Chapter 23

9.1K 383 34
                                    

NAGPAPASALAMAT pa rin si Anria dahil sa mga lumipas pang araw ay wala namang nagtangkang kantiin siya dahil sa 'di umano'y paglalandi niya kay Sanji sa may rooftop. Kahit na mukhang gustong-gusto na siyang sugurin ng marami ay wala namang nangahas na lapitan siya. Ngunit marami pa rin ang mga bitter na pinapasaringan siya at pinaparinggan. Mga natakot siguro na gawan siya ng masama ng magbanta si Sanji na oras na malaman nito kung sino ang magtangkang manakit sa kanya ay malalagot dito. Even one of the hot chick sa kanilang campus na walang ginawa kundi ang magpapansin kay Sanji ay halos isumpa na siya dahil nakakalapit siya kay Sanji.

Pabagsak na naupo si Anria sa kanyang upuan. Ipinatong din niya ang dala niyang tatlong pirasong Kiss na fish cracker, na halagang piso isa sa tindahan, sa kanyang arm chair. Feel lang niyang kumain ng medyo maalat ng mga sandaling iyon.

Sina Lai at Miyuki naman ay nagpaiwan pa sa labas at as usual hina-hunting ang kaguwapuhan ni Sanji. Mainit kasi sa labas dahil tanghali kaya nauna na siyang bumalik sa classroom nila.

"Wow, Kiss. Sa akin na lang ito," pagkakuha ng classmate niyang si Dandrev sa fish cracker niya ay naglagay pa ito ng tatlong piso sa kanyang desk bago nagtatakbo palabas. "Thank you, Anria!"

Sa bilis ng pangyayari kaya hindi niya naagaw ang Kiss niya. Parang bulkan na sasabog na hinabol niya ang classmate na nagtatakbo sa labas.

"Dandrev! Akin na 'yung Kiss ko!"

Nainis siyang lalo ng matuling nagtatakbo ang classmate niya. Kung kailan naglalaway na siya sa pagkain niya ay puputaktihin pa nito. Buwisit. Hinabol pa rin niya si Dandrev na ewan niya kung mahahabol pa niya sa bilis tumakbo.

"Sinabi ng akin na 'yang Kiss ko, Dandrev!" Kahit na may napapatingin sa kanya ay wala siyang pakialam. Ang importante sa kanya ngayon ay mabawi ang Kiss na binili pa niya sa labas.

Napahinto siya sa pagtakbo nang may pumigil sa braso niya. Hingal na hingal pa siya ng lingunin kung sino iyon. Napakurap siya ng makita ng kanyang paningin si Sanji. Salubong ang kilay nito.

"B-Bakit?" Kandautal niyang tanong. Nang maalala si Dandrev at ang Kiss niya ay pinilit niyang makawala rito. "May hinahabol ako kaya kailangan ko ng umalis. 'Yung Kiss ko kasi—"

"What's with you? Por que nakuha ko na 'yung first kiss mo halos ipagsigawan mo pa rito sa building na i-kiss ka ng kung sino mang hinayupak na 'yon?"

"H-Ha?" Napapamaang niyang bulalas. Hindi niya ito ma-gets. "Mamaya na tayo mag-usap. May hinahabol pa ako."

Akmang tatakbo siya ng muli siya nitong pigilan at hilahin papasok sa music room na walang katao-tao. Isinandal pa siya nito sa pinto pagka-lock nito niyon. Ang dalawa naman nitong kamay ay nakatuon sa pagitan niya para hindi siya makatakas.

"'Y-Yung Kiss ko kailangan kong makuha," apila niya ng hindi ito matinag sa kinatatayuan. Awkward, dahil ang lapit-lapit na naman nito sa kanya.

Naningkit ang mga mata nito. "Ilan ba ang gusto mo?" Mariin nitong sabi.

"T-Tatlo."

"Tatlo?!"

Bakit ba ganito ang reaksiyon nito? Problema nito? Napalunok tuloy siya ng mapatitig sa guwapo nitong mukha. Hayon na naman ang pamilyar na rambulan sa dibdib niya.

"Bakit ganyan ang reaction mo?"

"Tss. Gusto mong magpahalik doon sa hinahabol mo. Tatlo pa, ha? At dito mo pa talaga pinagsisigawan sa school."

Napamaang siya sa maling akala nito. Umiling siya. "Ang nega mo talaga, Sanji." Tinulak na niya ito palayo sa kanya. Lumayo naman ito.

"Ako pa ang nega ngayon?"

Humalukipkip siya. "Paanong hindi? Nag-iisip ka agad ng masama. Bakit? Alam mo ba 'yung nangyari para mag-isip ka ng masama sa akin? Alam mo ba kung ano 'yong Kiss na hinihingi ko sa classmate ko?"

Hindi agad ito nakasagot.

"O, 'di ba, hindi ka riyan makasagot. Palibhasa ang kung ano-anong iniisip mo," inirapan pa niya ito.

"Kahit sino ganoon din ang iisipin," giit nito.

"Hays. Bakit kasi may pahigit-higit ka pa? Sigurado ako sa mga sandaling ito ay balat na lang 'yung natira doon sa Kiss ko." Na-badtrip siya lalo ng maisip ang kanyang sitserya.

Amuse na pinagmasdan siya nito. "Ano ba 'yung kiss na iyon? Sigurado kang," tumikhim ito ng tila mag-alis ng bara sa lalamunan. "Hindi sa lips 'yon?"

Umirap uli siya dahil dagli ang pag-iinit ng pisngi niya sa tinuran nito. "Hindi. Junk food iyon. Itinakbo ng classmate ko matapos mag-iwan ng bayad sa desk ko. Sasakalin ko talaga iyon kapag nakita ko. Buwisit." Nang sulyapan niya si Sanji ay may ngiti pa sa sulok ng mga labi nito. "Ano'ng ngini-ngiti-ngiti mo riyan? Palibhasa kasi hindi ka naliligaw sa mga tindahan sa labas kaya hindi mo alam kung ano 'yung nabibiling tigpi-piso."

"Ilang beses na akong bumibili sa tindahan sa labas."

"Whatever. Babalik na ako sa room."

"Paano 'yung Kiss mo?"

Bakit parang iba 'yung dating niyon sa kanya? Inaatake na naman ng kulay berde ang utak niya.

"Ubos na iyon sigurado," sabi na lang niya bago hinarap ang pinto.

"Gusto ko rin noong Kiss."

Nabitin tuloy sa ere ang kanyang kamay na akmang hahawak sa door knob ng pinto. Huminga muna siya ng malalim bago muling nilingon si Sanji na parang may evil grin sa labi. "Bumili ka sa labas," pairap niyang sabi bago tuluyang binuksan ang pinto.

Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makitang tao sa pasilyong iyon. Tuluyan na siyang lumabas. Nakasunod lang sa kanya si Sanji na nakapamulsa.

"Pabayaan mo na 'yung pagkain mo doon sa classmate mo. Magpapabili na lang ako kay Andrei sa labas," ani Sanji bago naglakad patungo sa classroom ng mga ito.

"'Wag na."

Itinaas lang nito ang kaliwang kamay habang patuloy sa paglalakad. Ibig sabihin ay ito ang masusunod. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Isang sulyap pa kay Sanji bago siya bumalik sa kanilang room.

Hindi naman nagtagal at pumasok si Andrei sa room niya na may dalang isang balot ng Kiss! Maang ang beauty niya ng ilapag nito iyon sa kanyang desk. Lahat ng classmate niya sa room ay nakanganga pa habang nakatingin kay Andrei.

"Bakit isang balot? Gusto ba niyang magkasakit ako sa bato?"

Nakangiting nagkibit balikat lang ito. "Sabi niya, eh," tukoy nito kay Sanji. Ipinatong din nito ang isang bote ng mineral water. "Balik na ako sa room."

"S-Sige. Salamat Andrei."

"Makakarating kay Sanji."

"Ah, teka lang Andrei." Mabilis na binuksan niya ang plastic at iniabot kay Andrei ang apat na pirasong Kiss. "Pakibigay sa kanya ng matikman niya."

Tumawa ito. "Sige." Umalis na rin ito.

Napasunod pa ang tingin nina Lai at Miyuki kay Andrei ng makasalubong ng mga ito ang binata sa may pintuan.

"Ano'ng meron?" Panabay pang usisa ng mga ito.

"Wala. Gusto niyo?" Alok pa niya sa mga ito ng kanyang kinakain.

"Sure."

Ang mga classmate naman niya ay panay ang irap sa kanya.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now