Chapter 36

15.3K 447 147
                                    

"ARE you sure na maghihintay ka sa kanya sa park?"

"Oo, Lai," sagot ni Anria sa kaibigan na kausap sa cellphone. Ang araw na iyon ang araw ng pag-alis nila papuntang Maynila. Napaka-gloomy ng pakiramdam niya pagkagising pa lang ng umagang iyon.

"Sige. Basta update mo kami ni Miyuki, ha?"

"Oo. Sige na magbabanyo lang ako," paalam na niya kay Lai.

Matapos mag-CR ay muli siyang bumalik sa kanyang kuwarto at nag-type sa cellphone. Bahagya pa ang panginginig ng kanyang mga kamay habang nagta-type.

Hihintayin kita sa may park malapit sa simbahan mamayang hapon. Kailangan nating mag-usap. Hihintayin kita Sanji kaya please pumunta ka.

Kasabay ng pagpindot niya sa send ay ang pagpatak din ng butil ng luha sa screen ng kanyang cellphone. D-in-ouble send niya iyon para siguradong matatanggap nito. Sigurado siya na nakauwi na kagabi sina Sanji sa hacienda dahil nag-text pa ito sa kanya ng, 'Just landed. See you'.

Umaasa siyang magkikita sila nito mamaya. Kahit sa huling pagkakataon lang ay gusto niya itong masilayan.

Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin niya. Okay na ang lahat, maliban sa kanya. Mamayang alas syete ng gabi ang oras ng pagpunta nila sa Maynila dahil alas kuwatro ng madaling araw ang kanilang flight patungong London. Habang lumilipas ang oras, minuto at segundo ay tila bibitayin ang pakiramdam niya. She never felt this way even before. Ngayon lang. Hindi siya handa. Ni hindi nga niya matanggap na aalis na siya.

Sumandal siya sa headboard ng kama. Ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Mabigat ang kalooban niya sa napipintong pag-alis, sobra.

Ala-una pa lang ng hapon ng magpaalam si Anria sa kanyang lolo at lola na pupunta lang sa bayan. Babalik siya bago sila umalis patungong Maynila. Nag-alangan pa nga ang mga ito na payagan siya dahil baka raw hindi siya bumalik. Nangako naman siya na babalik kaya pumayag na rin ang mga ito.

Habang nakaupo sa bench na nalililiman ng isang puno ay naalala niya iyong huling beses na nakausap niya sa cellphone si Sanji bago ang boarding time ng mga ito patungong Japan.

"Ano'ng plano mo sa Christmas?" ani Sanji.

Napangiti siya ng marinig ang suwabeng boses ng binata. "Wala. Tambay lang sa bahay pagkatapos naming sumimba nina lola."

"Ganoon ba? Sa twenty four kasi hindi naman ako puwedeng umalis dahil desperas ng pasko. Ikaw rin syempre. So, sa mismong araw ng pasko mag-date tayo."

Hindi agad siya nakapagbigay ng komento sa sinabi nito. Magdi-date sila? Ngayon pa lang ay nakaramdam na siya ng excitement.

"Hindi ka na nagsalita diyan."

Tumikhim siya. "Ahm, sa twenty five?"

"Oo. Ayaw mo ba?"

Nakagat niya ang ibabang labi habang nangingiti. "Hindi naman. Sige, sa pasko. Basta treat mo."

"Oo naman. Thank you, Anria. Hindi pa man kami nakakaalis, gusto ko ng umuwi agad diyan."

"Adik. Enjoy na lang sa bakasyon niyo."

"Okay. Pipilitin kong mag-enjoy. Ahm, sige na kailangan na naming sumakay sa plane. Boarding time na. You take care, okay? See you after a week. I'll miss you."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now