Chapter 05

13.1K 496 18
                                    

PAGPASOK ni Anria sa kanilang classroom ng umagang iyon ay masasamang tingin ng mga classmate niyang babae ang sumalubong sa kanya. Pinili niyang ignorahin ang mga iyon.

Pagkaupo sa kanyang silya ay agad siyang binulungan ni Lai.

"Si Sanji nasa-ospital pa rin."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Hanggang ngayon?"

“Oo. Para daw sa mabilisang recovery ng likod niya. Medyo napuruhan daw ang spinal chord ni Sanji, eh.”

"Aksidente 'yung nangyari, Lai," depensa niya.

"Alam ko. Kaso napahamak pa rin si Sanji at ikaw ang sinisisi nila."

Minsan nakakapagod rin na idepensa ang sarili dahil sa mga taong makikitid ang pang-unawa. Ang dalawa lang na kaibigan niya ang nakakaintindi sa nangyari matapos niyang ikuwento sa mga ito ang puno't dulo ng lahat.

"'Wag mo na lang silang pansinin, Anria, dahil the more na pansinin mo sila ay lalo lang lalaki ang issue."

Tumango siya. Kaya naman maghapon na iwas siya sa lahat maliban sa dalawa niyang kaibigan na palaging nasa tabi niya. Aware naman siya sa mga babaeng kanina pa siya gustong tirisin.

"Anria, pumunta ka muna sa faculty. Pinapatawag ka ng adviser nina Sanji Marquez."

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Anria sa sinabing iyon ng kanyang adviser ng palabas na sana siya ng kanilang room. Nagkatinginan sina Lai at Miyuki.

"Sasamahan ka namin," ani Lai na tinanguan naman ni Miyuki.

"Sige po, Ma'am," aniya bago lumabas ng class room.

Nang makarating sa faculty ay siya lang ang humarap kay Mrs. Santiago, nagpaiwan sa labas ang dalawa niyang kaibigan. Isinantabi na muna niya ang kabang nararamdaman. Clueless siya kung bakit siya nito pinatawag.

"Good afternoon, Mrs. Santiago. Ipinatawag niyo raw po ako," magalang niyang bati bago naupo sa harap ng table nito ng iminuwestra nito ang silya.

"Yes, Miss Amelardo. Regarding ito sa nangyari kay Mister Sanji Marquez. Aware ka naman siguro roon?"

Medyo napayuko siya. Hindi naman niya iyon sinasadya. Biktima lang din siya ng pagkakataon.

“Ayoko ng pahabain pa ito. Since semestral break na next week kaya naisip ko na pakiusapan ka kung okay lang sa iyo na magbantay kay Mister Marquez for two weeks sa bahay nila para i-monitor na rin ang kalagayan niya hanggang sa maging maayos siya. You will be his personal assistant while he's on his fast recovery. Hindi biro ang tinamo niyang back injury kaya nasa ospital pa rin siya until now dahil sa medyo naapektuhan niyang spinal chord. Maaasahan ko ba ang kooperasyon mo, Miss Amelardo?”

Matagal bago nag-sink in sa utak niya ang sinabing iyon ng guro. Siya at si Sanji magsasama ng ganoon katagal? Baka mamatay na ito kapag nagkataon.

"Pero, Mrs. San–"

“Sige na, Miss Amelardo,” mabilis nitong putol sa sasabihin pa niya. “Dito sa mismong school naaksidente si Mister Marquez at para makabawi kahit paano kaya nakiusap ako sa iyo at para makabawi ka rin sa kanya dahil sa nangyari. Bukod sa nakakahiya para sa pangalan ng school lalo naman sa mga magulang niya. You know how known his family is. Masyado silang maimpluwensiya at baka ng dahil sa insidente na iyon ay kasuhan nila itong school which is ipasara pa nila. Please cooperate, Miss Amelardo. Babantayan at aalalayan mo lang naman si Sanji sa mga gagawin niya.”

Kakayanin ba niya ang ipinakikiusap ng guro? Baka naman lalo pang mapahamak si Sanji ng dahil sa kanya? Sa huli ay napatango na lang siya. “S-Sige po, Ma’am.”

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now