Chapter 19

10.1K 384 15
                                    

KAHIT na abnormal ang bawat araw para kay Anria dahil sa nangyari sa tree house lalo na kapag nakakasama si Sanji ay kabaligtaran naman niya ito. Normal lang ito kung kumilos as if hindi big deal ang kiss na nangyari sa pagitan nila. Nakakainis man pero hindi niya magawang kalimutan na lang basta ang nangyari. Nahihirapan siya sa 'di malamang dahilan. Siguro ganoon talaga kapag first kiss. Palagi rin niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon.

"Kung bakit naman kasi nangyari pa iyon?" inis niyang anas bago muling kinagatan ang manggang kalabaw.

Malagatas na iyon kaya ang sarap kainin. Nag-aagaw ang asim at tamis. Wala siyang dalang sawsawan na asin dahil bawal daw iyon kapag sa ilalim ng punong mangga mismo kakainin ang naturang bunga. Aasim daw kasi ang mangga at imbis na malutong kainin ay yayabo iyon. Meaning hindi na masarap kainin.

Nang mga sandaling iyon ay nasa manggahan sila. Habang si Sanji ay abala naman sa pagsungkit ng mangga sa puno. Muli niyang pinanggigilang kagatan ang mangga.

"Ilan na ang nakain mo?" usisa pa ni Sanji ng tumabi ito ng upo sa kanya sa may damuhan. May dala pa itong tatlong malalaking mangga.

"Pangatlo na itong kinakain ko," sagot niya na hindi ito pinagkaabalahang tingnan.

"Takaw," anito na inilagay sa tapat niya ang mangga. "Pakibalat."

"Malagatas kasi. Pero kung purong hilaw ito hindi naman dadami ang makakain ko."

"Okay. Baltan mo na iyang sa akin."

Walang imik na ginawa niya ang gusto nito. Maganda kasi siyang magbalat ng mangga hindi kagaya ng kay Sanji na halos maubos ang laman sa sobrang kapal magbalat ng mangga.

"Paki-slice na rin."

"Baka mamaya utusan mo pa akong subuan ka?" She hiss.

"That won't happen."

Matapos baltan ang mangga ay hiniwa na rin niya iyon. Last na slice na sana niya ng mahagip naman ng matalas na kutsilyo ang hintuturo niya. Hindi iyon napansin ni Sanji dahil abala ito sa paglalagay ng bagoong, na kinuha pa nito sa mansiyon, sa platito. Mabilis na isinubo niya sa bibig ang hintuturo para sipsipin ang dugong agad na lumabas sa nahiwang daliri.

Inilapag niya sa may kandungan ni Sanji ang mangga. "Tapos na," sabi pa niya na medyo napapakagat labi na dahil sa mahapding sugat. Nararamdaman pa niya ang pagtibok niyon kahit na wala namang puso.

Kung kailan kailangan niya ng panyo o ano mang puwedeng pantapal sa sugat niya ay saka naman wala sa lugar na kinaroroonan nila. What now? Ang hapdi-hapdi na ng sugat ko. Baka mamaya maubusan ako ng dugo at matumba na lang dito. Ipinilig niya ang ulo dahil sa naisip.

"Kanina mo pa subo 'yang daliri mo."

Napasulyap tuloy siya kay Sanji na salubong ang kilay. "M-May tinatanggal lang ako sa may kuko ko." Tinalikuran niya ito ng upo. Muli niyang kinagatan ang mangga para hindi ito makahalata na hindi siya okay.

"Sumawsaw ka dito sa bagoong. Mas masarap kainin 'yang mangga."

Umiling siya. "Ayoko." Ibinaba na niya ang kamay dahil hindi na niya matagalan ang lasa ng dugo. Lasang kalawang. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim. Hindi pa rin maampat ang dugo sa daliri niya. Dapat matigil ang pagdurugo niyon dahil kung hindi baka mawalan pa siya ng malay. She hate seeing blood.

"Anria."

Hindi niya pinansin si Sanji. Isang sulyap pa sa sugat niya na puro dugo at parang kakaiba na ang nararamdaman niya. Parang ano mang oras ay matutumba na siya.

"Alam mo ba kung bakit manggang kalabaw ang tawag sa bunga nitong punong mangga?" Tanong pa nito sa kanya.

"Hindi."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now