Chapter 16

9.3K 399 8
                                    

KAHIT ayaw ni Anria na samahan si Sanji sa pagsalubong sa pagdating ng mga magulang nito ay wala naman siyang nagawa. Hinihintay nila ang pagdating ng mga ito sa malawak na sala. Malapit na raw kasi ang mga iyon. Eksaktong dinner ang dating. Naroon din si Ajani na prenteng nakaupo sa tapat nila ni Sanji. Kanina pa masama ang tingin nito sa kanya. Habang si Sanji naman ay busy sa paglalaro ng Plants vs. Zombies sa cellphone nito kaya kahit ano pang pa-cute ang gawin ni Ajani ay hindi naman ito pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa games na 'yan?" Tanong niya rito. "Paulit-ulit."

"Mind your own business."

Nginisian pa siya ni Ajani. "Feeler," bulong pa nito

Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya niya kaya naman kaya niyang palampasin ang sinabi nito.

Nang makarinig ng busina ng sasakyan ay nauna pang tumayo si Ajani at pumunta sa labas. Senyales na dumating na ang mga magulang ni Sanji. Tinigil na rin ni Sanji ang paglalaro at basta na lang inilapag sa tabi nito ang cellhone. Tumayo na rin ito.

"Sumunod kana," utos nito sa kanya.

"Puwedeng dito na lang ako?" Kinakabahan siya kanina pa at naroon iyong point na parang hindi niya kayang humarap sa mga magulang nito.

"Hindi puwede," anito na hinawakan siya sa kamay at hinila palabas ng mansiyon.

Hindi niya napigilan ang sarili na sulyapan ang kamay niyang hawak pa rin ni Sanji. Nanunuot ang init ng palad nito sa kanyang palad.

Nag-sign of the cross din siya bago tuluyang lumabas sa may entrada ng mansiyon. Napalunok pa siya ng makita ang pigura ng isang napaka-sopistikadang babae na kababa lang ng isang luxury car. Sigurado siyang ito ang ina ni Sanji dahil palagi niyang nakikita ang napakaganda nitong portrait na naka-display sa taas ng fire place. Napakaganda nito sa personal. Kahit siya ay hindi aakalain na ito ang ina ni Sanji dahil mas mukhang ate lang ito. She's a pure blooded Japanese. Ang asawa naman nito ay isang half spanish. Kaya si Sanji tatlong dugo ang nananalaytay dito.

Si Ajani ang unang sumalubong kay Mrs. Hinari Marquez. Siya naman ay bahagyang nagtago sa likuran ni Sanji.

"Hiding like a cat?" pansin pa ni Sanji sa pagtatago niya sa may likuran nito.

Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Ang totoo niyan natatakot akong harapin ang magulang mo dahil sa nangyari sa iyo," pag-amin niya.

"Ang baby ko," anang Ginang na mabilis na nilapitan si Sanji at niyakap ng mahigpit.

Si Mr. Alfredo Marquez naman ay kababa lang ng sasakyan. Looking so gorgeous at the age of fifty.

Tahimik lang siya sa kinatatayuan habang nakamasid sa mga ito. Until Mrs. Hinari noticed her existense. Agad na kumalas ito kay Sanji para harapin siya.

"You must be that girl?" Bahagya pang naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Si Sanji naman ay pinanonood lang sila.

"Yes, Ninang, she's the one na may kasalanan sa nangyari kay Sanji and I hate her," ani Ajani na nakataas kilay.

Para siyang itinulos sa kinatatayuan ng umangat ang kamay nito at umakmang sasampalin siya.

"Mom!" Mabilis siyang nahila ni Sanji palayo sa ina nito. "That's enough!"

Naiiling namang hinapit ni Mr. Alfredo ang asawa. "Hon, napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito," paalala pa nito sa asawa nito.

"I just can't imagine na mapapahamak ang anak natin ng dahil lang sa kanya."

"Tinatakot mo naman ang bata, Hon. I'm sure binabantayan naman niyang mabuti si Sanji habang wala tayo rito. Kaya kalimutan na natin ang nangyari. Ang mahalaga ngayon ay maayos na si Sanji."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now