sa kanyang bag.

"'Di bale na, hija. Hindi ka rin naman nagtagal dito," anito na tumayo na rin at muling umupo sa isang rockin chair at dinampot ang sinusulsing bonet.

Hindi na siya nagpumilit pa. "Kayo po ang bahala. Salamat po uli." Wala ng lingon likod na lumabas siya ng silid na iyon. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng tuluyang makalabas ng shop. Ang puso niya ay patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis.

Hanggang sa makauwi sa kanilang bahay ay ang hula pa rin sa kanya ng matanda ang iniisip niya. Confuse siya kung sinong lalaki ang tinutukoy ng manghuhula. Wala siyang maisip.

Medyo pinukpok niya ng kamay ang kanyang ulo. "Mababaliw yata ako kakaisip sa lalaking iyon. Grrr!"

Pero sabi naman ng ibang tao na minsan mali ang hula ng mga manghuhula. Kaya nga hula lang ibig sabihin ay walang kasiguraduhan.

Pinilit na niyang kalmahin pa ang sarili bago ipinasyang tulungan ang kanyang lola sa kusina para kahit paano ay matuon sa iba ang kanyang isipan.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now